Umunat siya sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair, inikot ikot ang ballpen na hawak na ginamit sa pagpirma ng mga dokumentong nasa ibabaw ng kanyang lamesa at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.Mahihinang katok ang narinig niya mula sa labas ng pinto ng opisina, maya maya pa ay pumasok na ang kanyang ina habang akay ang taong naging liwanag niya sa minsang naging bangungot ng kanyang buhay.
"Good evening son, hindi ka pa ba uuwi?" bati ng ina sabay halik sa pisngi niya.
"Good evening too, mom, mamaya na ako uuwi andami ko pang asikusahin at pirmahan dito sa opisina" sagot ko.
"Daddyyyyyyyy!!!" sigaw ng batang lalaking kasama ni mommy sabay yakap sa mga tuhod ko.
Yes, hindi man natuloy ang kasal namin ni Yohan, hindi naman nito ipinagkait sa akin na makasama ang anak ko. Pero madalas si mommy at daddy ang kasama nito lalo na kung nasa trabaho ako or out of the country.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
"Hey buddy" masayang bati ko dito. Yumuko ako at inabot ko siya dahil alam kong magpapabuhat na naman ito.
"Miss po kita, daddy" malambing nitong sabi sabay pangunyapit ng kanyang mumunting mga braso sa aking leeg.
"I miss you too so much, buddy, sorry kung madalas hindi ka nasasamahan ni daddy mamasyal, don't worry kapag tapos ko na ang work ko dito magbabakasyon tayo kahit saan mo gusto, okay ba yon? Hmm" sabay kurot ko sa mabilog niyang pisngi.
"Opo daddy"!!! masaya nitong sagot.
Ngunit ilang saglit lang ay bigla itong nalungkot.
"Daddy, sana kasama rin natin si mama magbakasyon para mas masaya kasi happy family na tayo" tila matanda nitong sabi.
Biglang sumikip ang aking dibdib sa sinabi ni RK.
Kung alam mo lang anak iyon rin ang pangarap at ipinagdarasal ko sa araw araw, na magiging okay na kami ng mommy mo para one happy family na tayo.
"We will go ahead na son, mukhang inaantok na rin si RK, napagod yata sa pamamasyal" singit ng ina dahil ramdam nito ang pagiging emosyonal ng paligid.
"Okay mom" at humalik siya sa pisngi ng ina.
"Bye buddy, huwag mo masyadong pagurin si Mommyla huh? Matulog ka ng maaga" bilin niya sa anak at hinalikan ito sa noo.
"Sir, yes sir!" Sagot ni Rk at sumaludo pa ito.
Natatawang ginusot ko ang buhok ng aking anak.
"Mag iingat kayo, mom" bilin ko pa kay mommy bago sila tuluyang lumabas ng opisina.
Pagka alis ng maglola ay tumungo siya sa rooftop ng M Empire dala ang bote ng alak.
Ito na ang naging mundo ko pagkatapos akong iwan ni Yohan sa harap ng altar.
Dalawang buwan na ang nakakalipas ng mangyari ang tila bangungot sa kanya.
Naging laman ako ng lahat ng pahayagan, balita sa television maging sa radyo mapalokal man o international, si Reeve Montenegro isa sa pinakamayaman at pinaka maimpluwensyang businessman sa mundo iniwan ng mapapangasawa sa harap ng pari at buong mundong sumaksi sa pag iisang dibdib sana nila ng dalaga.
Alam niya naman na tinanggihan na siya ng dalaga ng mag propose siya pero gumawa pa din siya ng plano.
Kinutsaba ko pa ang mga magulang nito at kapatid para sana sa surprise wedding namin, pero ako ang mas na surprise sa ginawa nito.
Akala ko kasi okay na kami, akala ko kaya ko siyang pasunurin.
Lahat ng akala ko hanggang akala nalang talaga.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...