Kabanata 14

5 0 0
                                    

"Ayoko." I said.

"Pumayag ka na!"

Umiling ako. "No."

Nandito kami nina Clarissa at Alice sa cafeteria. Kanina pa ako pinipilit ni Clarissa na samahan siyang pumunta sa mall. At dahil may pupuntahan kami mamaya ni Zane, tumanggi ako. She's so persistent. Alam na din nila na boyfriend ko na si Zane, I just told them last Monday at natuwa naman sila. Sermon muna ang inabot ko kay Clari dahil isang buwan na daw pala hindi ko daw siya sinabihan.

"Hey couz, tulungan mo naman ako." Paghingi niya ng tulong kay Alice.

Alice laugh. "Sapph, huwag mong samahan 'to. Susundan lang niya yung gwapong lalaki sa engineering. Narinig niya kasi na pupunta ng mall."

Kumunot ang noo ko. Sino naman yun? Hindi nakwento sakin yun ah. Itong babaitang ito talaga, napakadaming lalaki. Akala ko nga, may something sa kanila ni Chris.

"Who? Stalker ka na rin Clari?" I asked.

"Iba kasi ito girl, feeling ko siya na talaga."

Tinawanan ko nalang si Clarissa. Bahala nga siya. Nandito kami sa cafeteria at alas dos lang ng hapon pero tapos na ang klase namin. Nag-aayos na lang kami ng requirements dahil hanggang bukas nalang ang pasok namin at Christmas break na. Inaantay ko si Zane dahil may pupuntahan kami.

Ilang minuto ang nakalipas nang dumating si Zane kasama si Marc, John, at dalawa pang kaklase na hindi ko kilala. Nagtaka naman ako na may kasama siya. Madalas kasi na pag dumarating siya, si Chris ang kasama. He walked towards me and kiss me on my forehead.

"I'm sorry, Sapph. Hindi pa kasi tapos yung research paper namin. There are some changes and we need to rush it since the deadline is tomorrow. Maybe we can go at the hill tomorrow?" He said.

Nalungkot ako ng marinig yun. There's this hill that is so beautiful and we just saw it while strolling so we go there. We decided to come back today but if he has very important things to do, it's fine with me. Lagi naman siyang may oras sa akin so, it's not a big deal.

I smile a Zane. "Tomorrow then."

"You're the best. Babawi ako. We'll just pass this and we'll have our time together."

I hit his arms. "Oo na po. Sige na, pumunta ka na sa classmates mo. Sasabay ako kay Clarissa pauwi."

He looked at Clarissa. Wala pa siyang sinasabi pero nagsalita na si Clari. "Yes Sir! Iingatan ko ang jowa mo at sisiguraduhin kong makakauwi siya nang ligtas." Natawa naman ako. Parang sira talaga ang babaeng 'to. Kaya masaya talaga ako na naging kaibigan ko siya, hindi dadaan ang isang araw na hindi niya ako nainis o napatawa.

"Call me when you got home, alright?" He said.

I nod at him and kiss his him goodbye. Nang mawala sa paningin ko si Zane at mga kaklase niya, nagsalita na naman si Clarissa. "Paano ba yan girl? Wala ka nang pupuntahan, sasamahan mo na ba ako sa mall? Saglit lang, promise."

Hindi talaga ako tiwala sa 'saglit' niya. Lagi niyang sinasabi sakin iyan, na may pupuntahan siya at saglit lang pero oras na ang lumipas at wala pa rin siya.

Tumitig lang ako kay Clari. I looked at Alice. "Why don't you ask Alice?"

"I can't go. May date kami ni Jasper." Alice answered. Natatawa nalang siya saming dalawa.

Bumuntong hininga ako sa kakulitan ni Clarissa. Isasama pa ako sa pang stalk niya sa kung sinuman iyon. "Basta, siguraduhin mo lang na saglit lang iyon ha?"

She smiled widely. "Yes! The best ka talaga!" Niyakap pa ako ng mahigpit, sinapok ko nga.

Nagpaalam na si Alice samin. Pumunta naman kami ni Clarissa sa locker room para ilagay ang mga libro ng dala ko. Mabigat yun at baka gamitin pa bukas kaya hindi ko muna iuuwi. Pag bukas ng locker, nakakita ako ng sobre. Kulay itim na sobre at sa tingin ko, kagaya ito ng nakuha ko sa bahay. Inilagay ko agad iyun sa kagustuhang hindi makita ni Clari. Bubuksan ko nalang mamaya.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon