Sa nanlalabong mga mata ay puting paligid ang bumungad sa akin.Inilibot ko pa ang aking paningin para suriing maigi ang aking kinaroroonan. Ilang sandali rin ang lumipas bago nasanay ang aking mga mata sa liwanag.
Napagtanto kong nasa
ospital ako. I passed out ng nakaramdam ako ng hilo dahil sa pabango ni Reeve.And speaking of, siya ba nagdala sa akin dito?
Tuluyan kong iminulat at iginala ang aking mga mata at nakita ko si Reeve na nakatalikod sa akin habang may kausap sa cellphone, kaya hindi nito napansin na gising na ako.
Ilang saglit pa ay tapos na itong makipag usap sa kung sinuman kaya humarap na ito sa akin.
"Baby, mabuti at gising ka na. Are you okay?" wika nito habang lumalapit sa kanya.
Mukha ba akong okay? Duh! Kita mo ngang nasa hospital diba? May nahohospital bang okay? Malditang sagot ng utak ko ngunit pinili kong huwag isatinig. Magbabangayan na naman kami nito, for sure!
"Okay lang ako, medyo nahilo lang ako pasensya na nga pala sa abala" sinsero kong wika.
Magsasalita pa sana ito ng pumasok ang doctor.
Binati pa nito sa Reeve bago lumapit sa akin para icheck.
"Kumusta na ang lagay niya doc? May nakikita ba kayong sanhi ng pag passed out niya?" sunod sunod na tanong mula kay Reeve.
Ngumiti lamang ang doctor at umiling.
"Wala namang dapat ikabahala Mr Montenegro, normal lang ang minsan ay mahilo huwag lamang siyang magpapastress at laging magtatake ng vitamins para maayos ang kanyang pagbubuntis. Congratulations Mr and Mrs Montenegro" tinapik pa nito ang balikat ni Reeve bago lumabas ng silid.
Awang ang mga labing napabaling ng tingin si Reeve sa dalaga.
"Y- you're pregnant?" halos hindi makapaniwalang tanong nito.
Nakayuko lamang ako, hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya.
"You're pregnant hindi mo man lang sinabi sa akin.? Kailan mo balak sabihin o kung may balak ka pa bang sabihin?" tanong nito.
"Sorry" tangi ko nalang naisagot.
"Baby naman, sana ipinaalam mo sa aking magiging tatay na ulit ako, at heto bumiyahe ka pa ng mag isa? What if may masamang nangyari sa inyo huh? Baby, huwag ka namang ganyan" bakas ang sobrang pag aalala sa boses nito.
"Sorry, natakot kasi akong ipaalam sayo, at nahihiya akong magpakita sa iyo after ng nangyari" nakayuko kong sagot.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin, hinawakan ang aking mukha at kinintalan ng mabining halik sa noo bago nag salita.
"Ako dapat ang magsosorry sa iyo, itinuloy ko pa rin kasi ang plano kahit umayaw ka na, hindi mo kasalanan kung bakit umalis ka noon, at ngayong andito ka na at magkakaanak tayo ulit, hindi kita pipiliting magpakasal sa akin pero sana pagbigyan mo akong sabay nating gampanan ang pagiging magulang" mahabang litanya ni Reeve.
Umiiyak na ako dahil sa mga sinabi niya, at dala na rin marahil ng aking pagbubuntis.
Hinigit ako ni Reeve at masuyong niyakap na agad ko namang ginantihan.
Araw araw kong namimiss ang kumag na ito. Kunwari lang naman akong galit pero mahal na mahal na mahal ko ito. Kahit paulit- ulit man akong sinaktan, hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Ganun naman talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo kung ano ang lahat sa kanya. Yung mga flwas and imperfections nila. Pero kapag lagi ka nalang sinasaktan minsan kailangan rin nating piliin ang sarili natin. Normal na ang magmahal ng sobra, pero dapat alam natin kung kailan tayo susuko at lalaban pa.
Ilang saglit pa kaming magkayakap ng mapadaing ako sa lakas ng sipa mula sa aking tiyan.
Mabilis namang humiwalay mg yakap si Reeve at manghang napahawak sa aking tiyan.
"Nagseselos yata ang baby ko" kausap nito sa tiyan ko.
"First time niya kasi marinig ang boses ng daddy niya at maramdaman ang yakap" sagot ko kay Reeve.
Masuyo namang hinaplos haplos pa ni Reeve ang aking tiyan.
"Don't worry baby, hindi na aalis si Daddy sa tabi ninyo ni Mama at kuya" nangangakong turan nito at naramdaman ko naman ang muling pagsipa sa tiyan ko na tila sagot sa sinabi ng ama.
And speaking of kuya.
"Reeve asan nga pala si RK?" usisa ko.
"Nasa kina mommy, siya na bagong bine-baby nila" kunwaring nagtatampong boses pa.
Hinampas ko ito ng mahina sa braso.
"Duh!! Magdadalawa na nga ang anak mo, gusto mo pang ibaby ka pa" natatawa kong sita.
"Nagbibiro lang naman ako, okay lang na ibaby nila si RK. Alam ko namang baby mo rin ako" banat pa nito sabay kindat na may kasama pang pa lipbite.
Shuta ka Reeve!! Kaya nga nagka hugis pakwan ang tiyan ko dahil nagiging marupok ako sa mga banat mong iyan! At iniiwas ko na lamang ang paningin para huwag ipakita ang aking pamumula.
Tumabi ito sa akin sa kama at panay ang haplos sa aking tiyan. Mayat maya niya itong hinahalikan at kinakausap na tinutugon naman ng anak niya ng malakas na sipa na tila nauunawaan ang sinasabi ng ama.
Don't forget to vote and put your comment/s.
Thank you! GOD BLESS AND STAY SAFE EVERYONE 🙏🧡
-Ehnna-✍
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...