Sa peripheral vision ng binata ay nakita niyang namumula ang dalaga. Medyo nagkaroon siya ng pag asa.
I still have that effect on her, bulong niya sa isip.
Ngayong natagpuan niya na ito, he will do everything he can do para hindi na makawala ang dalaga lalo na at may anak na sila.
No, don't get me wrong. Na kaya lang ako nagpupursigeng mapasa akin si Yohan just because we have a child.
NO.
It is because I love her. Since the first day my eyes laid on her on the traffic side of Manila, seven years ago.
Naging gago lang ako na hindi ko na amin sa kanya ang totoong nararamdaman ko, sinaktan ko pa ng isali ko pa siya sa pustahan naming magkakaibigan.
Naiintindihan ko naman talaga siya kung bakit nagdududa siya sa intensyon ko sa kanya- sa pagmamahal ko.
Ngayon, alam ko na kung gaano kasakit yung pagmukhaing tanga at yung mareject. Ang sakit pala, sobrang sakit.
Kung sana hindi ko ginawa iyon at nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na harapin at aminin yung totoong feelings ko sana hindi lang si Rk yung anak namin ngayon, naiiling niya sa isipan.
Limang taon sa buhay ko sinayang ko iyong chance na makasama at maalagaan ko yung mag ina ko, na sana ako yung nasa tabi ni Yohan nung nagbubuntis siya, yung kasama nitong magpapacheck sa OB gyne para ma sure ang safety ng mag ina.
Sana ako yung tinatawag nito tuwing nag c-crave ito ng mga pinaglilihiang pagkain, at sana ako yung kasama niya sa delivery room at kinakapitan kapag nahihirapan na siya.
At higit sa lahat, sana na witness ko ang unang yugto ng aking pagiging ama.
Sumisikip ang dibdib ng binata dahil sa samut saring mga paghihinayang na lumalaro sa isipan.
"Baby?" basag ko sa katahimikan sa pamamagitan ng pagtawag sa dalaga.
***
"Baby" tawag ni Reeve ang nagpabalik sa aking huwisyo na naglalakbay sa dako pa roon.
Tumingin ako sa gawi niya.
Samut saring emosyon ang aking nababanaag sa kanyang mga mata at ekspresyon ng mukha.
Pagsisisi.
Kalungkutan.
Panghihinayang.
Pagsusumamo.
Pagmamahal.
Isang tikhim ang pinakawalan ko para basagin ang awkward feeling na namamagitan sa aming dalawa.
Tumingin sa gawi ko si Reeve. Napakislot pa ako ng maramdaman ang paggagap ng kanyang kamay sa mga kamay ko. Nandoon pa rin ang tila bolta boltaheng enerhiya kapag magkadampi ang aming mga balat.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
Naramdaman kong pinisil niya pa ito at itinaas patungo sa kanyang labi.
Isang mabini at may pag iingat na halik ang iginawad nito. Tila isang babasaging pigurin ang kanyang kamay base na rin sa paraan ng paghalik nito.
"I love you baby, let's start a new. Me, you and RK as family." Seryosong wika nito kasabay ng pagdampi ng labi nito sa labi ko.
Ilang segundo pang nagtagal ang mga labi naming magkahugpong ngunit hindi gumagalaw.
Ilang sandali pa si Reeve na din mismo ang kusang lumayo.
Dinig ko pa ang pagbitaw nito ng malalim na paghinga. Sumulyap sa akin at ngumiti. At minaniobra ang sasakyan.
Bumabagtas na kami sa daang hindi pamilyar sa akin kaya hindi na ako nag dadalawang isip mag usisa.
"Saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa bahay" tanong ko.
"Hindi ko naman sinabing uuwi na tayo" sagot nito.
Kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Reeve please, gusto ko ng umuwi" pakiusap ko dito.
"May mahalaga lang tayong pupuntahan" sagot nito habang ang mga mata at nakatutok pa rin sa daan.
"Reeve naman! Baka nasa bahay na si RK, hahanapin ako noon" palusot ko pa.
Kinakabahan na ako sa kung anong naglalaro sa isipan ng binata.
"Saglit lang tayo, promise. Bakit natatakot ka ba sa akin?" tanong pa nito.
"Of course not!" madiin kong sagot.
Hindi na ako umimik. Hindi naman siguro ako kikidnapin nito,.
Duh? Sa yaman nito maiisipan pa siya nitong kidnapin? Baka nga ako pa bibigyan nito ng pera bilang ransom, natatawa kong sabi sa sarili.
Ilang sandali pa ay nakita kong binabagtas namin ang isang napakalawak na lupain na napapalibutan ng mga tanim.
Hacienda Montenegro ito ah! Anong gagawin namin dito? Mukhang kinidnap na nga siya ng binata.!
Naguguluhang tumingin siya kay Reeve na tila nagtatanong.
Ngunit sinagot lang siya ng isang ngising wagi.
09-24-2020
08:56pm
Muscat,OmanSo, ano guys? Ano sa tingin niyo ang plano ni Fafa Reeve?
Don't forget to vote, and leave your comment. Thank you for reading.
Sana ay samahan niyo pa ako hanggang dulo ng kwento.
God bless and stay safe everyone!
-Ehnna-
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake With The Lunatic (SELF-PUBLISHED UNDER FECUNDITY)🔞
RomansaReeve. Nag iisang anak ng isa sa pinakamayamang angkan sa kasalukuyan. Gwapo, sobrang yaman at may mala adonis na katawan-ika nga ng mga kababaihan"super good catch" complete package idagdag pa na nagmula siya sa pamilya Montenegro,apelidong pina...