"RK" mahina kong sambit kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.Limang taon na ang nakakaraan pero bakit ramdam ko pa rin ang sakit? Isinumpa ko noong kakalimutan ko na ito, pero putchang puso naman to ayaw makisama!
Mabilis kong pinahid ang mga naglandas na mga luha.
Hindi ako dapat magmukhang mahina at apektado sa presensya ng gagong ito.
Palihim akong humingang malalim at inayos ang sarili.
"Good morning Mr. Montenegro. Pumasok na ako dahil kanina pa ako kumatok pero walang sumasagot" panimula ko.
Laking pasalamat ko at hindi nagkanda buhol buhol ang aking dila at nakapag salita ako ng diretso.
"Good morning too, baby. It's been five years, don't you miss me too, baby"? sagot nito sa akin.
Napaawang ang aking mga labi dahil sa sinabi nito.
Ang kapal talaga ng unggoy na ito! May pa dont you miss me too pa ang tangna! Anong mamimiss ko, yung pang iinsulto niya sa akin noon? No way! Miss me too my ass! Piping mura ko sa binata sa aking utak.
"Nandito po ako sa loob ng opisina niyo bilang empleyado at sana maging propesyonal rin kayong makipag usap bilang Boss" pigil ang inis kong sagot.
"Kahit magsalita pa ako ng kung anong klaseng pormal na wika sa tingin mo magiging propesyonal pa din ako kung ganito ang ayos ko?" turo nito sa sarili.
Pigil na pigil ko ang sariling huwag tingnan ang kabuuan ng binata.
Baka lalo lang akong mapahamak. Aminado naman kasi akong marupok talaga ako lalo na pagdating sa binata. Maraming taon man ang lumipas nanduon pa rin ang tila magnet sa pagitan namin na humihila para lagi akong magpatianod sa gusto ng lalaki.
Syeteng malupit ! Sino ba namang hindi rurupok kung yung makikita mong nakatapis sa harap mo ay tila napakaperpektong nilalang!
Tila nung nagpasabog ng mga magagandang katangian ang langit, drum ang ginamit nitong pangsalo! Jusko! Idagdag mo pa yung tila high tide niyang mga masels sa braso! Mas higit ang tila nakakadeliryong mala hagdan hagdang palayan nitong abs! Pababa sa malalim nitong V-line na may nakaumbok na bola ni Madam Auring!Kinagat ko ang ibabang bahagi ng mga labi para magising sa mala demonyo kong pagpapantasya.
Ngunit mas lalong naghurumentado ang aking puso ng mas lalong lumapit pa at dumikit sa akin si Reeve.
"I'm so sorry baby, forgive me and please give me another chance please" pakiusap nito.
Huh!
"Sana ginawa mo yan sakin five years ago hindi sana wala tayo sa ganitong sitwasyon! Bakit magagamot ba ng sorry mo ang sakit at traumang binigay mo sa akin? Maaalis ba ng salitang patawad ang mga pang iinsulto mo sa akin? Sige nga sabihin mo"!! nag uumpisa na akong mag taas ng boses.
"Nilamon lang ako ng pagdududa ng mga panahong iyon, please forgive me. I'm really really sorry" mababa ang boses na sagot nito.
"Bakit kung kailan okay na ako at nakalimutan na kita saka mo pa uungkatin ang punyetang nakaraang yan!! Bakit narealize mo na ba kung gaano kahalaga ang presensya ko at kung gaano ka ka apektado nung nawala ako? Huwag kang magkakamaling magbiro, baka makalimutan kong CEO ka!" galit kong banta nanggagalaiti na ako.
"I'm sorry baby, kung huli ko na narealize kung gaano ka kaimportante sa akin".
"Ganyan naman kasi kayong mga lalaki! Ang galing niyong magpakilig tapos magpaasa at kapag hulog na hulog na kaming mga babae saka niyo kami bibitawan at iiwan sa ere!" sikmat ko dito.
"Ngayon, sigurado na ako, mahal kita baby!". Walang kagatol gatol nitong deklara.
"Mahal? Huwag na huwag mo kong sasabihang mahal kita kung hindi mo kayang pangatawanan. Mahalin mo ako hanggat ika'y humihinga, hindi yung mahal mo lang ako sa umpisa at kapag magsawa ka na ay iiwang mo akong parang tanga"!! bwiset kong sagot.
"Why? My Ilove you' s are not enough for you baby?"
" Huwag kang mag I love you sakin kung hindi mo ako kayang samahan hanggang dulo, Montenegro" iretableng ko ng sagot.
"Then, what do you want me to say then? Papakasal tayo?"
"Tang'na Reeve huwag mong mababangit ang sagradong kasal dahil hindi ako naniniwala sa sinabi mong kasal hanggang hindi ko nakikita ang sarili ko sa harap ng altar!" pikon kong sagot.
Umiwas ako sa binata dahil baka tuluyan na akong bumigay. Nakakarupok ang presensya nito. Kanina ko pa ito gustong dambahin ng yakap at pugpugin ng mga halik at magsumiksik sa malapad at matigas nitong dibdib.
Tsss...ganito ba talaga pakiramdam ng halos kalahating dekadang tigang at walang kadilig dilig?
Tsss..
Humakbang ako palapit sa pinto ng opisina nito. Wala rin naman itong kwentang kausap. Mas maigi nang umalis siya. Bahala na si batman kung sisantehin ako ng gwapong unggoy na ito.
Akmang hahawakan ko ang ang seradura ng pinto ng mag salita ang binata.
"Isang pihit at hakbang mo pa palabas bubuntisin na kita. Subukan mong tumakbo, lumayo at magtago, hahanapin kita kahit sa kasulok sulukan ka pa ng mapa magtago. At kapag mahanap kita paparusahan kita at ikukulong sa apelido ko" mariing wika ni Reeve kay Yohan.
09-15-2020
05:26pm
Muscat,OmanThank you so much!
Kapit pa guys..!🙃 Sana hindi kayo magsawang mag antay ng aking update at naway samahan niyo pa ako hanggang dulo ng kwento.God bless and stay safe everyone!!🧡🙏
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...