BMWTL-36

1.1K 40 7
                                    


Kinabukasan, tunog ng cellphone ang gumising kay Reeve.

Message mula sa sekretarya ko ang bumungad. Ipinaalam nito na nagbilin ang aking ama na kung maari ay pasyalan ko ang bangko naming nakabase sa Maguindanao. Ang Monte bank.

Matapos basahin ang message ay napatingin ako sa orasan. Alas syete na ng umaga kaya ay bumangon na ako at tumungo sa banyo para maligo. Sanay akong gumising ng maaga at maligo bago mag almusal.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo habang may nakatapis na tuwalyang puti sa ibabang katawan.

Matapos makapagbihis ay bumaba na ako.

Tanging mga katulong lamang ang naroon. Sigurado akong tulog pa ang mga pinsan ko, napasobra yata sa pag inom nupng nakaraang gabi.

Mabilisan lamang ang kanyang pagkain, inubos na lamang niya ang kapeng inihanda sa kanya.

Alas otso pasado na ng baybayin ko ang daan patungo sa bangko gamit ang isa sa mga koleksyong sasakyan ni Francis.

***
Sa kabilang banda naman ay nagmamadali namang nagising at nag ayos ang dalaga.

Mabilis at maingat na halik sa noo ng anak kong natutulog ang aking iginawad.

Saglit ko pang tinitigan ang munting paslit na mahimbing na natutulog sa ibabaw ng kama.

You really look like your father baby, in every angle of your face, walang pinalampas na detalye ng pagkakapareho.

Paano ko makakalimutan ang ama mo kung sa bawat umaga ang mukha mo ang nasisilayan ko pero parang si RK rin ang nakakamulatan ko? Mas lalo ko lang namimis at tumatatak sa tanga kong puso kung gaano ka ka suplado kapag naiinis. Kung gaano ka kalambing kapag may gustong hingin at kung gaano mo ako napapasaya sa mga panahong sobrang pagod na ako.

You are my sunshine baby. I'm sorry i can't give you the complete family na alam kong lagi mong wish every birthday mo.

Five years na, pero anduon pa rin yung sakit. Yung traumang magmahal ulit, maybe darating rin ang tamang lalaki para sa akin, yung mamahalin ako ng ng higit pa sa pagmamahal ko sa kanya lalo na yung tangap at mamahalin rin nito ang anak ko.

Bumaba na ako dahil nagsisimula na naman akong maging emosyonal. Ibinilin ko na lamang si RK sa yaya nito kung sakaling nagising na ang bata.

Lulan ng aking sasakyan, ilang minuto na lang ay makakarating na ako sa Monte Bank.

Sobrang rush nga dahil kaninang umaga ko lang nalaman na nandito pala ang CEO at may ari ng bangkong pinamamahalaan ko.

Papasok na ako sa loob at agad naman akong binati mg security.

"Good morning maam" bati nito.

"Good morning too, kuya" bating tugon ko.

"Maam, nasa building na po ang CEO" imporma nito.

"Huh? Kanina pa ba kuya?" nagpapanic kong tanong.

"Mga half an hour po. Pinasasabi niya nga po kapag dumating na raw po kayo tumuloy nalang po kayo sa CEO's office".

Napatampal ako sa noo ng wala sa oras.

Ano na Yohan, first meet up niyo ng CEO, pero late ka?

Jusko! Huwag lang sana akong masisante! piping dasal ko.

Halos liparin ko na ang daan papuntang 3rd floor kung saan naroon ang CEO office.

Kinakabahang kumatok ako ng tatlong beses.

Ngunit wala akong narinig na sagot.

Kumatok pa akong muli at naghintay ng sasagot. Ngunit, bigo ako.

So? Asan na ang CEO? Baka nakatulog na sa paghihintay sa akin!

Halos sampung minuto na akong nakatayo sa harap ng pinto at naghihintay mapagbuksan ngunit wala pa rin. Kaya kahit kinakabahan man ay napagdesisyunan kong pumasok.

Sinubukan kong buksan ang pinto, mabuti at hindi naka lock.

Tuluyan na akong pumasok ng opisina, bakit walang tao? Nagjojoke lang ba si kuyang guard.

Inilibot ko na lamang ang paningin sa buong opisina. Masyadong akong busy sa pagmamasid ng paligid at hindi na naramdaman ang pagbukas ng banyo ng silid kung saan halos lumuwa ang mata ng taong iyon ng makita at makilala kung sino ang kikitain niyang branch manager ng kanilang bangko!

"B- baby" halos hindi makapaniwalang sambit ni Reeve.

Halos panawan naman ng ulirat si Yohan ng marinig niya ang boses na iyon.

Iisang boses at iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng endearment na yon!

Paano ko makakalimutan ang taong nagmamay ari nuon? Limang taon kong pinanabikang marinig ang boses nito kasabay ang pagtawag sa akin.

Kung ganoon, ito ang CEO ng Monte bank?

Oh Heaven! kaya pala Monte?

Kailangan kong maging matatag at magkunwaring hindi apektado sa presensya nito.

Lumingon ako, ngunit isang pagkakamali ang ginawa ko!

Dahil sa paglingon ko ay halos mala- toothpick nalang ang distansya naming dalawa.

Halos magwala ang dibdib ko sa lakas ng pintig nito. Mas nagulat pa ako ng mapansing walang pang itaas ang lalaki at tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan.

"I miss you so damn and im so fucking sorry baby" halos pabulong na sabi nito habang walang kurap na nakatitig sa akin.

Jesus!.. bakit tila nanlalambot ang mga tuhod ko na anumang oras ay bibigay na ako. Limang taon pero ganuon pa rin ang epekto ng binata sa akin!

"RK" mahina kong sambit kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

09-15-2020
08:20am
Muscat,Oman

Thank you so much!. Sana wag kayong mag sawang mag antay sa aking update. At sana samahan niyo ako hanggang dulo ng kwento. Malapit na!.😊

GOD BLESS AND STAY SAFE EVERYONE!🧡🙏

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon