Mabilis na lumipas ang mga araw. Parang kahapon lang ang bakasyon ng semestre at sa makalawa ay simula na naman ng enrollment.
Parang ambigat sa pakiramdam na iwan pansamantala ang aking pamilya na nakasanayan ko ng makita sa araw- araw.
Unang mga taong nakakamulatan sa umaga, nakakasalo sa almusal, pananghalian at hapunan at higit sa lahat ang laging kasama sa pagtatrabaho sa gitna ng sikat ng araw.
Kasalukuyan ngang abala ako sa pagliligpit ng ilang mga pirasong damit at itinupi ko para mailagay sa bag dahil bukas na ay luluwas na ako patungong Maynila.
Malalim na napabuntung hininga ang dalaga.
Parang ayaw ko pang iwan ang aking dalawang nakakabatang kapatid at ang aking ama at ina. Sobrang mamimiss ko silang lahat!
Dahil kasabay rin ng pagluwas ko sa Maynila ay mag sisimula na rin ang eskwela ng mga kapatid ko at tanging ang ama at ina na lamang namin ang maiiwan sa bahay na siya pang dumadagdag sa aking mga alalahanin. Hindi ako mapalagay, pero wala naman akong choice!
Kailangan rin ng dalawang kapatid ko ang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral para rin makatulong sa aming mga magulang pagdating ng araw.
"Yohan,anak, mag iingat ka doon anak, huh? Tinig iyon ng aking ina na maya't maya na yata ay iisa lang ang paalala. Yun ay ang mag iingat sa aking pupuntahan.
"Opo, inay. Lagi naman po akong nag iingat kahit hindi niyo po sasabihin sa akin." Sabi ko kay inay sabay ang niyakap ko siya.
"Tsaka po inay, ilang buwan na lamang po ako sa Maynila at magtatapos na po ako! Kaya lalo pa po akong magsusumikap para mabilis po akong makahanap ng trabaho pagkatapos para na rin may pera na po akong maipapadala sa inyo at ng hindi na kayo masyadong nagpapagod magtrabaho sa bukid ng tatay".Mahaba kong litanya habang nakayakap pa rin kay inay na katabi ring nakaupo sa isang kawayang upuan na nasa sala ng bahay. Sa dulong bahagi naman ay ang kapatid kong si Annie at Shahad.
"At kayo" sabay tingin sa dalawa kong kapatid.
"Wag kayong matitigas ang ulo kina nanay, huh! Malilintikan kayo sakin kapag bibigyan niyo sila ng problema at maraming isipin!" pagbabanta ko.
"Opo, ate!" sabay nilang sagot.
"Tsaka, ate lagi naman kaming mabait kina inay at itay, ah" sabat naman ng bunso naming si Shahad. Talagang kahit kailan ang bunso naming ito ay ang hilig pa ring makatwiran!
Natatawa na lamang ako sa pagrarason ng dalawa kong kapatid. Isa ito sa napakaraming bagay na mamimiss ko sa kanila. Kaya napakabigat sa loob ang lumayo na naman.
"Basta lagi kayong mag iingat dito at huwag kayo masyadong magpapagod sa bukid Nay, Tay." sabi ko sabay tingin saming mga magulang. Bakas sa kanilang mukha ang kahirapan. Nababanaag sa kanilang mga mata ang pagnanais na makaahon sa hirap na sinusuklian naming mga anak ng ibayong pagpupursige sa pag aaral.
"Magsisikap kami para sa inyo pangako." Sagot ko at sabay ko silang niyakap at gumanti rin sila ng yakap at hinagod hagod pa ni nanay ang aking likuran at mahabang buhok.
" Salamat sa inyo mga anak, napakaswerte namin ng tatay niyo at kayo ang naging mga anak namin." Maluha luhang sambit ni Inay habang may mga namumuong mga luha sa mga mata.
"Naku! Naku! Tama na nga yan at baka bahain na tayo dito mamaya dahil lahat tayo maiiyak!." putol ko sa seryosong usapan dahil nakikita kong nangingilid na rin ang luha ng mga kapatid ko.
At ako rin ay pinipigilan kong lumandas sa aking mga pisngi ang mga namumuo kong mga luha. Mababaw lang ang luha naming lahat. Kahit sa simpleng mga usapin at hindi namin maiiwasang maging emosyonal.
Ito ang palaging nakatatak sa aking isipan para mas lalo pang magsumikap sa pag aaral.
Para sa aking pamilya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...