Kabanata 13

7 0 0
                                    

Matapos ang halikang iyon, nahiya ako kay Zane kaya hinila ko na siya para pumunta kami sa sikat na kainan ng bulalo. Nakatikim na ako noon pero iba pa rin kung dito ako makakakain ng sinasabi nilang pinakamasarap na bulalo. Nagutom ako sa mga ginawa namin kanina sa bangka.

"This is the best bulalo ever!" I said.

He chuckled. "Really?"

I nodded. Ang sarap talaga. Actually, busog na ako pero parang gusto ko pa rin.

"Yeah right. Halata namang masarap dahil naka tatlo ka nang bowl."

Dinilaan ko siya. Wala akong pake. Kahit maka lima pa ako, babayaran niya naman eh. Saka, ngayon lang ako malakas kumain dahil ang sarap talaga nitong bulalo.

"We can take out if you want." Alok niya at pakiramdam ko kumislap ang mata ko dun.

"Sure!" I smile widely.

Ganun nga ang nangyari. Nag take out kami at bumalik ng hotel. Five na ng hapon kaya nag check out na kami. I told Zane that I don't want to go home yet kaya narito kami sa isang cliff, nag-aantay ng paglubog ng araw. Below the cliff is the sea and it's really beautiful, especially the horizon and the sun that will soon meet.

I sit down and stare at our view. He really is great for creating these. Naramdaman kong umupo sa likod ko si Zane. Sinakop ng binti niya ang binti ko at binalot ako ng mga braso niya. I lean my whole weight on him and he doesn't mind. This is peace. Humangin ng malakas kaya napapikit ako. Natawa ako ng lumipad ang buhok ko patungo kay Zane.

I giggled. "Sorry."

He smiled and just kiss my cheek. "Ang sweet mo ngayon ah. Anong nakain mo?" Nilingon ko siya.

"Bulalo po Ma'am." He said.

I laugh. "Ako din naman pero bakit mas sweet ka pa. Mas madami akong nakain kaysa sayo!"

"Maybe because I was born sweet."

I frown. "And I'm not?"

Umiling siya. "You are born to be my wife."

I bit my inside cheeks. Nagpapakilig na naman 'to si Zane Anthony. "Tigilan mo nga ako Cartel." saad ko para itagong kinikilig ako.

"I won't Mendez. Hindi kita titigilan."

"Eh di wag." I chuckled.

Madalas kaming ganito. Asaran lang at nag-uusap ng walang sense pero masaya naman. Masaya dahil kasama siya. I want us this way. I know that time will come, we will talk about serious matters but since it's not here yet, we'll gonna enjoy the company of one another.

"Kanino muna natin sasabihin ang tungkol satin?" I asked Zane. Nanonood lang kami sa araw na lumulubog na ngayon.

"Your parents first."

"When?"

"It's up to you. When do you want?"

Napaisip naman ako. "Tomorrow lunch. I'll ask Mama to invite you. Is it fine with you?"

Naramdaman kong tumango siya. "Of course."

"How about to your parents? When we'll we meet them?" I asked.

"Bukas din." Napalingon ako sa kaniya dahil doon. Ayaw niya na talagang patagalin 'to. Oo nga naman, isang buwan na nga ang tiniis niya eh.

"Okay."

Nang dumilim na, nahiga na kami sa damuhan. Nakahiga ako sa tiyan ni Zane. Pareho na naming pinagmamasdan ang kalangitan. Ito ang bagay na pinaka pinagkakasunduan naming dalawa. Paborito naming dalawa na gawin ito. Looking at the night sky makes me relax.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon