Nakakaramdam na ako ng hilo sa mga oras na iyon. Hindi na lamang matukoy kung dahil ba sa alak na nainom ko o dahil sa presensya ng boss kong basta basta nalang akong kinaladkad.
"Ano ba!" piksi ko ng pilit akong hinahawakan ng binata sa siko.
Ayaw kong magkadikit ang balat namin dahil nakakaramdam ako ng kakaibang emosyon sa katawan.
"Just get inside the fucking car baby, please" mababa ngunit may iritasyong saad ng binata.
"Tsk! bakit ba kasi bigla-bigla ka nalang nanghihila?" naiinis kong tanong sa binata at pumasok na sa loob ng kotse nito at ito naman ay umikot at tumungo sa driver side.
"Naiinis ka ba dahil naudlot ang pakikipaglandian mo sa unggoy na yun?" madilim ang anyong bumaling ito sa akin.
Halos higitin ko ang aking paghinga dahil sa klase ng tingin na ipinukol niya sakin. Pero teka, nakikipaglandian? Ako? Unggoy talaga ang gagong boss ko na ito!!!
"Excuse me!! Ako, nakikipaglandian?" Sabay turo sa sarili.
"Alam mo SIR, kung hindi lang kita boss, hinulog na kita sa sasakyan mo!". Tila wala sa sariling sambit ko, dala na din siguro ng tama ng alak.
"WHAAAAATTT???" Halos mapasigaw na ito sa klase ng boses.
"Are you kidding me? Baka nakakalimutan mong boss mo ang kausap at kaharap mo". Maawtoridad nitong saad.
"Wala tayo sa loob ng kompanya mo SIR, kaya tatawagin kita at kakausapin bilang normal na tao, ang yabang yabang mo kasing unggoy ka" natatawa ko pang sabi.
Agad bumaling ang binata sa akin
"Did you just called me monkey?!! ako na siguro ang pinakagwapong unggoy na nakilala mo" sabay lapit ng mukha sa akin.
Unti-unting bumaba ang mukha nito patungo sa mukha ko, halos hindi na ako makahinga dahil sa anggulo naming dalawa. Halos nalalanghap ko na ang mabangong hininga nito.
Owwweeemmmgeee!! ang bango bango niya talaga! Landing tili ko sa isipan.
"Open your eyes baby. I will not kiss you, I just put your seatbelt. Fon't forget to put it always". Halos pabulong nitong sambit sa punong tainga ko na nagdulot sa akin ng hindi mapaliwanag na kilabot.
Dahil sa pagkapahiya ay agad ko itong itinulak at umayos ng upo.
"Sana sinabi mo nalang, marunong naman akong kumabit ng seatbelt ko!" naiirita kong saad para pagtakpan ang pagkapahiya.
Bakit ba kasi may papikitpikit pa akong nalalaman kakabitan lang naman pala ng seatbelt!
Iniisip ko ba kaninang hahalikan ako ng binata? Tsk. At ipinilig ko ang aking ulo upang iwaglit ang mga nag uunahang tanong sa isipan.
Assume pa more, Yohan! Asadong-asado lang girl?
Napansin kong binuhay na ng binata ang makina ng kotse pero hindi pa din kami umaalis.
Tumingin ako sa gawi ng binata at agad namang binawi dahil matamang nakatitig lang ito sa akin habang ang mga kamay at nasa manibela.
"Baby" tawag nito.
Ngunit nagkukunwari lang akong walang narinig.
"Baby"
"Pansinin mo naman ako oh" tila batang pakiusap nito.
"Baby, look at me please" at hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko.
Syeteee ka Montenegro, baby ka ng baby. Huwag mo akong paasahin, please!
"Baby, huwag ka na ulit magsuot ng kanyang damit please. I can't control myself kanina sobrang pagpipigil ang ginawa ko huwag lang ako makasuntok ng empleyado at business partners ko".
Gulat naman ang rumihestro sa aking mukha dahil sa sinabi ng binata.
"Nagseselos ba siya? But why? Imposible!!
Pero mas nagulat pa ako ng bigla- bigla niya akong hapitin lalo at mabilis na hinalikan ang aking nakaawang na labi.
"I can't get enough of your lips baby. Adik na yata ako sayo" at muli niya akong hinalikan, mas marubdob, mas mapusok na naging dahilan para mangunyapit pa ako sa leeg ng binata at nagsisimula na ring tumugon sa matamis at eksperto nitong paghalik.
Heaven!
Ganyan ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Reeve Klinton Montenegro.
09-02-2020
11:33 am
Muscat, OmanEnjoy reading guyz.. God bless you and Keep safe 🙏🧡
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...