BMWTL-10

1.1K 44 2
                                    


Dahil simula na ng enrollment. Maaga kaming nagising ng aking bestie.

Syempre, excited kaming pareho.

Maaga akong naligo at naghanda ng susuotin at dumiretso na sa kusina kung nasaan ang aking kaibigan na nagsisimula ng kumakain ng almusal.

"Good morning, bestie" bati ko kay Kriza. Nauna na itong lumamon dahil alam niyang kapag sasabay siya sa akin ay palagi itong naiiwan dahil sa sobrang bagal kumain. Kaya ang nangyayari ay halos mag ala-flash ito after kumain para makasabay pa rin sa akin papasok sa school.

"Morning too, bestie" tugon naman nito na tuloy-tuloy pa rin ang pagsubo.

Hinila ko ang isang monoblock chair at naupo na sa mesang kaharap ng kaibigan at magana na akong nagsimulang mag almusal.

"Nakaka excite na bestie pumasok".

"Hmm..kaya nga bestie, sige na at kumain ka ng madami para malakas ka sa unang araw ng klase" tugon nito na humagikhik pa na halatang naeexcite pumasok na.

Ngayon kami mag eenrol at ngayon din kami mag uumpisa ng klase. Wala namang kaakibat na multa kahit medyo huli sa pagpapaenrol. Kaya nga aagahan namin para maaga kaming makapagpaenrol at makuha ang mga schedule ng aming klase.

Mabilis naman kaming natapos mag-almusal. Matapos maligpit ang mga pinagkainan at makapaglinis sa sarili ay nagtungo na kami sa kwarto at kinuha ang mga kakailanganin sa paaralan.

Lumabas na kami ng silid at pinodlock ito. Lagi namin itong nilolock, anduon kasi ang mga importanteng gamit namin ng kaibigan at minsan kasi ay wala ang aming landlady. Kaya mas maigi ng nag iingat. Mahirap na rin naman kasi magtiwala sa panahon ngayon.

Naglakad na kami palabas ng makasalubong namin si Manang Fe, ang dorm landlady.

"Good morning po, manang" sabay naming bati.

"Aba! Magandang umaga din sa mga magaganda kong boarders". masayang tugon ng ginang.

"Naku, ang aga aga namang mambola ni Manang Fe" natatawa naming komento ni Kriza.

Araw- araw ay hindi namin nakakaligtaang batiin ito. Sobrang bait at parang anak na ang turing niya sa kanyang mga boarders lalo na at karamihan sa umuupa ay mga estudyanteng taga probinsya na walang mga kamag anak dito sa Maynila.

"Papasok na po kami sa eskwela Manang" paalam ko.

"Oh siya, umalis na kayo at nang hindi kayo abutan ng traffic at mag iingat kayo palagi. Huwag tatanga-tanga sa daan" pagtataboy nito sa amin.

Opo lamang ang tanging sagot namin ng kaibigan. Sa bawat araw na papasok kami sa eskwela ay hindi nakakaligtaang ulit-ulitin ni manang ang kanyang mga paalala. Kaya kahit malayo ako sa pamilya ko hindi ako masyadong nalulungkot dahil sa mabuting pagtatrato sa akin dito.

Ilang sandali pa ay nakita na namin ang jeep na may ruta papuntang eskwela kaya pumara na kami at hinintuan naman. Nakita naming marami pa itong bakante kaya mabilis na kaming sumampa ng aking kaibigan. Tabi pa kaming umupo. Natatawa na lamang ako, dahil para kaming tuko sa isat-isa na kung saan ang isa ay dapat naroon rin ang isa. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay kapag nandito ako sa Maynila.

Nakahinga ako ng maluwang dahil tuloy-tuloy ang aming biyahe dahil walang traffic. Ito ang isa sa mga advantage kapag maaga ka, hindi ka aabutan ng traffic. Wala na yatang panahon na magiging maayos pa ang byahe sa Maynila.

Haist. Buti pa ang traffic, may forever.

Naks! Napailing na lamang ako dahil sa biglaang napa hugot.

Ilang sandali pa ay tanaw na namin ang isang gusali.

Montenegro Academy.

Ang yaman-yaman talaga ng mga Montenegro. Ilang malalaking kumpanya sa bansa ang pagmamay ari ng pamilya nila. Pero sa kabila ng yaman nila ay nananatili pa rin silang humble at tumutulong sa mga kapuspalad.

At isa na nga ang Montenegro Academy sa mga pagmamay ari ng mga ito na tumutulong sa mga estudyanteng gustong mag aral pero walang kakayahang pinansyal.

Marami rin akong naririnig na sobrang gwapo raw ng nag iisang anak ng mga Montenegro. Wala akong ideya sa kung ano ang mukha nito at hindi naman ako interesado.

Focus muna sa pag aaral, self.

Iyan ang lagi kong sinasabi sa sarili ko. Ayaw ko munang mag intertain ng kung ano-ano. Distraction lamang iyan. At ayaw kong magmadali.

"Manong, sa Montenegro Academy lang po, dalawa" sabay abot ko ng bayad.

Mabilis naman kaming bumaba ng aking bestie/ classmate/ roommate na si Kriza.

Kaibigan ko na ito first day palang ng klase simula nuong first year college pa lamang kami. Lagi kaming magkaklase sa lahat ng mga subjects namin. Siya rin ang kasama sa paggawa ng mga projects at kung ano-ano pang may kinalaman sa pag aaral.

Itinuturing ko na itong kapatid. Alam na nito ang halos bawat pahina ng buhay ko. At ganuon rin ako sa kanya.

Ang swerte ko sa kaibigan kong ito. Bihira na lang ang mga totoong tao sa ngayon. Karamihan kasi, nakikipagkaibigan dahil may mga hidden agenda. Kunwari kakaibiganin ka kasi may kailangan sa iyo at kapag nakuha na nila ang pakay nila ay iiwan ka na.

Tsk. Uso talaga kahit saan ang mangga. Manggagamit.

Hawak kamay kaming pumasok sa malaking gate ng gusali. Binati kami ng security guard at sinagot naman namin ng may paggalang at respeto at may malawak na ngiti.

Hindi ko napigilang mapabuntong hininga habang nakatingin sa gusaling may 10 palapag.

Ito na. Ito na ang huling taon ko sa eskwela kaya mas lalong pagsusumikapan ko pang lalo.

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon