Kahit masakit ang buong katawan ay pinilit ng dalagang bumangon.Dahan dahan akong kumilos, ngunit nahihirapan akong gumalaw dahil sa mga brasong nakapulupot sa aking baywang.
Tumagilid ako at tumingin sa gawi ng lalaking katabi.
Pigil na pigil ko ang sariling huwag haplusin ang napakakinis nitong pisngi, napansin ko rin ang napakahaba nitong pilikmata. Ang gwapo niya talaga. Lalo pang dumagdag ang perpektong hugis ng ilong nito. Napadako ang aking tingin sa mapulang labi nito.
Agad ko ding pinutol ang pagpapantasya sa katabi. Shemay ka, Yohan! Halos lumpuhin ka na nga buong araw, parang hindi ka pa nakuntento.
Inayos ko ang aking sarili at gamit, kailangan kong makaalis at papasok pa ako sa opisina.
Tiningnan ko ang aking cellphone. Its 5:10 in the morning.
Ini-scroll ko ang aking phone. Andaming missed calls and messages from bestie, Kriza.
Dahan dahan kong tinanggal ang nakapulupot na mga braso ng binata. Ingat na ingat na huwag magising ito. Halos pagpawisan ako ng matagumpay akong naka alis sa kama.
Kahit masakit ang katawan ay pinilit kong maglakad papuntang banyo at maglinis ng sarili. Mabilis ang aking kilos, nahihiya na akong makamulatan ng amo.
Nahihiya rin siya para sa sarili dahil baka maging marupok na naman siya!
Hindi ko nga mawari kung bakit ganuon na lamang ang pagtugon ng aking ng katawan sa presensya ng binata. Ngayon lang may lalaking naging malapit sa kanya bukod sa kanyang itay at kapatid na lalaki.
Dahil NBSB ako at hanggang makapagtapos ay naka focus lang sa sarili, pag aaral at pamilya.
Pero simula nung nakilala ko ang lalaking sinukuan ko ng bataan, bigla na lamang nito ginulo ang naka "focus to the goals" kong prinsipyo.
Ipinilig ko ang aking ulo at kumuha ng extrang damit mula sa cabinet ng binata. Alangan namang mag gown ako pauwi!
Matagumpay akong nakalabas ng kwarto at dali daling bumaba at lumabas sa kabahayan.
"Uuwi na po ba kayo ma'am" tanong ng security guard nito.
"O-opo k-kuya". Nauutal ko pang sambit.
Nahihiya ako dahil alam kong iisipin nitong babae ako ng boss nito.
"Ipapahatid ko na po kayo sa driver ni sir, maam".
"H-huwag na po kuya, aabang nalang ako ng taxi sa labasan". Sagot ko at mabilis na lumabas ng gate.
Naghihintay ako ng masasakyan ng tumunog ang akingcellphone.
Tiningnan ko ito at ng makitang ang bestie ko ay agad kong sinagot.
"Hello bestie? Saan ka pumunta nuong isang gabi, bakit bigla kang nawala sa party at kahapon hindi ka pumasok ng opisina?" sunod sunod na tanong agad ng kaibigan ang bumungad sa akin.
"Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi ako. Sorry na bestie kung hindi ako nakapag paalam sayo" pagsisinungaling kong tugon.
"Hmmm...so, kamusta na pakiramdam mo ngayon bestie? Kung hindi mo pa kaya wag mo na munang piliting pumasok, ako na bahalang magsabi sa boss".
Hindi pa ako nakakasagot sa kaibigan ay may huminto ng taksi sa harap.
Tiningnan ko sa loob at nakita namang walang pasahero at mukhang mapagkatiwalaan naman ang driver nito kaya napag desisyunan ko ng sumakay.
"I'll hang up bestie. I'll just call you later, okay?" and I ended the call.
Pumasok na ang dalaga sa taksi at sinabi ang address ng kanyang apartment.
Dinayal ni Reeve ang numero ng kanyang kaibigan. Habang hinihintay ang pagsagot ng kaibigan ay muli siyang sumilip sa harap ng gate at nakita niya ngang sumakay na sa taksi ang dalaga.
Kanina pa ako gising bago pa man nagising ang dalaga. Nagkukunwari lamang akong tulog dahil baka ma extend pa ang pag stay namin sa bahay kapag masilayan ko na naman ang maamo at perpekto nitong katawan.
"Hello fucker" bungad ng kaibigan ng sagutin nito ang tawag.
"Transfer your fucking 20 million on my account now! I won the bet".
"Shit!" he heard his friend cursed.
09-07-2020
02:11 PM
Muscat,OmanOpen for constructive criticism guys.. just leave your comment below..👇👇
Or kung hindi naman kalabisan ay paki press na din ung star to vote👇👇.Thank you sa walang sawang pagsuporta, through reading this story..
God bless and keep safe everyone!!🧡🙏-Ehnna-🧡
![](https://img.wattpad.com/cover/227062204-288-k778665.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomanceReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...