Kabanata 25

2 0 0
                                        

Ilang minuto ang lumipas ngunit nakayakap pa rin ako sa katawan ni Mama at Papa. Maraming yapak ng paa akong naririnig ngunit hindi ako kumilos. Pagod na ako. Gusto kong magpahinga sa piling nila. Dito lang ako. Hindi ako aalis.

"Faster! Surround the whole area!"

Hindi ko alam kung sino sila. Pero sana napaaga sila ng dating. Kung narito na sila kanina pa, buhay pa sana ang mga magulang ko.

"Sir! May mga tao dito sa loob!"

I close my eyes.

Hindi ko na alam kung paano pa mabubuhay. Hindi ko kaya Mama. Dapat sumama nalang ako sa inyo. Hindi ko kaya.

"Sapphire?"

Wala na akong lakas para tumingala sa taong nagsalita. Pamilyar ang boses niya ngunit hindi na ma proseso ng utak ko ang nangyayari sa paligid ko.

Naramdaman kong may humawak sakin ngunit hindi ako nagpadala. Mas hinigpitan ko ang yakap sa mga magulang ko. Hindi! Bakit nila ako inilalayo? Dito lang ako!

"Sapphire, come on."

Umiling ako at hindi pa rin umalis. Pinipilit kong maramdamam muli ang init ng katawan nila ngunit wala akong maramdaman kung hindi lamig. Bakit?

Someone forced me to stand up, reason why I lost my hold on my parents. "No! No, please."

"Sapphire!"

I sob. "No. Just let me. Please. I want to be with them."

"Baby..."

"My Mama and Papa..."

"Baby, come back. Come back please. Look at me."

Sa nanlalabo kong mata at punung-puno ng luha, naaninag ko ang mukha ng taong hindi ko inaasahang makita. "Z-zane?"

"Yes. I'm here. Everything will be alright." Niyakap niya ako at ginantihan ko yun.

"Zane," I sob. "W-wala na sila. Wala na ang Mama at Papa k-ko."

"Shhh..."

I hug him tightly. "They love me. My parents l-love me. So much."

"Hmmm. Everyone will love you."

"Pinatay ni Alfonso, Zane. Pinatay niya sila." Humagulgol ako at parang batang nagsusumbong sa kaniya. Sa unang pagkakataon, naramdaman kong may kakampi ako.

Nanginginig pa rin ako. Naririnig ko pa rin ang putok ng baril. Ramdam na ramdam ko pa ang init ng dugo nila. Malinaw na malinaw pa rin ang napakagandang ngiti ni Mama at Papa.
Hayop ka Alfonso! Pagsisisihan mo ang lahat ng ito!

"I'm sorry, baby. This is my fault. I'm late. I should've come earlier."

I look at him. "Wala kang kasalanan. Una palang, gusto na niya akong patayin."

Kita ko ang pagtatanong sa mata niya ngunit hindi niya yun sinalita. May mga kasama siyang tao at sila ang kumukuha sa bangkay ng mga magulang ko. Habang tinitingnan ko ang mga katawan nilang walang buhay, hindi ko mapigilang hindi maiyak. Ang sakit lang na wala akong nagawa. Napakahina ko. Kung malakas lang ako physically and mentally, may nagawa sana ako. Hindi sana ito ang kinahantungan namin.

You are weak Sapphire. So weak.

Inalalayan ako ni Zane palabas ng warehouse. Nanghina na ang buong katawan ko kung kaya't binuhat na niya ako. Sumiksik lang ako sa dibdib niya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Pugto na ang mata ko ngunit hiindi nauubos ang mga luha.
Sige lang, Sapphire. Iiyak mo lang lahat ng iyan. Ipínapangako ko na ito na ang huling beses na luluha ako. Ito na ng huli na makikita ako bilang mahina at inosenteng Sapphire. Tama na.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon