Matapos akong ihatid ni Mr Montenegro sa aking mesa ay nagpaalam sandali ito dahil may mga kakausapin pa raw itong business partners.
Grave talaga ang mga mayayaman kahit nasa party, hindi pa rin nakakaligtaan ang negosyo. No wonder bakit nabansagang world youngest billionaire. Naiiling ko na lamang na litanya.
Maya maya pa ay nakikita kong medyo marami rami na ring magkakaparehang nagsasayaw sa gitna. At isa na nga ang bestfriend kong si Kriza kasama ang boyfriend nitong si Axel. Naiinspired ako sa love story ng bestie ko, dahil sa dami ng mga pinagdaanan nila, nagkalayo man pero sa piling pa rin ng isat-isa nila natagpuan ang saya. Sana all kasi may lablayp!
Napansin kong halos may mga tama na rin ng alak ang mga co- workers kaya medyo nagiging wild na yung iba.
Inilibot ko ang paningin sa kwartong pinagdadarausan ng okasyon at maya'maya pa ay namataan ko ang herodes na prenteng nakaupo sa VIP table kasama ng mga business partners habang tila nagdidiscuss ang mga kaharap nito ay nakikita kong wala naman duon ang atensyon ng binata kundi sa mga ka opisinang babae na ngayon ay unti-unti ng nilalamon ng alak ang mga huwisyo kaya nagiging magaslaw na sa dance floor.
Manyakis talaga, kahit mga empleyado pinagnanasaan. Nabwibwiset kong saad sa sarili at palihim na inirapan ang gawi ng binata.
Inabala ko na lamang ang sarili sa panunuod ng mga nagsasayawang kasamahan ng may dumaang waiter na naglilibot para mag serve ng alak.
Buong buhay ko ay hindi ko naranasang uminom ng kahit anong uri ng alak. Hindi naman siguro masama kung susubukan, para hindi naman ako magmukhang alien sa table namin.
Kaya hindi na ako nagdalawang isip at kumuha na rin ng alak.
Mapait sa lalamunan sa unang lagok pero kalaunan ay nakapag adjust na rin ako kaya halos naging sunod sunod ang aking pagtungga.
Medyo nakaramdam na rin ako ng pagkahilo dahil na rin sa hindi ako sanay uminom kaya mabilis tinamaan. Pakiramdam ko ay ang biglang uminit ang aking katawan, ganito marahil ang epekto ng alak.
Maya-maya pa ay may naaaninag akong bulto sa harap ko.
"Care to dance with me miss?" malamyos na aya ng isang tinig.
Dahil nababagot at medyo may tama na rin, kaya ganun na lamang kabilis na sumang ayon ako.
Inalalayan niya ako at iginiya sa gitna.
"Thank you miss at pumayag kang isayaw kita, by the way, I'm Nathan." Nakangiting sabi ng estrangherong lalaki.
Hindi pa man ako nakakapag salita ay hinawakan na nito ang aking mga kamay at nilagay sa leeg nito kasabay ng pagpulupot ng matitipuno nitong braso sa aking baywang.
Nakakapanibago dahil hindi man lang ako nakaramdam ng kung ano sa pagitan namin ng lalaking kasayaw, but i feel safe sa presensya ng lalaki.
I smile to him.
"I'm Yohan".
"Nice name. No scratch it. Beautiful name that suits to the beautiful woman like you" sagot nito.
Ramdam kong namumula na ako sa mga oras na iyon. Hindi ko lang sigurado kung dulot ng alak o dulot ng papuri ng binata sa akin! Sus! Alam na ang mga ganitong galawan ng mga lalaki.
"Hmmmp!"
"Puro ka kalokohan" at mahinang hinampas ko ito sa braso na agad naman nitong tinawanan.
Patuloy lang kaming nagbibiruan habang umiindayog sa saliw ng malamyos na tugtugin.
Masayang kausap at kasama si Nathan dahil sa presensya nito halos nawala na ang pagka bagot ko. Naeenjoy ko na ang mga nangyayaring ganap sa okasyon.
Andami naming napag uusapan na nauuwi sa asaran kaya panay rin ang hampas ko sa braso ng binata na sinasagot lamang nito ng ngisi at minsan naman ay pagpisil sa tungki ng ilong ko o di kaya ay pisngi.
Medyo lumalalim na rin ang gabi ngunit anduon pa rin si Nathan sa tabi ko. In fact, ay hindi na ito umalis pagkatapos naming sumayaw.
Habang patuloy kaming nag aasaran ng binata, pakiramdam ko ay magugunaw na ako sa talim ng titig mula sa aking likuran.
Pasimple akong luminga linga, ngunit halos mapugto ang aking hininga ng makita sa likurang bahagi ko ang VIP table kung saan may isang lalaking halos nag-aapoy na ang mga mata na nakatingin sa direksyon namin ni Nathan habang nakakuyom ang mga kamao at may madilim na awra.
Napahawak akong bigla sa dibdib dahil sa kabang nararamdaman.
Bakit ganun makatitig ang herodes na yun?
Hindi pa man ako nakakarekober sa kaba ay may isang mapangahas nang humila mula sa table ko at iginiya palabas ng function room.
Halos matumba na ako dahil halos kaladkarin na ako ng kung sinong poncio pilato.
Huminto kami sa isang nakaparadang Lamborghini sa parking area malapit sa kwartong iyon.
"Teka lang!! Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko dahil ramdam ko ang hapdi sa aking pulso- pulsuhan dahil sa marahas na paghila.
"Sino ka bang gago ka huh!? Bakit bigla biglang ka nalang nanghihila?!!" sigaw ko.
"Get in! o gusto mo pang sapilitan pa kitang papasukin sa kotse ko!". Sabi ng lalaki.
Agad akong napasinghap ng makilala ang boses! Ano na namang issue ni Reeve Montenegro sa akin at halos kaladkarin na ako nito palabas ng function hall?"
Haisst!..napahawak na lamang ako sa sentido dahil sumasakit na sa kakaisip sa mga ikinikilos ng boss.
09-01-2020
1:36am
Muscat,OmanHappy first day of September mga babies!😊.Ber months is real!😁Lumalamig na ang simoy jan sa Pinas dahil Ber months na😊
Thank you so much mga babies sa walang sawang pagtitiyagang basahin ang aking obra..Always wear mask wherever you go and observe social distancing guys😊
keep safe everyone and God bless us all🙏🧡
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...