Nasa kwarto na ako ngayon. Ngayon pa lang nag sink in sa utak ko na dito tutulog si Zane. Bakit nga ba? Ah oo, hindi makakauwi si Mama at Papa at dahil super protective sila sa akin, nakiusap pa sila kay Zane na samahan ako ngayong gabi.
Ano bang dapat kong gawin? Guest ko siya ngayong gabi, right? Should I cook for him? Siguro nga dapat ko siyang ipagluto.
Bumaba na ako matapos makapagbihis. Ang alam ko, magpapadala nalang siya ng damit sa kanilang driver para sabay na ulit kami papasok kinabukasan. Natanaw ko si Zane na nagluluto. Teka, dapat ako ang nagluluto, eh bakit siya ang gumagawa nun?
"Zane, ako na dyan. Ano ka ba? Ako dapat ang nagluluto dahil bisita ka," he smirk at me and continue what he is doing.
"Come on, Sapph, iba pa ba ako sayo?" May kinuha siyang upuan. "Come here, just sit and wait."
Ano pa bang magagawa ko? Eh nagluluto na siya.
Umupo lang ako sa counter at tinitigan lang siya sa kaniyang ginagawa. Sa kahit ano talagang ginagawa niya, ang gwapo niya tingnan. Para siyang model sa kusina. Di na ako magtataka kung bakit ang daming nahuhumaling sa kaniya.
Sa asta namin ngayon, para kaming mag-asawa. He is the loving and caring husband while I'm the sweet wife. Huh? Anong mag-asawa Sapphire? Baliw ka ba?
Nag-iwas ako ng tingin kay Zane, kung anu-ano ang naiisip ko.
"Uhm, anong niluluto mo?" I try to engage into a conversation para naman matigil ang mga natakbo sa isip ko.
"Tinola," he answer without looking at me.
Nagtaka ako. "Sino namang nagturo sayong magluto? It's so strange that a guy can cook, you know."
He chuckled. "What's so strange about that? If girls can do what boys can do, then, boys can do what girls can."
"Tss, sabi lang yun. Pero, bihira pa rin makakita ng mga taong gumawa nun."
"Okay, whatever you say," he smile then wink at me.
Nag-init naman ang pisngi ko. Bakit bumibilis ang heartbeat ko? Is it normal?
Minutes after, kumakain na kami.
Nanlaki ang mata ko ng matikman ang luto niya. "Ang sarap!" pumikit pa ako para talagang makatotohanan.
"Wait!" I open my eyes. "Di mo sinagot kung sinong nagturo sayo magluto. Sino?"
He smile, "Mom"
I frown. "Parang mas magaling ka pa magluto sa akin eh."
He smirk this time and I roll my eyes. I know this, he will tease me.
"Mas magaling naman talaga ako sayo"
"Magluto lang po noh?" I raise my eyebrows at him.
He laugh hard. Nakakainis talaga 'tong lalaking ito. Sarap sapukin.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang naghugas ng pinggan. Nasa kwarto si Zane upang magpalit ng damit. Dumating kasi si Mang Castor, personal driver ng mga Cartel, at ibinigay na ang gamit niya. Tinanong ko din siya kung inform na ba si Tita at Tito na dito siya tutulog. Ayoko lang na magalit sa kaniya ang parents niya.
Nagpasya kami na tumambay ulit sa rooftop. This time, nagdala ako ng mat na pwede naming higaan while we're stargazing. Nakahiga kami pareho. Both of his arms are under his head that serve as his pillow. While me? Nagdala talaga ako ng unan, inalok ko nga siya pero ayaw niya naman.
Nakatingin lang ako sa kalangitan, this time, stars na ang tinititigan ko. Naalala ko kasi yung sinabi niya weeks ago about stars. Kaya sa halip na tumitig sa buwan, sa stars na nakatuon ang atensyon ko. Ang sarap damhin ng katahimikan.

BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...