Mahinang katok ang gumising kay Reeve.
"Sir, pinapababa na po kayo ni ma'am. Sumabay ka na raw po sa kanilang mag agahan" dinig kong sabi ng kasambahay.
"Pakisabi kay Mommy bababa na ako.Salamat". tugon ko.
Mabilis akong bumangon sa kama at tinungo ang banyo para maghilamos at mag ayos.
Pagkatapos ay pumanaog na rin kung saan naabutan kong prenteng magkatabing nakaupo ang aking mga magulang.
"Morning mom" bati ko kay mommy sabay gawad ng halik sa pisngi nito. Niyakap ko pa at naglambing na agad naman akong pinagbigyan.
"Good morning too, baby" wika ni mommy na agad kong ikinabusangot.
"Mom! Stop! I'm not a baby anymore, okay?" namumula kong sita sa nanay kong nagsisimula na naman akong asarin.
"Morning dad" bati ko kay daddy at nakipag first bump pa. At hinila ang katabing bakanteng silya sa tabi ng ina.
"Morning too, son"
"How's your sleep? " basag ng ama sa katahimikan.
"It's fine dad, nakapagpahinga rin kahit papano" tugon ko sa ama habang nilalagyan ng pagkain ang pinggan.
"Hindi ka na umiiyak at naghahanap kay mommy kapag natutulog, hmmm" asar muli ni mommy na siya ko namang ikinapula muli!
"Mom! Hindi na ako five years old na iiyak sa kalagitnaan ng pagtulog dahil hindi kita katabi or si dad" depensa ko na ikinangisi lamang ng maganda kong ina!
Gustong-gusto talaga ako nitong asarin.
"'Okay" wika nito pero may mapang asar na mga ngiti pa rin.
Magana akong kumain kasabay ang mga magulang. Ilang taon rin akong kumakaing mag isa sa aking condo unit.
Isa ito sa mga namimiss ko lalo na noong mga panahong nasa America pa ako at mag isa. Nasanay akong sa restaurants kumakain or hindi kaya ay oorder na lamang. Hindi naman ako nagluluto, hindi dahil sa hindi ako marunong kundi dahil sa bukod wala akong sapat na oras ay wala akong ganang magluto dahil ako rin lang naman mag isa ang kakain.
" Ayaw mo ng tinatawag kitang baby?" tanong ni mom.
Medyo napaisip ako sa tanong niya, pero alam kong nang aasar lamang siya.
"Yes mom. I'm grown up man already. I'm twenty eight na tapos tatawagin mo pa akong baby, mommy naman!" nakanguso kong sagot sa kanya.
Hindi ito sumagot pero matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung ano na naman ang nasa isipan ng magaling kong ina!
Feeling ko bigla akong nauhaw sa paraan ng pagtitig nito. Wala sa loob na napainom ako para maibsan ang panunuyo ng aking lalamunan.
"You don't want me to call you baby" wika ni mom na nakatitig pa rin.
"Then, gawa ka ng baby para may baby dito sa bahay! Ang lungkot-lungkot ng mansyon, anak!" nagmamaktol na wika ng ina ko. Samantalang ako naman ay nagkandasamid- samid na dahil sa request nito!
"Mommmyyy!!!" kinikilabutan kong saway kay mom na halos humalagpak na kakatawa dahil sa naging reaksyon ko!
Haist! Kahit kailan talaga 'tong nanay ko. Bakit ba kasi hindi man lang ako nagkaroon ng kapatid. Tsk.
"By the way son, can you do me a favor?" tanong ng ama ng medyo umayos na si mommy at tumigil na kakaasar sa akin.
"Of course dad, what is it? tanong ko.
"Puwede bang ikaw nalang muna ang dumaan at tsumek sa unibersidad?"
"Ngayon lang anak magpapahinga lang muna ako ngayon at medyo masama ang aking pakiramdam" dugtong pa ng ama.
"Okay dad. Please huwag na muna kayong pumasok sa opisina hanggat masama pa ang inyong pakiramdam. Ako na muna ang bahala sa lahat, 'kay?"
So now, finish your food daddy and take some rest. I just take shower then I'll go to university". Sabi ko sa ama sabay tayo at tinungo ang hagdan at pumanhik na sa aking kwarto.
I took shower faster at lumabas ng tanging puting tuwalya lamang ang naka takip sa aking kahubdan at tinungo ang closet at nagbihis.
Nang makitang gwapo na sa
harap ng salamin ay bumaba na ako at na abutan pa ang amang nakaupo sa sala. At ng makita ako ay malawak na ngumiti."Dad, I told you, take some rest right?"
Huwag ng matigas ang ulo daddy, please?" sita ko sa ama. Kahit kailan talaga si dad.
"Hinihintay lang kita iho"
"Sus si Sebastian Montenegro ang clingy" asar ko kay dad na agad akong sinamaan ng tingin.
"Sige na at umalis ka na. Dahan dahan sa pagmamaneho, Reeve. Alalahanin mo wala pa akong apo" natatawang pagtutulak sa akin ng daddy.
"Daddy! Pati ba naman ikaw?" nakasimangot kong wika sa ama kong ang lapad ng ngisi.
"Yes dad, i will. I'll go ahead". At tinungo ko na ang garahe kung saan nakaparada ang aking first love.
Ang aking black mustang na ilang taon ko na ring hindi nagamit.
First love ko 'to. Regalo ni daddy after graduation ko ng highschool.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...