After ng nangyari sa kanila sa bahay ng boss niya mag dadalawang buwan na ang nakakalipas ay balik na ulit sila sa dati.
Tamang iwasan lang ang drama. 'Yung pakiramdam na parang may nakakahawang sakit dahil todo iwas sa isat-isa.
Pero may mga pagkakataong bigla na lamang akong ipapatawag sa opisina nito, na laging nauuwi sa mainit na tagpo.
Minsan gusto ko ng mainis sa sarili dahil ang rupok rupok ko pagdating sa binata. Mabilis akong madarang sa mga haplos nito. Sa bawat init na hatid ng katawan nito, dulot sa akin ay nakakabaliw na pakiramdam.Gusto kong umiwas, pero tutol ang aking katawan. Kasi tanggapin ko man o hindi sa sarili ko, malinaw pa sa sikat ng araw na dehado ako. Ako 'yung babae at walang kahit katiting na assurance kung ano nga ba kami.
Fuckbuddy malamang, sagot ng isipan ko.
Oo fuckbuddy, kasi wala naman kaming label. Hindi ko na nga din alam kung ano ba talaga kaming dalawa.
O hindi kaya ay VIP beswarmer, para hindi naman pangpokpok ang tunog.
Hayst!
Todo tihaya pero walang label. Saklap besh!
Kakatwa mang isipin pero hulog na hulog na ako sa binata. Kaya pilit kong iniiwasan ito para hindi ako tuluyang malugmok sa sitwasyong pang one sided love. Ang hirap nung pakiramdam na gusto mo siyang ipagdamot mula sa mga babae niya, pero narealize mong isa ka rin pala sa mga babae niya. Hindi mo siya puwedeng angkinin dahil imposible!
Maya- maya pa ay may namataan kaming isang sopistikadang babae. Matangkad, may mahabang buhok,magandang manamit pero mukhang kinulang ng tela sa iksi ng suot at mukhang yayamanin.
Tila isang international model ang dating. Yung tipong kapag nakita mo ay mapapatulala ka.
Nakita kong lumapit ito sa information table at may tinanong.Pagkalipas mg ilang saglit at umalis na din ito ng building.
Kasalukuyan kaming kumakain ng kaibigan ko ng mapansin kong tila titig na titig ito sa akin.
"Hey, bestie, what's wrong?" usisa ko.
"Napansin ko lang bestie, bakit ang putla at ang tamlay mo this past days? May sakit ka ba?" Nag aalalang tanong ng kaibigan.
"Wala naman bestie, pagod lang siguro" sagot ko.
At hindi na nga nasundan ang tanong nito. Tuloy tuloy lang silang kumain.
Papasok ako ngayon sa opisina at medyo mabigat ang pakiramdam ko. Kahit ako man rin ay ramdam ko ang may pagbabago sa akin, hindi ko nga lang matukoy kung alin.
Bago ako pumasok ng opisina ay dumaan muna ako ng pharmacy.
Kakaiba ang pakiramdam ko ng araw na 'yun. Sa hindi ko malamang dahilan ay tila hindi normal ang pintig ng aking puso.
Nakarating nga ako sa aking mesa at umupo. Binuksan ko ang aking laptop at nagsimula ng magtrabaho.
Malapit ng sumapit ang tanghalian mg lapitan siya ni Gwen at may inaabot na folder.
"Yohan, pakidala naman ito sa opisina ni boss, please?" pakiusap nito.
Tiningnan ko siya at pansin kong malaki na rin ang ipinagbubuntis nito. Nakakaawa namang maglakad pa ito sa opisina ni Boss.
"Okay, okay ako na maghahatid" sabi ko at kinuha na ang folder.
Umakyat ako sa 58th floor gamit ang elevator. Floor ng opisina ng CEO.
Habang palapit ng palapit sa opisina ng binata ay mas lalong naging malakas ang pagtambol ng akinh dibdib.
Ano bang nangyayari sa akin? naiiling kong wika.
Medyo naka siwang ang pinto ng opisina nito at dinig na dinig ko ang mga boses lalaking nagtatawanan as loob.
Palapit na ako ng palapit kaya mas nagiging malinaw ang mga usapan ng mga ito.
Mali man makinig sa usapan ng iba pero alam ko namang hindi ko sinasadya, dahil nakasiwang naman talaga iyun..
Mga kaibigan or pinsan niya marahil ang mga kasama sa loob. Mukhang ang saya saya nga nila dahil dinig na dinig ang mga asaran, murahan at malakas nitong mga tawa.
Pero halos takasan ako ng ulirat dahil sa narinig.
Natutop ko ang aking dalawang palad sa aking mukha. Napahawak ako sa aking dibdib, dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makahinga.
Nag uunahang maglandas ang aking mga luha sa aking pisngi.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko mahanap ang aking boses. Halos hindi ako makapaniwala!
Imposible!! At napasalampak na lamang ako sa sahig habang humahagulgul.
Bakit?
Anong maling nagawa ko para parusahan ako ng ganito?
09-08-2020
02:02am
Muscat,OmanOpen for constructive criticism.
Leave your comments below.i
Thank you so much sa lahat.God bless and keep safe everyone 🙏🧡
-Ehnna-🧡😊
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...