Mabilis akong lumabas sa aking sasakyan ng tumapat ito sa gusali.Agad akong binati ng aming guwardiya na tinanguan ko lamang.
Mabilis na humakbang ang binata at agad na tinungo ang private elevator. Pinindot ang floor ng opisina.
Minute later he enter his floor.
"Good morning sir " bati ng sekretarya ko.
Tango lamang ang sagot ko.
Sanay na ang kaniyang mga empleyado sa ugaling meron siya. He changed and become cold since that day.
Isang buntung hininga ang pinakawalan ko at pilit winawaglit sa isipan ang imaheng biglang lumitaw sa aking balintataw.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa opisina. Habang nakasunod naman ang sekretarya.
"Sir, may meeting po kayo ng 11 am with Mr Saavedra, 1 PM with Mr Reyes and 3 pm with your cousin, Mr. Franc Montenegro; yan po ang schedule niyo for today" pag papaalala ng sekretarya.
"Okay, maraming salamat" sagot ko habang nakatingin sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa.
Alas sais na ng gabi ng magpasya akong umuwi. Tapos naman na rin ang aking mga appointment sa araw na iyon.
After all, ako naman ang may ari ng kumpanya.
Ipinasa na ng ama ang pamamahala sa kanya four years ago. Maging ang manang matatanggap niya ay lahat na naipangalan sa kanya.
Kung noon worlds youngest billionaire na ako, ngayon ay tenfold na ang yaman ko.
He is freaking ultra rich! He can have everything in just a snap of his fingers. But not totally everything, he's heart is broken and empty and even the most skilled doctors in the world can't fixed and cure it.
On the way na ako pauwe ng tumunog ang aking cellphone.
Si Francis. Ang pinsan ko sa probinsya.
Sinagot ko ang tawag at i-ni loud speaker.
"Yes, bud?" tanong ko sa pinsan.
"What's up cazin" sagot sa kabilang linya.
"Nagmamaneho ako, just tell the fuck you want to tell now!" kunyaring singhal ko dito. Alam ng lahat ng mga taong nasa paligid ko ang ugali ko kaya walang pumapatol.
"Iimbitahan sana kita bukas, birthday party ng pamangkin mo, give yourself a break cazin magpahinga ka muna dito sa amin kahit ilang araw lang" Anyaya nito sa kanya.
Kailangan ko rin magrelaks. I become more workaholic since that day. Halos sa trabaho at negosyo na lamang umiikot ang mundo ko sa loob ng limang taon. Timing magandang offer ng pinsan. Matagal tagal na panahon rin akong hindi nakakadalaw sa probinsya.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita.
"Okay caz, expect me tomorrow. Wag mo munang ipagsabi gusto kong payapa akong makakarating diyan" pakiusap ko sa pinsan.
"Copy that cazin, mabuti at naisipan mo ring bigyan ng time ang sarili mo. Masyado mong binuburo sa trabaho, hindi ka naman maghihirap kahit hindi ka magtrabaho ng sampung taon. Oh siya, siya. I'll hang up now cazin, stay safe at pakikamusta kina tita at Tito" at ibinaba na nito ang tawag kahit hindi pa ako nakakasagot.
Ang bastos talaga ng damuhong iyon!
Kinabukasan ay mabilis kong inasikaso at tinapos ang mga mahahalagang bagay sa opisina. Ayaw kong tambak ang dadatnan kong trabaho pagbalik.
Nag bilin na rin ako sa sekretarya ng mga mahahalagang bagay.
Alas singko y medyo ng hapon ng tumungo ako sa rooftop ng M Empire kung saan naghihintay ang aking private helicopter na siyang sasakyan ko papuntang probinsya.
Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating na nga ako sa Maguindanao. Ang bayan kung saan nakatira ang mga pinsan sa ama na sina Francis Montenegro.
Kalat na ang dilim sa paligid ng lumapag ang aking sinasakyan sa malawak na espasyo ng hacienda.
Bumaba ako at binilinan na lamang ang piloto na tatawagan ko nalang ito kapag magpapasundo na ako.
Lumakad na ako patungo sa gawi ng mansyon. Mas lalong gumanda at umaliwalas ang paligid. Masarap at presko ang samyo ng hangin hindi tulad sa Maynila na puro polusyon.
Nasa bakuran na ako ng mga ito at natatanaw ko na ang aking mga pinsan.
Hindi ganoon kadami ang mga bisitang naroroon, marahil ay mga piling tao lamang ang imbitado.
Sa pagpasok ko ay agad akong nakakuha ng atensyon mula sa mga taong naroroon. Taas noo akong naglakad patungo sa direksyon ng mga pinsan na ngayon ay puro nakangiting sumalubong sa akin.
Lumapit agad sa akin si Francis.
"Mabuti at nakarating ka cazin! Please enjoy the night bud, madaming chika babes ngayon" at kinindatan ako.
" Gago"! ungos ko at napuno ng tawanan ang aming puwesto.
Ilang sandali pa ay nagpaalam akong tutungo sasaglit sa garden.
Nakita kong naglalaro doon ang pamangking birthday celebrant kasama ng isang batang lalaki na halos kasing edad rin nito. Pero mas hamak na malaki ang batang kasama nito.
"Hey kiddo" bati ko sa pamangkin.
Agad naman itong lumapit sa akin at nagmano.
"Hello po Tito Reeve, thank you po at dumalo kayo sa birthday ko" masayang sabi ng limang taong gulang na si Francois.
"Hey buddy" tawag pansin ko naman sa kalaro ng pamangkin.
Naagaw ko ang atensyon nito kaya tumingin ito sa direksyon niya. Agad nagtama ang aming mata kasabay ng aking pagkagulat.
Ipinilig ko pa ang ulo at ilang beses nagpakurap kurap dahil baka dinadaya lang ako ng paningin.
"Hello po" nakangiting bati nito sa akin.
"Bestfriend ko po siya Tito and classmate ko rin po". Pagpapakilala ng pamangkin sa batang kasama nito.
"What's your name bud?" usisa ko sa bata.
"RK po ang tawag sa akin nila mama, but my name is Reeze Klinton Ibarra, four years old and three months po" bibong pagpapakilala nito.
Lalong nadagdagan ang pagkalito at gulat ng binata dahil sa pangalan ng batang kaharap.
RK iisang babae lang ang tumatawag sa kanya ng ganuon. Coincidence lang ba na magkatunog ang pangalan nila.? Ang apelidong Ibarra? Baka nagkataon lang. Pero bakit may nararamdaman siyang kakaiba sa presensya ng bata?Pumunta sa maliwanag na bahagi ng hardin ang dalawang bata.
Shock was all over my face ng tuluyang matamaan ng liwanag ang buong anyo ng batang kalaro ng pamangkin.
09-14-2020
08:41am
Muscat ,OmanThank you so much and stay safe everyone!!🧡🙏
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomansReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...