BMWTL-6

1.2K 56 2
                                    

Yohan P.O.V

Hapon na ng makarating si Yohan sa Maynila. Nakakapagod ang maghapong biyahe ngunit okay lang,sanayan na lamang. At tsaka mahigit tatlong taon ko na itong ginagawa kaya medyo sanay na rin akong bumiyahe. Kailangan lamang talaga ay mahabang pasensya sa bagal ng usad ng biyahe kapag nasa ulo na ng syudad dahil sa tila walang katapusang traffic na minsan ay kulang na lang abutin ka pa ng next birthday mo sa gitna ng lansangan-sa sobrang sikip ng traffic!

Mabilis na akong bumaba ng bus at nag abang ng jeep na masasakyan patungo sa boarding house kung saan ako nanunuluyan dito sa Maynila.

Nababagot na ako kakaabang ng masasakyan wala pa rin at sobrang haba na ng traffic, baka abutin ako ng dilim nito!

Napabuntung hininga na lamang ang dalaga.

Habang naghihintay ng masasakyan ay palinga linga ang dalaga kahit wala namn siyang hinahanap. Parang pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin. O sadyang masyado lang akong pagod marahil.

Gusto kong libangin muna ang sarili dahil baka abutin ako ng isang dekada sa kakatayo at hindi pa din umuusad ang trapiko.

Busy ako sa pagmamasid ng mapuna ko ang isang mamahaling sasakyang nasa harapan ko lamang.

Shems!

Ang gara! Mukhang sobrang yaman siguro ng may ari!

Masisi niyo ba ako kung ganito ang reaksyon ko? Talaga naman kasing ang ganda at ang kintab kintab pa! Aabot sa puntong maari mo na itong gawing salamin sa sobrang kintab!

Nasa ganun akong pag iisip ng medyo bumaba ang bintana ng sasakyan. Kaya nakita ko ang isang lalaking mukhang pinagsakluban ng langit at lupa na nakaupo sa likurang bahagi ng mamahaling sasakyan.

Naka baseball cap ito at naka suot ng salamin, kaya hindi masyadong maaninag ang kabuuan nito.

Pero walang duda ang lakas ng tiwala kong gwapo ang lalaki.Matiim kong tinititigan ang lalaki ng bigla itong napabaling sa kinaroroonan ko!

"Shit! Nahuli pa yata akong pinagmamasdan siya" bulong ko sa sarili.

"Yohan, ano ba para kang teenager na nakasalubong ang first crush" natatawa kong sita sa sarili.

Naiinis ako sa sarili dahil sa hindi malamang dahilan ay first time kong naramdaman ang biglang pagbilis ng pintig ng aking puso.

"God! Nagising yung virgin ko pang puso!" sabay hawak sa dibdib na sobra sobra pa rin ang lakas ng pagpintig!

Maya- maya ay natatanaw ko na ang isang jeep na paparating at may karatula ng address na bababaan ko.

Mabilis akong lumapit sa gilid na bahagi ng kalsada para mas mabilis akong makasakay kapag huminto na ito.

Ngunit bago pa makarating sa aking harapan ang jeep, pasimple kong kinuha ang aking cellphone at mabilis na tumingin sa mamahaling sasakyan na nasa harapan.

Mabilis kong sinet ang camera ng cellphone at pasimpleng itinuon sa direksyon ng estrangherong lalaking biglang gimising sa natutulog kong puso.

"Vicente, Vicente!" sigaw ng driver ng jeep ang gumising sa diwa ng dalaga.

"May bakante pang lima. Usog usog lang po, magkabilaan yan.Sakay na at ng mapuno". sigaw ulit ng driver.

Dahil nagmamadali na rin ang dalaga at iniisip na baka maubusan na siya ng bakanteng upuan kapag hindi pa siya kikilos.

Pag nagkataon ilang oras na naman ang hihintayin niya bago makahanap ng panibagong jeep na may ruta ng uuwian niya.

Bumaling ulit ako sa estrangherong lalaki, at mabilis pa sa alas kwatrong pinindot ang camera ng cellphone.

Shit! Kelan pa ako naging ganito??

Buong buhay ko never pa akong nagkainteres lalo na sa lalaki!

Marahil naramdaman ng estranghero na may mga matang nakamasid sa kanya, kaya napatingin ulit ito sa direksyon ko kasabay nuon ang panibagong pagkuha ng larawan sa lalaki.

Naputol lamang ng biglang huminto ang pinarang jeep. Mabilis kong nilagay sa bag ang cellphone at mabilis na pumasok sa nakaparadang jeep.

Mabuti at umabot pa ako at may bakante pang upuan. Kaya mabilis akong umupo para ukupahin ang upuang malapit s driver.

Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Ngunit bigla kong na alala yung estrangherong lalaki.

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at mabilis na binuksan ang na captured kong litrato kanina.

Pinakatitigan kong mabuti, halos memoryahin ko ang anyo ng estranghero. Hindi man ganoon kalinaw dahil sa suot na baseball cap at shades alam niyang gwapo ito. At habang nakatunghay sa larawang iyon, naramdaman ko naman ang mabilis na pintig ng aking puso..

"Who are you"?

Bakit ganito nalang yung kalabog ng puso ko kahit sa simpleng larawan mo lang" mahina kong tanong sa sarili.

Huminga akong malalim at isinilid ulit ang cellphone sa bag ng matanaw ko na ang aking babaan..

"Manong, lugar lang po" tawag pansin ko sa driver na agad namang huminto.

"Manong, bayad po. Salamat" sabay abot ng sampong piso at mabilis na bumaba na may mga ngiti.

Bukod sa ligtas na biyahe ay natagpuan ko na rin sa wakas ang lalaking bumihag sa puso kong kinandado ko dahil mas kailangan kong pagtuunan ng pansin ang pag aaral kesa pansinin ang pagtibok nito.

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon