BMWTL-29

1.1K 56 9
                                    

Nang tuluyan na akong makalabas ng opisina ay duon na bumuhos ang walang humpay kong luha.

Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi ng binata. Parang hindi kayang iabsorb ng utak ko ang mga salitang namutawi sa mga labi nito.

Ang kapal ng mukhang suholan ako ng pera para lang lumayo!

Lalayo naman ako, sana sinabi niya nalang ng maayos at mahinahon. Hindi ko naman kailangang lumuhod at mamalimos ng atensyon at pagmamahal. Dahil alam kong sa umpisa palang ako lang ang nakakaramdam.

Hindi ko naman sinadyang mahulog sa gagong iyon. Nakakatawa lang isipin na ako rin mismo ang nanakit sa sarili ko. Hinayaan ko ang sarili kong tuluyang mahulog ito at ang masakit hulog na hulog na ako pero hindi niya ako sinalo.

Kailangan kong magpakatatag, hindi lang para sa akin kundi pati na din sa munting anghel namin sana ni Reeve.

Napahawak ako sa impis kong puson.

"Kapit lang baby, huh, huwag mong iiwan si Mommy kasi maliban sa pamilya ko, ikaw nalang yung taong pinaka dahilan na kinakailangan kung magpatuloy at lumaban, sayang hindi mo na makikilala ang daddy mo" Umaagos ang mga luha na kinakausap ko ang munting anghel sa aking sinapupunan.

Excited na sana akong ipaalam kay Reeve na magkakababy na kami. Iyon pala ay ako ang masusurprise.

Pero laking pasalamat ko na rin at hindi ko ito nabanggit baka hindi ko kakayanin kung pati ang baby ay itatanggi o pagdududahan rin nito.

Baka ikamatay ko! Okay lang na ako ang itanggi at pagdudahan huwag lang ang inosenteng bata na wala namang alam sa tunay at totoong sitwasyon namin.

He is a blessing. He is my light. He is the Beautiful Mistake happened to me. Walang kapara ang galak na naramdaman ko ng makita ko ang dalawang pulang guhit, kumpirmasyon na nagdadalang tao na ako.

I need to be strong. Hindi dahil nabigo akong mahalin ng lalaking pinakamamahal ko ay hihinto na ang pag inog ng aking mundo.

I need to fix myself kailangan kong buuing muli ang nagkapira piraso kong pagkatao at puso.

Gamit ang mga kamay, pinunasan ko ang aking mga luha.

"This is me, the new me...stronger, braver,and fearless single mom Yohan Ibarra" isang hingang malalim ang pinakawalan ko at tuloy na tuloy na pumunta sa cubicle at niligpit ang lahat ng mga importanteng gamit.

Aalis na ako. Ako na yung magboboluntaryong umalis. Hindi pa nman ganun ka kakapal ang mukha kong manatili pa sa emperyo ng mga Montenegro.

Ayaw kong umabot sa point na ipakaladkad pa ako ng binata palabas ng building.

Ang bigat lang sa dibdib habang tinitingnan ko ang mga kasamahan. Ang iba ay nakatingin ng may malisyosong ngiti at ang iba naman ay tila nakikidalamhati sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ngumiti ako sa mga ito , bitbit ang mga mahahalagang gamit ay tuluyan na akong umalis.

Pumara ako ng taksi at nagpahatid sa tinitirhan.

Bago ako sumakay sa sasakyan, isang lingon sa gusaling naging saksi kung paano ako natutong magmahal at saksi rin kung paano akong dinurog ng pag ibig na iyon. Tiningnan ko ng may mapait na ngiti sa aking mga labi.

"Salamat sa maikling sandaling naging masaya ako, sa maikling sandaling natuto akong magmahal. Salamat sa pagbigay ng munting anghel sa akin. Kapag darating man ang araw na susubukin tayo ng tadhanang magtagpo, iisipin ko na lamang na may amnesia ako at hindi kita kilala. Salamat Reeve, kasabay ng pag alis ko, iiwan ko ang pusong dinurog mo dahil sa pupuntahan ko duon ko sisimulan ang bagong kabanata ng buhay ko kasama ang magiging anak ko bubuoin ko ang puso ko kasama na ang tamang tao."

"Goodbye my handsome lunatic boss" at sumakay na ako ng taksi ng may ngiti sa mga labi.




09-10-2020
07:41am
Muscat,Oman

Good morning people!😊

Thank you so much sa walang sawang pagtitiyaga sa pagbabasa at paghihintay ng update. Pinipilit ko sa abot ng aking makakaya to give an update every day kapag may free time.Sana huwag kayong magsawang samahan Ako hanggang sa dulo ng kwento.

Open for constructive criticism. Just leave your comment. At kung hindi kalabisan, pakipindot na din po ang star sa baba to vote.
God bless and keep safe everyone!!🧡🙏

_Ehnna_🧡🙏

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon