BMWTL-16

1.1K 47 7
                                    


Seriously??!!

Halos hindi maipinta ang mukha ni Reeve dahil sa nangyari. Maging sa mga oras na iyon ay hindi pa rin ma digest ng utak niya kung ano nga ba ang nangyari.

Can someone tell me it is real?

Someone really slapped me two times sa harap ng maraming estudyante at empleyado ng aming unibersidad??!!

I am Montenegro!!

Damn that woman!!

Nagngingitngit at nagtatagis ang bagang na tumingin ako sa dalaga. How dare her to do such!

I am ready to throw harsh words sa babaeng malakas ang loob na nanampal sa akin when...

"Mr. Montenegro" isang boses ang umagaw sa aking atensyon kaya hinanap ko ng tingin ang pinanggagalingan ng boses and I saw the school president na papunta sa akin.

"Mr Gonzales. Good morning" bati ko dito at tinanggap ang nakaumang kamay para i shake hands.

"This way, Mr Montenegro" turo ng lalaki sa daan na papunta sa opisina ng ama.

"Okey"

At humakbang na ako para sumunod pero na alala ko ulit ang babae kaya sumulyap ako sa direksyon nito ngunit nakakadismaya at wala na ito sa kinatatayuan niya kanina.

Kaya sumunod na lamang ako kay Mr. Gonzales para mapag usapan ang mga nangyayari at mga proyektong nakahanda para sa unibersidad.

Nakarating na kami sa opisina ng ama pero patuloy pa ding naglulumikot ang aking mga mata, nagbabakasaling mahagilap o masulyapan muli ang babae.

Bago sa akin ang damdaming ito. Sa unang pagkakataon ay iisang babae lang ang biglang gumulo sa isipan ko. Magmula ng panakaw ko itong kuhanan ng larawan habang nagsisiksikan sa pag aabang ng dyip ay halos hindi na nito nilubayan ang aking isipan.

Tsk.tsk..damn that woman!

"So, Mr.Montenegro. Okay lang bang mag to-tour ka rito sa university lalo at ito ang unang beses na napadalaw ka dito, atleast alam mo at ma-familiarise ka sa mga nangyayari sa loob ng university". Mahabang litanya ni Mr. Gonzales na nagpabalik sa aking ulirat..

"A- ahmm... Y- yeah. yeah! Sure..." nauutal kong sagot. Dahil halos patapos na magsasalita ang kausap pero umaabot na ata sa labas ng mundo ang paglalakbay ng aking diwa.

Nakita kong tumayo na ang lalaki kaya tumayo na rin ako at inayos ang suot at sumunod nang naglakad sa lalaki papuntang pasilyo.

Bawat departamento ay isa isa naming binisita ni Mr Gonzales, ngunit hindi sa kung anong meron sa eskwelahan nakapokus ang aking isipan, dahil sa bawat department building na aming dinadaanan ay umaasam akong makita ko muli kahit ang likod lang ng dalaga, ngunit bigo ako.

Patuloy lang akong sumusunod kay Mr Gonzales, tanging oo, okey o kaya ay tango ang tangi kong tugon habang nagpapaliwanag ng kung ano ano tungkol sa unibersidad ang kasama.

Dahil ang totoo, nawalan na ako ng ganang mag-ikot para I-check ang mga facilities, mas gustuhin ko na lang isa-isahin ang mga buildings para Hanapin ang dalaga.

Habang si Yohan at Kriza naman ay naisipang magmeryenda muna sa canteen ng university dahil tila nagutom at nauhaw ang dalaga after ng encounter nila ng binatang Montenegro.

Sino ba namang matino ang isipang sampalin ang may-ari ng eskwelahan?

Yohan Ibbara lang sakalam!

Halos hindi ako mapalagay sa kaalamang ang lalaking pinagmumura at sinampal ko
ng dalawang beses ay ang mismong anak ng may ari ng eskwelahan namin! Iniisip kong dahil sa nangyari ay baka mawala sa akin ang aking scholarship, lalo na at huling taon ko na sa kolehiyo.

Iniisip ko pa lamang ang posibilidad na mawala ang scholarship ay hindi ko na kinakaya.

"Nakakabwiset naman kasi eih! Kung hindi ba naman bastos at bigla-biglang nanghahalik, hindi sana siya makakatikim ng mag asawang sampal". Naiinis na rason ng isipan.

Natapos na ngang malibot nina Reeve at Mr Gonzales ang bawat departamento.

Kaya nagpasya na akong mag paalam dahil ilang oras na din kaming paikot-ikot ngunit hindi ko man lang nakita muli ang dalaga kaya nawalan na din ako ng ganang mag stay pa sa eskwelahan.

Pasakay na ako sa nakaparada kong lamborghini, ngunit lumingon pa akong muli sa building ...

"Till we meet again, my jeep station girl...

And I will make you mine".

9-23-2020
7:44pm
Muscat, Oman

Maraming maraming thank you po sa inyong pagtitiyaga sa aking obra..😊☺️God bless everyone!! And keep safe!🙏🏻😇

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon