Sa buhay kong ito, hindi ako nag-isip ng pakiramdam ng mga babaeng may boyfriend. Hindi ko yun iniisip noon dahil ang gusto ko lamang ay magkaroon ng kaibigan. Isang tao lamang ang nagparanas sa akin ng mga pakiramdam na may gusto ka sa isang tao, at si Zane yun. Kaya niyang manipulahin ang nararamdaman ko. Pinatitibok niya ang puso ko. At gusto ko lang maramdaman ang halik niya kahit hindi niya ako gustuhin pabalik.
He lean into me. I anticipated his action so I close my eyes then I felt him kissed me on my cheeks.
"We'll go home, alright?" He whispered.
Ngumuso ako at binuksan ang mata. Ayaw niya bang halikan ako? Hindi niya ba ako gusto?
"I'll bring her home. Tell Alice that we went home because this hard headed girl is drunk."
Narinig kong nagtawanan sila pero di ko na naintindihan yung sinasabi nila dahil inaakay na ako ni Zane palabas.
Tinulak ko siya. "Bakit mo ako inaakay? Kaya kong maglakad."
"Baby, listen to me. You're drunk okay? I'll bring you home."
Narito na kami sa labas. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Zane. Hindi ako lasing. Paano ako malalasing hindi naman ako uminom ng alak. Naupo ako sa gutter.
"Aish! Sapph, come on." Tumaas yung boses niya.
"Galit ka sakin?" naiiyak ako. Galit sakin si Zane. Hindi niya na ba ako gustong kasama? Paano na ako kung wala si Zane?
"What? Of course not. I'm just frustrated."
"You're frustrated at me? Ayaw mo na ba sa akin?" I bit my lips.
Umiling siya at hinawakan ang pisngi ko. "No. It will never happen. I'm your Shane right? Your Shane will never leave."
Lumiwanag ang mukha ko. "Talaga?"
Tumango siya. "So, let's go home?"
Nanlisik naman ang mata ko. "I. Don't. Want."
Bumuntong hininga siya bago umupo sa tabi ko. Kung naiinis siya, bakit ayaw niya akong iwan dito? Ayokong umuwi. Hindi ko din alam kung bakit, basta sabi ng utak ko, huwag umuwi. Lasing ba talaga ako? Pero hindi ako umiinom ng alak kaya bakit ako malalasing? Si Zane yata ang lasing eh.
"Alam ko na!" sigaw ko.
Tumingin lang sakin si Zane at inaantay ang sasabihin ko. "Pumunta tayo sa condo mo."
Pumikit siya at probelamadong problemado na. "Sabi ni Mama, sa condo mo daw ako umuwi. Pikutin daw kita." I giggled. "Gusto mo yun Zane? Gusto ko yun!"
"Ano bang gagawin ko sayong babae ka?" bulong niya sa sarili niya.
"Come on Zane, tara na sa condo mo. Ayoko na dito. Umuwi na tayo sa condo mo."
Tumayo ako at muntik na akong matumba, pero naalalayan agad ako ni Zane. Pagkatayo ko ng maayos, hinila ko na si Zane papunta sa kotse. Pa zigzag pa ang lakad ko. Bakit hindi ako tuwid maglakad?
Naupo ako sa driver seat. "Alam mo? Gustong gusto kong matutong mag drive. Turuan mo kaya ako?" Nagpa cute pa ako sa kaniya. Baka tumalab eh.
"No. Tuturuan kita pag nasa katinuan ka na."
Hinila niya ako paalis ng driver seat. "Nasa katinuan naman ako ah." Pinaupo niya ako sa passenger seat at nilagyan na rin ng seatbelt.
"Baby, you are not."
Pinikit ko ang mata ko dahil dumadami si Zane sa paningin ko. Nahihilo na din ako. Naramdaman kong umaandar na ang sasakyan. Kaya binuksan ko ulit ang mata ko.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomansaSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...