BMWTL-40

1.1K 42 8
                                    


Hapon na ng magising ang binata matapos makatulog pagkatapos ng ilang beses nilang pagniniig ng dalaga.

Sinulyapan ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko. Hindi man lang ito nagising ng ilipat ko kanina sa private room ko mula sa pagkakatulog sa sofa.

Napangiti pa ako habang tinititigan ang maamo niyang mukha.

Damn! I can't still believe na after five long fucking years makikita ko siyang muli. Ni sa panaginip hindi pumasok sa isip ko na nandito lang pala ito sa liblib na probinsya ng Pilipinas!

Tumagilid ako at humarap sa direksyon niya, itinaas ko ang aking mga kamay at nanginginig na unti unting humaplos sa makinis at mala anghel nitong mukha.

"God know how much I missed you baby" mahina kong sambit kasabay ng pagpatak ng aking luha.

"I'm sorry" sambit ko habang patuloy pa rin ang pag agos ng aking mga luha.

Who would think na ang isang ruthless billionaire na si Reeve Montenegro ngayon ay umiiyak na tila sanggol na inagawan ng kendi at laruan?

Tears of joy na nga ba niya ito?

Dahil after five years na pagtoturture sa sarili dahil sa kagaguhan ko noon ay sa wakas natagpuan ko ulit siya ng buhay. Ang babaeng hindi ko sinasadyang mahalin sa gitna ng matraffic na kalsada ng Maynila.

Naalipungatan si Yohan sa mahihinang hikbi sa kanyang tabi.

Iminulat ko ang aking mata at bahagya pa akong nagulat ng mapansin na nasa isang silid na ako naroroon, huli kong naalala nung nasa sala pa kami.

Ngunit mas nagulat ako at tuluyan akong nagmulat dahil sa nararamdamang kong lumalakas na ang paghikbi ng aking katabi.

"I'm sorry" dinig kong sabi nito.

Kumilos ako paharap at ng marealize na nasa opisina nga pala sila ni Reeve.

Si RK ba talaga ito? The well known ruthless billionaire umiiyak sa balikat ko?

"R- RK.." alanganin kong tawag.

Tumaas ang kanyang mukha sa akin kaya kita ko ang mga luha nitong lumalandas pa din sa pisngi nito.

"I'm sorry baby, nagising yata kita" dinig kong sabi nito.

"Hindi naman, anong oras na ba?" tanong ko.

"Two thirty in the afternoon " sagot nito.

"What? Hapon na?" gulat at nag aalala kong sabi.

"Kailangan ko ng umuwi" bumangon ako at binalot ng kumot ang aking hubad na katawan.

"Stay for awhile baby, we need to talk please" mababang sabi ni Rk.

"Pero kailangan kong makauwi at baka nag aalala na sila sa bahay" giit ko pa.

"Kung ang inaalala mo ay ang anak natin, don't worry kasama niya sina mommy".

Napabaling ako ng tingin sa kanya.

"K - kasama ang p -parents mo? P- paano? naguguluhan kong tanong.

"Nasa bahay ng pinsan ko naglalagi si Rk kasama ang anak nitong si Francois, duon ko din unang nakita ang anak kong ipinagkait mong ipakilala sa sakin" may pagdaramdam sa boses nitong sabi.

Napaupo ako sa kama. Marahil ito na din ang tamang oras para ayusin ang lahat lalo na para sa ikakabuti ng anak nila.

" Una, hindi ko ipinagkait sayong makilala si RK, pinrotektahan ko lang siya mula sayo, masisisi mo ba ako kung nagdadalawang isip akong ipakilala siya? Matapos mo akong halos ipagtabuyan?" sagot ko.

"Sana sinubukan mo parin" giit nito.

Umiling ako.

" Ayoko lang mangyari sa anak ko ang nangyari sa akin Reeve, tama na na ako lang ang pagdudahan mo dahil hindi ko kakayanin kong pati si RK pagdudahan mo din, hinding hindi ko kakayanin" humihikbi ko ng sagot.

" Hush now baby please.. andito na ako. Nakilala ko man sa ibang pagkakataon ang anak ko hindi dahil sa pagpapakilala mo pero sobra sobrang saya ko. Kung alam mo lang kung paano ko araw araw sa nakalipas na limang taon sinisisi ang sarili ko na hinayaan kitang lumayo at bumitaw sakin." emosyonal na pahayag ng binata.

Patuloy lamang akong nakatitig kay RK na tulad ko ay unti unti na ring nagiging emosyonal.

" Baby, sana hindi pa huli ang lahat sa atin para magsimula tayong muli at bigyan ng kompletong pamilya si RK. Marry me Yohan." sabi ni Reeve sabay luhod at iniumang sa kanya ang isang tarhetang may nakapaloob na gintong singsing na may nakaukit na diyamante sa gitna.

Pinakatitigan ko ang lalaking naka luhod sa harap ko.

Sapat na ang isang beses akong nagpakatanga dahil sa kanya.

Minsan ko ng binigay ang buong buong ako pero dinurog at pinipiraso piraso nito.

Minsan ko ng inalayan ng walang kapantay na pagmamahal pero pinagdudahan pa din ako.

Papakasalan niya lang ba ako dahil sa kaalamang may anak siya akin?

O

Papakasalan niya ako dahil na naman sa isang pustahan?

Kailangan kong maging matapang at wais.

Inayos ko ang pagkabalabal ng kumot sa aking kahubdan. Kinompose ko ang aking sarili at tiningnan siya ng mata sa mata.

" I'm sorry Mr. Montenegro , I decline your proposal hindi ikaw ang lalaking gusto kong makasama habang buhay" at tumungo na ako sa loob ng banyo para maglinis ng sarili at mag ayos.

Naiwan namang nakakuyom ang mga kamao ng binata. Mahigpit ang pagkakakuyom sa singsing na tila mayuyupi na ito sa sobrang higpit.

" Brave woman! maybe you forgot kung anong apelido ko.. MONTENEGRO " at inilabas ang telepono at may idinayal na pamilyar na numero.

09-22-2020
04:48pm
Muscat,Oman

Hello po! Thank you sa walang sawang pagsuporta at paghihintay sa panibagong update. Thank you, thank you so much! At sana ay patuloy niyo pa rin akong samahan hanggang sa dulo ng kwento.
GOD BLESS AND STAY SAFE!🙏🧡

-Ehnna-🙏🧡






Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon