BMWTL-45

1.2K 47 10
                                    

Nandito ako ngayon sa lobby area ng Awang Airport, may flight  patungong Maynila para dumalo sa importanteng meeting bilang representative ng Monte Bank - Maguindanao.

Kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring magising ng maaga para maaga akong makapag check at hindi mapag iwanan ng flight.

Tamang pagkakataon rin para magkita kami ng anak na kasalukuyang nagbabakasyon sa pamilya ng ama.

Hindi ko maiwasang huwag isipin si Reeve, it's been four months mula ng mangyari ang mala teleserye kong pag alis sa kasal namin at iyon rin ang huling araw na nakita ko siya.

Kumusta na kaya siya?, hindi ko maiwasang  ng maitanong.

Tanging si RK at yaya nito lamang ang nakakausap ko kapag tumatawag ako sa mga Montenegro.

Ano pa nga ba ang ineexpect ko?

Ako yung umalis diba? suway niya sa sarili.

Narinig ko ang pagtawag ng numero ng aking flight.

Inayos ko ang mga gamit at tumayo na para pumila for check in.

Bahagya pa aklng nakaramdam ng pagkahilo. Ilang araw na rin ang nararamdaman kong pagsusuka.

Napahawak ako sa medyo umuumbok kong tiyan, maliit ito kung titingnan para sa apat na buwan kaya halos wala pang nakaka alam na buntis ako, maging ang aking mga magulang.

Madalas nga lang napapansin na tumaba siya kaya iniisip rin nila marahil na dahil na rin sa pagtaba kaya mejo lumaki ang aking tiyan.

Baby, makisama ka muna kay mama huh? Behave lang muna okay? Huwag mo muna papahirapan si mama kasi ba-byahe pa tayo, magkikita tayo ng kuya RK mo, excited ka na ba?  mahinang kausap ko sa inosenteng buhay sa sinapupunan. Bahagya pa itong sumipa na tila nauunawaan ang aking sinasabi. Matamis akong ngumiti.

Ilang sandali pa ay tapos na akong makapag check in kaya naghihintay nalang ako sa departure area ng oras ng aming alis.

Kulang kulang sampung minuto ay nasa loob na ako ng eroplano.

Pinili ko na lamang matulog habang nasa himpapawid.

Naalipungatan lamang ako ng maramdaman kong sumasadsad na ang eroplanong sinasakyan hudyat na lumalapag na kami sa NAIA.

Matapos makuha ang aking mga bagahe, tulak tulak ang cart na kinalalagyan ng aking gamit ay lumabas na ako ng airport para kumuha ng taking taksing sasakyan patungo sa suit na tutuluyan ko.

Tiningnan ko ang aking relong pambisig.

It's 6 o'clock in the morning, may 4 na oras pa bago magsisimula ang meeting.

Makakapag pahinga ako, ani ko sa sarili.

Patungo na ako sa pila ng mga taksi ng may humintong isang magarang sasakyan sa aking tabi, hindi ko pinansin dahil hindi ko kilala.

Maya maya pa ay bumaba ang isang naka unipormeng lalaki at naglakad patungo sa akin.

Medyo nakaramdam ako ng takot, lalo na at mag isa lang ako sa bahaging iyon at buntis pa. Luminga linga pa ako sa paligid pero halos lahat ay pare parehong mga nagmamadali.

Hindi naman siguro ito masamang tao, pagpapanatag ko sa sarili.

"Good morning ma'am, kayo po ba si Ma'am Yohan Ibarra?" tanong ng lalaking papalapit sa kanya.

Bakit ako kilala ng taong ito? Wala akong inaasahang susundo o kakatagpuin dito sa airport.

Kahit kinakabahan at sumagot siya.

" lG- good morning rin po. Opo ako nga po" medyo nauutal ko pang sagot.

"Pinapasundo po kasi kayo ni Sir, halika na po sa sasakyan at ng makapag pahinga na po kayo ma'am" tugon nito at inabot ang maletang dala ko.

