BMWTL-31

1K 39 4
                                    


Halos hindi pa ako nakakahuma sa pagkagulat ng makita ko ang mga empleyadong nagpapanic dahil biglang nawalan ng malay ang bestfriend ni Yohan.

"Call an ambulance now!!" sigaw ko sa mga ito.

Mabilis namang nagsikilos ang mga ito. Ang iba ay pinapaypayan ang dalaga.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang ambulansya.

Mabilis na isinugod ang dalaga na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring malay.

Tunog ng aking cellphone ang umagaw sa aking atensyon.

Tumatawag ang si mommy.

Bumalik ako sa aking opisina at sinagot ang tawag ng ina.

"Yes mom"

"Reeve iho, napanuod mo ba iyong balita?" tanong ng ina.

"Yes mom, kakapanuod ko lang" malungkot kong sagot sabay ng pagbuntong hininga.

"Okay. Iho, may mga tinawagan na ang daddy mo para mag imbestiga sa nangyari lalo na at may dati tayong estudyanteng nainvolve sa pagsabog".

"Mom, can you please tell dad na I want a result of investigation asap?

"Why, son"?

"My woman, isa siya sa mga biktima mg pagsabog" halos paanas kong bigkas sa mga huling salita.

Halos hindi kayang tanggapin ng sistema ko na kabilang nga ang dalaga sa insidente.

"Son, are you still there?" boses ng ina sa kabilang linya.

"Yeah mom. Sige na mom, balitaan niyo nalang ako kaagad kapag may development na sa imbistigasyon".

At natapos na nga ang pag uusap nila ng ina.

Tila wala ako sa sariling napaupo sa sofa sa aking opisina.

"Baby" mahina kong sambit kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

Kumuha ako ng alak at nagsalin.

Kailangan kong pansamantalang takasan ang sitwasyon. Kahit ilang oras lang.Gusto niyang makalimot.

Gusto kong makalimot saglit at sandaling huwag sisihin ang sarili sa nangyari sa dalaga.

Kung hindi ko kasi ginawa yun, hindi sana umalis ang dalaga st hindi nangyari yung pagka involve niya sa pagsabog.

Kung hindi ko ito ininsulto at pinagsalitaan ng masakit hindi sana ito umalis.

Sana nakontrol ko ang aking emosyon.

Sana hindi ako nagpadala sa pagdududa.

Sana sa mga oras na ito ay nasa loob ng aking kompanya ang dalaga.

Mabilis na inisang lagok ko ang kopita.

"Damn baby. I'm so sorry ang gago ko kasi!" tumutulo ang mga luhang saad ko.

Malakas na ang tama sa kanya ng alak.

Alas diyes pa lang ng umaga pero heto ako sa loob ng opisina at pilit nilulunod ang sarili sa alak.

Hindi ko mapapatawad ang aking sarili oras na totoo ngang kasama ang dalaga.

Kapag namatay ang dalaga. Parang kasama na rin siya.

Sobrang mahal ko ito.

Pinanghinaan lang siya ng loob.

Hindi ko kayang ma reject.

Hindi ko kayang marinig na aayawan ako ng dalaga kapag sinabi ko ang nararamdaman ko.

Lalo na at 3 taon na akong engaged.

Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Nanlalabo man ang mga paningin, nagawa ko pa ding buksan ito kung saan ang mismong wallpaper ay ang picture ng aking pinakamamahal.

Ang picture ni Yohan, kuha two years ago sa jeep station.

Ang unang araw na nasilayan ko ito. At ang mismong araw na binihag ang pihikan kong puso.

Muli na namang naglandas ang aking mga luha. Wala akong pakialam magmukha man akong bakla o mahina.

"Baby, I'm sorry sana prank lang yun o hindi kaya naiwan o nahulog mo yung I'd mo duon". pangungumbinsi ko sa sarili.

Walang kakurap kurap na nakatitig pa din ako sa cellphone.

Ilang minuto lang ay naka recieve ako ng tawag mula sa head invigation team ng ama..

"Yes? Ano ng resulta ng imbestigasyon?"agad kong tanong.

"Mr Montenegro, ginawa po namin lahat ng aming makakaya sa paghanap ng mga impormasyon at pag iimbestiga.. we're really sorry to tell you sir but..."

Hindi ko na narinig ang sinabi ng kausap dahil biglang nawala ito sa linya.

"Fuck!!!!" nmgalit na galit kong sabi sabay bato ng lowbat kong cellphone.

09-12-2020
05:47pm
Muscat,Oman

Kamusta po.. Sorry at medyo late update na naman ako.Masyado lang pong busy. Hope maintindihan niyo po. Thank you sa walang sawang pag aantay ng update.Sana patuloy niyo akong samahan hanggang dulo ng kwento.

God bless and stay safe everyone !🙏🧡

-Ehnna-🧡🙏

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon