"Yohan, anak. Lumabas ka na diyang bata ka at nang makakain na tayo". Boses ng ina ang pumukaw sa lumilipad na isipan ng dalaga.
Dali dali akong lumabas ng silid at naglakad papasok sa isang pinto ng kabahayan kung nasaan naroon ang maliit naming hapag.
Kinuha ko ang tabo at tumabo ng tubig sa batya, sinabon ang kamay at naghugas at binanlawan.
Umupo na rin ako sa tablang nagsisilbing upuan namin. Itinaas ang isang paa at masayang tiningnan ang simpleng mga pagkaing inihain ng ina.
Tinolang native chicken na may papaya at dahon ng sili.Paborito ko iyon lalo na pag nanay ko ang nagluto.Paniguradong mapapadami na naman ang kain ko ngayong hapunan.Natatawang sabi ko sa isip.
Meron ding lutong tortang talong na galing sa mga tanim namin sa bukid.Hinaluan ng ilang pirasong itlog ng mga alaga naming bibe. Mas nakakamenus kami sa mga pagkain dahil sa mismong taniman na lamang namin ito kinukuha at sa mga alagang hayop ni ama.
Ang saya at tahimik talaga dito sa probinsya ang sarap mamalagi. Pero dalawang linggo nalng babalik na ako sa Maynila dahil magbubukas na ang pasukan.
Napabuntung hininga na lamang si Yohan.
Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko nang bumalik sa Maynila dahil aabutin naman ng ilang buwan bago ako makakauwe ng probinsya lalo na at isa na akong graduating student. Mahihirapan akong lumuwas dahil siguradong madami ang mga kakailanganing tapusin sa unibersidad.
"Mga anak, kain lang ng kain para lagi kayong malusog". Boses iyon ng aming ama; ang pumukaw sa lumalakbay kong diwa.
"Opo itay! Layo rin po para lagi po kayong malakas para matagal pa tayong magkakasama" Wika ko.
" Opo nga po Itay, Inay". Segunda ng dalawa kong kapatid na kasama naming lumalantak sa masarap na luto ni inay.
Ito ang senaryong kailanman ay hindi ko ipagpapalit sa alinmang yaman sa mundo.
At ang eksena ring ito ang dahilan kung bakit patuloy akong nagsusumikap makapagtapos sa pag-aaral para maiahon ko sila sa lusak ng kahirapan.
Ayaw kong habang buhay na lamang kaming magkakalkal ng lupa para mabuhay at makakain ng disenteng pagkain.
Masaya naming tinapos ang aming hapunan na busog hindi lamang ng pagkain kundi maging ng masayang kwentuhan bilang magkapamilya.
Akmang iipunin na ni Inay ang mga pinagkainan pero pinigilan ko. Ayaw ko ng magtrabaho pa si Inay sa bahay mula sa maghapong pagkakayod sa bukirin.
"Nay, magpahinga na po kayo ni tatay. Alam ko pong pagod kayo, kami na po bahala dito". Sabi ko sabay tingin sa dalawa kong kapatid na sa kasalukuyan ay tumutulong ring sinupin ang hapag.
"Oho, inay! Duon na po muna kayo at nang makapagpahinga na kayo ni tatang. Kayang-kaya na namin itong linisin sa kusina!" Magkapanabay pang wika nila Annie at Shahad.
Kumakanta pa ang dalawa habang naghuhugas at napupunas ng mga pinagkainan. Ang saya lang nilang panuorin.
Tapos na naming nailigpit ang mga pinagkainan at napunasan ko na rin ang mesa. Sinigurado ko munang naka lock ang lahat ng mga bintana at pinto at tsaka pinatay na rin ang ilaw.
Kaya nagpasya na kaming magpahinga.
Matapos makapag goodnight ay pabagsak kong ibinalandra ang aking pagal na katawan!
"Hays! Salamat at makapagpahinga na rin!" wika ko at umusal pa ng kaunting panalangin at ipinikit ang mga mata ng may ngiti sa kabila ng maghapong trabaho sa bukid.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...