Naglagi pa ako ng ilang araw sa hospital para masiguradong safe na nga kami ni baby. Ayaw pumayag ni Reeve na umuwi agad. Sobra itong nag alaala.
Ilang beses ring dumalaw sa hospital ang mga magulang ni Reeve na sobrang natuwa na nagkaayos na kami ng binata at higit lalo dahil madadagdagan na naman ang apo ng mga ito.
Noong una hindi ko alam kung paano harapin ang mag asawa after ng nangyari, pero kalaunay naging maayos rin. Sa katunayan ang mga ito pa nga ang humingi mg depensa dahil sa ginawang pamimilit ni Reeve na ikasal.
Nakahanda na ang mga gamit ko, si Reeve mismo ang naghanda. Personal akong inaasikaso ni Reeve, tumatawag lamang ito sa sekretarya nito para ang update sa mga nangyayari sa kumpanya nito. Nakita ko ang bahaging pagiging responsable ni Reeve, hindi lang pala sa kompanya ito magaling. Halos sa maraming aspeto naman yata.
"Baby, ready ka na ba?" untag ni Reeve. Nakatayo na ito sa harapan ko habang may hawak na wheelchair. Napamaang pa ako.
"Bakit kailangan pang may wheelchair, nahilo lang ako Reeve hindi ako baldado" inis kong turan.
Napasimangot naman ito.
"Baby, ayaw kong mahirapan ka okay? Mahina ka pa. Kung ayaw mong buhatin kita papunta sa sasakyan ko, sumakay ka nalang diyan. Now, choose" wika pa nito.
As if naman magpapabuhat ako sa lalaking ito, baka bigla akong rurupok lalo na at namimiss ko na rin ito ng sobra, mas okay na yung wheelchair nalang ako safe pa ang aking karupukan, bulong ko sa sarili
At inuuwi na nga ako ni Reeve sa mismong bahay nito. Halos malaglag ang panga at lumuwa ang aking mga mata sa pagbaba ko ng sasakyan niya.
Paano ba naman kulang nalang iisipin kong palasyo yung titirahan namin.
Oo nga pala, ubod nga pala ng yaman ang jowa ko.
Naks naman selp, maka jowa ka naman ni label nga wala, sita ng isip niya.
Ipinilig ko na lamang ang aking ulo dahil sa kung ano-anong kapraningan na naman ang pumapasok sa utak kong inaagiw.
Sinalubong kami ng mga kasambahay at ipinakilala rin ako ni Reeve sa mga ito.
Pumanhik na kami sa itaas, kaagapay pa rin ang binata. Akala ko sa guestroom ako mamalagi. Nagulat pa ako ng sabihin ng binatang sa kwarto aki nito matutulog.
Nauna nang pinagbuksan ni Reeve ang pinto ng kwarto. Tumambad sa akin ang napakalawak nitong silid na pinalalamutian ng mga mamahaling paintings, iginiya ako nito papasok sa mismong kwarto nito.
Medyo wala pa akong maaninag dahil madilim, pinindot ni Reeve ang switch ng ilaw at halos mangiyak ngiyak ako sa nakita!
Napabaling ako kay Reeve na ngayon ay may luha na sa mga mata.
"Paano ka nagkaroon niyan?" tanong ko sabay turo sa painting na nakasabit sa harapang parte ng kama. Na kapag matutulog ka ay ito ang huli mong makikita at sa paggising at ito ang unang bagay na bubungad sa iyong mga mata.
"I took that picture seven years ago, baby. Kakarating ko lang niyan mula America at nadaanan kita sa jeep station na nakikipag unahang mag abang ng masasakyan, na star struck ako yata sa'yo kaya hindi ko napigilang kuhanan ka ng pictures. Pinapaint ko iyan five years ago after mo umalis na akala ko nga ay kasama ka sa naging biktima ng pagsabog" mahabang paliwanag nito.
Napanganga lang ako kay Reeve habang palipat lipat ang tingin.
My God! So the feeling is mutual pala?!!
Na star struck rin naman ako sa binata kaya hindi ko napigilang kuhanan rin ito ng picture!
Dali dali kong kinuha ang aking cellphone at iniopen ang wifi at nag log in sa aking instagram account.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...