Kabanata 46

3 0 0
                                    

"Aphro, come on!"

I glared at him. "Leave me alone."

"Ganiyan ka na ngayon? Porke't may boyfriend ka na, ayaw mo nang sumamang lumabas sakin."

Huminga ako ng malalim para pigilan ang umuusbong kong inis. May mga inaayos pa ako sa organization saka nagsisimula na ang renovation project ng hotel sa Batangas kaya busy ako. Pero ang isang ito, kahit paulit-ulit ko na yatang naipaliwanag sa kaniya yun, iniisip niya pa rin na ayaw ko sumama dahil may boyfriend na daw ako.

"Really, I'm busy, Just. Maybe next time." Kalmado kong sambit.

He scoffed. "I'm sure, that hilarious man told you to not see me and to not go out with me. Am I a threat to him? Absolutely, 'cause I'm one heck of gorgeous man." Ngumisi siya at kumindat pa sakin.

If you only knew that Zane is too confident. Kung mayabang na si Just, mas mayabang si Zane. Maybe no one can beat him on that part. I can't blame him, though. He's just telling facts.

Nawala ang atensyon ko sa lalaking nangungulit sakin nang tumunog ang cellphone ko. Dumako roon ang mata ko at tiningnan ang mensahe.

Clarissa:
Let's go out, tonight.

Zane:
Let's have a date tonight. I miss you baby.

Napahawak nalang ako sa ulo dahil hindi ko malaman ang gagawin. I'm serious that I'm busy, but I can make time later. The problem is this guy infront me, earlier he's the only problem. And now, my bestfriend and boyfriend are inviting me at the same time. Should I choose? Or should I turn them all down? Pero miss ko na si Zane. Hindi kami madalas magkita dahil busy rin siya sa company. While Clarissa, minsan lang siyang magyaya at magtatampo yun kapag hindi ako pumayag. At ang lalaking nakangisi sa harap ko, baka magalit rin sakin.

Aish! Sabihin ko nalang kaya na may sakit ako?

Humawak ako sa sintido ko at hinilot iyon ng paunti-unti. Sa isang iglap, nagbago ang reaksyon ng mukha ni Justin. Nag-aalala siyang tumingin at tumayo pa. "A-aphro, what happened?"

Mariin akong pumikit at umakto pang nanghihina. Gosh! This is not me! "Medyo masama lang ang pakiramdam ko Just. Pahinga lang ang kailangan nito. Don't worry." Tipid akong ngumiti.

Tumayo ako at nagpanggap pang babagsak kaya naalalayan niya ako agad sa aking likuran. "Careful. Look at you, para kang lantang gulay. Stop what you're doing for a while and rest."

Palihim akong ngumiti nang inalalayan niya ako patungo sa kwarto ko.

"I will stay to make sure you're okay." Napatigil ako sa pagsara ng pinto dahil sa sinabi niya.

"H-huh? Bakit? Pahinga lang ito. Umuwi ka nalang kasi hindi na kita ma entertain. Sorry, Just."

"Tss. No. Uuwi ako kapag ayos ka na."

Uuwi daw? Eh kanina pa nga siya yaya nang yaya na lumabas.
Hinayaan ko siya sa gusto niya dahil hind yun sumusunod sa utos. Nahiga ako at hindi ko alam kung bakit inantok ako sa oras na lumapat ang likuran ko sa kama.

Nagising ako sa lamig. Hinagop ko ang kumot at ibinalot ang sarili ko. Mainit ang balat ko at mukhang nagkatotoo ang pagpapanggap ko. Dahil siguro ito sa pagod at puyat. Ilang araw na sunod-sunod akong puyat, idagdag pa ang hindi ko pagkain ng tama. Muli akong nakatulog matapos nun.

Nagising ako na maayos na ang pakiramdam. Hindi ako nagmulat ng mata at dinama ang init ng kumot ko. I opened my eyes and a face meets me. Nakapikit rin siya ngunit kalmado ang paghinga niya. Di ko alam kung totoong tulog siya o pagpapanggap lamang. Madalas niyang nagagawa ang pag acting sa harap ko. Hindi ko alam kung paanong lagi niya akong napapaniwala.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon