Sa buong buhay ko bihira akong makaramdam ng totoong inis sa isang tao. Minsan, naiinis ako kay Zane pero hindi kasing tindi ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito pero baka ayoko lang talaga sa tao.
"Can you please stop following me?" I said and he just chuckled at me. I rolled my eyes.
Matapos niyang magpakilala kanina, nagyaya ang mga matatanda na kumain. Bigla akong nawala sa mood dahil sa anak ng bisita namin, unfortunately, bisita rin siya. Matapos kumain umakyat ako sa kwarto pero sumunod pala siya at kumatok pa sa pinto ko. I'm pissed because I'm supposed to call Zane but then he interrupt. I don't have a choice but to open my door and go out. Now, I'm here in the garden as well as him.
"I can't. You're the only one here who I can talk to so I might as well be with you." He smirked.
"But I don't. At sa pagkakaalam ko, hindi tayo close."
Hindi ko alam kung kailan pa ako naging mataray. Baka sa kaniya lang? Maybe it's because of the story of him and Zane. I hate that he looks so carefree while I saw how vulnerable Zane is because he truly treat this guy as his bestfriend. Mabuti nalang hindi nila kasama ang step sister niya dahil baka lalo lang masira ang araw ko.
Come on! It's Christmas. Why are they bothering me? All I want to do is talk to Zane the whole time. Sana lang, hindi pa siya tulog sa mga oras na to. Bakit kasi hindi pa umuwi itong lalaking to? Kahit siya lang. I don't want him here. I hate his presence.
"Woah there Miss Mendez. You're strange you know that? Bigla kang tumaray."
Nanlisik ang mata ko sa kaniya. Actually, sa kaniya lang ako tumaray. Nakakainis!
"I need to do something. Stay away from me please. We're not friends." I smile fakely at him.
"But you're my girlfriend's friend."
"As you said, I'm your girlfriend's friend, her friend. Not you."
Tumalikod na ako sa kaniya at muling pumasok sa kwarto. Lalabas nalang ako kapag wala na sila. I don't want to stay with them. Hindi ako sanay makisalamuha at lalong ayokong makipag-usap sa taong hindi ako komportable. Ayoko ng paraan ng pagkausap sakin ni Jasper. Weeks or months na rin nang huli kaming mag-usap at panandalian lamang yun dahil gumagawa ako ng excuse para makalayo.Hinding hindi ko makakalimutan ang paraan ng pagtingin niya noong una kaming magkakilala ni Alice. Parang may ipinahihiwatig ang mga mata niya at ayoko nang alamin pa. Tapos, iba na naman siyang kumilos ngayon. What's his motive? What does he need from me?
Tinawagan ko pa rin si Zane kahit na hindi pa ako kalmado. Gusto kong marinig ang boses niya nang sa ganun ay maging maayos ang pakiramdam ko. Ayoko makaramdam ng inis o galit sa isang tao dahil alam kong wala yung idudulot. Ako lang din ang masasaktan sa huli kaya mas mabuting iwasan na lamang sila.
"Hi, baby." Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Zane na inaantok na. Na guilty naman ako dahil medyo late na. Dapat natutulog na siya pero hinintay niya ako para magkausap pa kami.
"Sleepy?" I asked.
"It's alright. I'm fine. How's your day?" He smile.
"Ayos naman. Saglit kong nakausap yung kaibigan ni Papa. Mabait naman siya then we just ate. How's yours?" Hindi ko binanggit ang tungkol kay Jasper dahil sigurado akong pagseselosan niya yun. Hindi na din naman magtatagal dito ang lalaking iyon, hapon na at siguradong paalis na sila.
"It's great. My Uncles and Aunties are here. Some of my cousins are happy to see me. Although, I'm not. I prefer to be with you."
I laugh. "Para kang sira. Mga pinsan mo po yun. Pipiliin mo talaga ako kaysa sa kanila?"
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomantikSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...