Zane:
Where are you?Zane:
Reply to me.Tinitigan ko lang ang mensaheng iyon ni Zane. Limang araw na mula nang una siyang mag text sa akin ng gabing iyon. Inabot ako ng madaling araw bago dinalaw muli ng antok. Naiiyak na ako nang mga oras na iyon dahil gusto ko nang matulog pero hindi talaga ko makatulog.
Mula nang gabing iyon, gabi-gabi na kami magkatext. Kakaiba ang nararamdaman ko kahit magkatext lamang kami. Hindi ko maipaliwanag, that's why I go out. I told my parents that I will buy my things for school. Two days from now is the opening of classes. At kinakabahan talaga ako.
Hindi ako nag reply kay Zane, kahit gusto kong sagutin ang mensaheng iyon. Dumiretso ako sa National Bookstore. Maraming tao. May mga nanay na namimili ng gamit ng kanilang mga anak. Mayroon din naman na kasama mismo ang kanilang mga batang anak. Mayroon ding mga estudyante na sa tingin ko ay ka edaran ko lamang.
I'm wearing a fitted white shirt, maong skirt, and a sandals. Actually, hindi ako ganito manamit. Madalas lang akong magsuot ng T-shirt and jeans, partner with rubber shoes. Pero naisip ko na college na ako, dapat mukha na akong dalaga diba? Ayoko namang magmukhang bata pa rin kung manamit.
Napadpad ako sa book section. I want to buy books. Yung books na binili ko last year ay nabasa ko na lahat. I'm reading the synopsis of the book when I heard someone talking behind me.
"Girl, I heard sa Grant din daw papasok si Zane ah?"
Zane?
"Really? Kaya ba nakita ko siya last time na kasama si Christopher? Akala ko, nandito lang siya dahil vacation and babalik din ng Laguna."
Di ko sila nakikita. Nakikinig lamang ako sa pinag-uusapan nila. I'm thinking kung yung Zane na tinutukoy nila at ang Zane na kilala ko ay iisa. Ganun ba talaga siya kasikat? Ang dami palang nakakakilala sa kaniya. Sabagay, mayaman siya. May business ang pamilya nila.
"This is my chance now. Diba wala siyang girlfriend ngayon?" parang kinikilig pa niyang sambit.
"Yup, I heard wala. Saka sa gwapo niyang yun? For sure, he's waiting for the most beautiful, smart, and talented girl. Kung titingnan siya, parang ang hirap isipin na may deserving para sa kanya."
Right. The one for him is a lady that is deserving of his love. Parang sumikip ang dibdib ko sa isiping iyon.
Tumungo na ako sa counter para magbayad. Naglalakad na ako pero ang isip ko ay nasa pinag-usapan parin nung dalawang babae kanina sa bookstore. Hindi ko sila nilingon kanina kaya hindi ko alam ang itsura nila. But based on the way they talk and their voice, I can conclude that they are both beautiful and rich. Maybe, woman like them are those who are deserving for Zane.
Eh bakit ko ba iniisip iyon? Ano namang pake ko kung bagay sila kay Zane? Basta ako, nakakatext ko siya at tinawag niya akong baby. Eh sila?
At ano bang pinaglalaban ko? Gosh!
Nawala na ako sa mood hanggang pag-uwi. Dumiretso nalang ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit na pinamili. Inalis ko sa isipan ko ang tungkol kay Zane. May kakaiba akong nararamdaman at sa tingin ko hindi iyon maganda.
Tumulala muna ako sa kawalan bago dumiretso sa banyo upang makapagbihis. Umalis si Mama at Papa at hindi ko alam kung nasaan sila ngayon. Nag-iwan lang ng note si Mama na may pupuntahan sila. Binilinan din niya ako na manatili sa bahay at huwag aalis. Wala din naman akong planong umalis.
Napapaisip tuloy ako kung bakit ganun nalang ako ingatan ng mga magulang ko. I'm not sick so why are they so overprotective. Wala din namang nagtatangka sa buhay ko, or not? I don't know. I didn't experience having a normal childhood life. Ni hindi ako pinalalabas para manlang maglaro sa park o makihalubilo sa ibang bata. I'm homeschooled. Minsan nga naisip ko na itinatago ako ng mga magulang ko mula sa iba. But it's impossible, why would they hide me, right?
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
Любовные романыSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...