Naguguluhan pa rin ako. Sinong Sir naman magpapasundo sa akin? Eala naman akong kakilala o mayamang kaibigan maliban kay Axel na asawa ng bestfriend kong si Kriza, tsaka imposible naman iyon kasi hindi naman nila alam na luluwas ako ng Maynila.

"Teka po, sino po bang sir ang tinutukoy mo? Wala naman akong natatandaang nagpapasundo ako ah" usisa ko pa .

Napakamot pa ito sa batok bago sumagot.

"Si sir Reeve Montenegro po ma'am, katunayan nga po niyan ay kanina pa po siya naghihintay sa loob ng sasakyan".

"S- si R- Reeve?" halos lumuwa ang mata ko sa gulat!

Ano na naman kayang pakana nito at nag aksaya pa ito ng oras na sunduin ako sa airport.

Wala na akong nagawa ng kunin nito sa mga kamay ko ang hila hila kong maleta at nilagay sa likod ng sasakyan.

Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kong ihahakbang ko ba ang aking mga paa patungo sa sasakyan kung nasaan naghihintay ang lalaking hanggat maari ay ayaw ko ng makita, makasama o makatabi, o kukuha na lamang ng taksing taksing masasakyan.

Pero nasa compartment na ang mga gamit ko!

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan, nanginginig man ang aking mga tuhod ay dahan dahan akong naglakad patungo sa sasakyan.

Isang hakbang pa sana ang aking gagawin ng bumukas ang pinto ng sasakyan sa likurang bahagi at lumabas ang lalaking sobra sobrang namiss ko!

Halos nahigit ko ang aking paghinga ng tuluyan na itong nakalabas.

Mas lalo pa yata itong gumwapo kahit may mga mumunting bigoteng tumutubo na lalo lamang nagpadagdag sa kagandahang lalaki nito.

Sana all g-gumagwapo kapag na broken hearted! Ako kasi nagmumukha ng balyenang kurimaw!

Hindi ko alam kong ngingitian ko ba ito o babatiin.

Mataman lamang itong nakamasid sa akin, walang ni isa mang salitang binitiwan. Naglalakbay ang mga mata nito sa aking kabuuan na lalo lamang nagpalakas ng pintig ng aking puso.

Halos pinag aralan pa nito ang aking anyo base na rin sa tagal ng pagmamasid nito sa aking kabuuan, halos manikip naman ang dibdib ko ng dumako ang paningin nito sa bahagi ng aking tiyan.

Nahahalata niya ba? kinakabahan kong sambit sa sarili.

Para makaiwas ay naglakad na lamang ako patungo sa direksyon ng bahagi ng sasakyan na uupuan ko.

Ilang pulgada na lamang ang aming distansya ng maamoy ko ang matapang niyang pabango, nakaramdam ako ng pagkahilo at parang hinahalukay ang aking tiyan. Nandidilim na ang paningin. Inilang hakbang ko pa sana ang bahagi ng sasakyan ng bigla na lamang akong natumba.

Kahit nandidilim ang paningin, hinintay ko na lamang na bumagsak ako sa sementadong daan, ngunit ang iniisip ko ay hindi nangyari.

Ramdam ko ang kanyang matitipunong braso ang sumalo sa akin.

"Baby!!"

"Fuck!!" dinig ko pa ang kanyang nag aalalang boses bago ako tuluyang lamunin ng dilim.


09-27-2020
08:34pm
Muscat,Oman

Road to happy ending na kaya ang mag baby? Hmmm.. stay tuned.
Thank you everyone sa walang sawang pagsuporta sa kwento ni Reeve at Yohan.
Don't forget to vote and leave your comments after.

Sana suportahan niyo pa din ang susunod kong isinusulat, tatapusin ko lang po muna ang BMWTL bago ko tuluyang simulan ang " 365 days to move on ".

God bless and stay safe everyone 🙏🧡

-Ehnna-✍

Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon