After that elevator incident ay pilit ng umiiwas ang dalaga na makasalubong man lang ang kanilang bagong CEO.
Ang aking kiss stealer! Takte naman kasing Montenegro iyon, tuwing magkikita kami, required bang tukain niya ako? Huh! Akala niya rurupok ako sa kanya, no way!
Mahigit tatlong buwan na rin ang nagdaan after nuong sagupaan namin ni boss. At malaking pasasalamat ko na ni minsan ay hindi man lang nagkrus ang aming landas, dahil baka panibagong pananakit na naman ang magagawa ko.
Ewan ko ba at inis na inis ako sa binata. Pero hindi ko naman maitatangging kinikilig rin ako sa kaisipang ilang beses ring nadampian ng labi ng isang Reeve Klinton Montenegro ang aking virgin lips!
Pero syempre, bawal marupok kasi dalagang Pilipina tayo.
"Hoy, bestie!! Ang aga aga lutang ka na naman! Ini-imagine mo naman siguro si sir Reeve noh?" Tukso ng aking bestfriend kasabay ng malakas na pagyugyug sa aking balikat.
Abat kinikilig ang gaga!
"Whoiii, ano ba bestie! Tumigil ka nga, at tsaka utang na loob naman bestie pakihinaan naman ng boses mo baka may makarinig at kung ano-ano pa ang isipin ok?" sita ko sa kaibigan. Hindi naman lingid rito na ang ultimate crush kong nakuhanan ng picture sa kalsada ay ang boss namin mismo kaya hanggat maari ay ayaw kong may maka alam na iba at baka mapagmulan pa ng issue lalo at hindi naman ordinaryong lalaki ang aking pinapantasyahan.
"Oo na bestie sorry" nakangusong sabi ni Kriza.
"Siya nga pala bestie, next week na yung company party, sino date mo?" tanong ng kaibigan.
"Sarili ko nalang idedate ko". Wala sa sariling sagot ko, kaya napahagalpak naman ang lukaret kong kaibigan.
"Bakit ba kasi ayaw mo pang magkajowa, bestie? Nasa right age ka namn ah" ani Kriza.
"Hai naku bestie, ang lovelife ko naman iniisyuhan mo, alam mo naman ang rason kung bakit hanggang ngayon ayaw ko pang pumasok sa relasyon. Gusto ko munang ifocus ang sarili ko sa pamilya ko at sa sarili ko, tsaka darating rin yang lovelife lovelife na yan sa tamang oras" mahaba kong litanya na sinagot lamang ng iling at pagkibit balikat ng kaibigan.
Mabilis lang na lumipas ang araw, at mamayang gabi nga ay gaganapin ang company party.
Magkasama kaming pumunta ng salon at spa para magparefresh at para naman maging fresh at hindi mukhang sengkwenta anyos sa dadaluhang party.
Syempre, kahit walang lablayf, kailangan pa ring blooming. Self care tawag duon.
Sa kabilang banda naman , ay nagdadalawang isip pa si Reeve kung dadalo ba siya sa idadaos na company party mamayang gabi.
"You should go and attend the party son" sabi ng ama na tila bang napansin ang aking pag aalangang dumalo.
"After all, you're the company CEO, so you're presence is a must".
"Ok dad." walang ganang sagot ko at umakyat na sa kwarto para makapg pahinga.
Saktong alas sais y media ay tapos ng ayusan ang magkaibigan.
"Bestie, ang ganda ganda mo talaga! Imposibleng wala kang mabibihag na binata ngayong gabi!" Eksaheradang papuri ng kaibigan.
"Tse! Tumigil ka nga bestie!" saway ko sa kaibigan."At puwede behave ka sa party mamaya, huh?" paalala ko dito.
"Oo naman bestie, mag eenjoy lang tayo duon mamaya." turan nito.
"At tsaka huwag na huwag mo akong ibubugaw mamaya, sasakalin kita ng wanmilyon times". Paalala ko sa kaibigan dahil alam ko na ang takbo ng utak ng bruhildang iyon.
Eksaktong alas siyete ay nakagayak man kami paalis. Alas syete Y medya ang oras na nakalagay sa invitation kaya saktong sakto lang ang dating namin.
Nagsisimula na ang party kung saan ay mga empleyado ng M Empire at may iilang mga businessmens rin, marahil ay mga kasosyo ng mga Montenegro.
Sweet music filled the room, may iilang magkaparehang sumasayaw sa dance floor, may mga nakaupo sa kani kanilang mesa at ang iba ay busy sa mga business matters.
Nasa kalagitnaan ng pag uusap ang negosyanteng kaharap ng bigla na lamang halos huminto ang lahat sa kani kanilang ginagawa, kaya nagtatakang tiningnan ko ang mga ito at nakita kong nakatutok ang halos lahat ng mata sa bukana ng function hall, kaya out of curiosity sinundan ko ang direksyon ng mga mata ng aking mga empleyado, ngunit sa pagtingin ko ay halos malaglag ang aking panga ng mapagsino ang tinitingnan ng mga ito.
Fuck!! What the hell!! nakatiimbagang at nandidilim ang paninging pinasadahan ng tingin ang babaeng biglang naging center of attraction.
Damn woman!
8-29-2020
11:35pm
Muscat,OmanThank you so much guys sa inyong matiyagang pagbabasa at mahabang pasensyang pag aantay sa bawat update..Mag ingat po tayong lahat, sampu ng ating mga kapamilya..God bless everyone...☺🙏🙏
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...