Kabanata 12

5 0 0
                                        

Nanahimik kaming dalawa pagkatapos ng ilang minuto. Sa mga oras na ito, dapat sinasabihan ko na si Zane na inaantay na ako ni Mama pero gusto ko pang makasama siya. Gusto kong mag-usap pa kami tungkol sa relasyon namin. Wala akong ideya ng ganitong set up. Maaaring meron ngunit galing iyon sa libro at palabas at alam kong iba ang nagaganap sa totoong buhay.

Ako ang bumasag ng katahimikan. "Zane, we're now together. You know that you are my first, right? So, hindi ko alam ang ginagawa ng mga taong nasa loob ng relationship. You will guide me naman diba?"

He nodded. "Yes, baby. Uunti-untiin natin ang relasyon na 'to hanggang sa maging komportable ka, okay? I wouldn't do things you don't want to."

"Uhm, pwede mo naman hawakan ang kamay ko at halikan ako sa pisngi at noo. Basta, huwag mo akong bibiglain."

He smiled. "Of course."

After our small talk, inihatid na niya ako pauwi. Pumasok ako sa kwarto pagkaalis ni Zane. Hindi ko alam kung babanggitin ko kila Mama ang tungkol sa amin o hindi muna. But I think not, yet. Zane and I will take our relationship slow and it includes not telling this to others, for the mean time. I know that this is a commitment but I already embrace this before I say yes to him.

Nagpahinga lamang ako ng hapong iyon at nagbasa basa pagdating ng gabi. Mama asked me about what happened in the party and I answer her with all honesty. I told her that I slept in Alice's house with Clarissa. I didn't say anything about me getting drunk. She can't know about it 'cause she might freak out. Knowing Mama, she might get me married to Zane if she heard about me sleeping in his condo and the fact that I was drunk, she will conclude that I am pregnant. Gosh! I don't know what I'll do with her if that happens.

Days passed by and no one notices that something has changed with me and Zane. Normal lang naman ang ipinapakita namin sa mga estudyante. Sabay pa rin kaming pumasok, kumain sa cafeteria, at umuwi. Madalas kaming magkatext o magkatawagan sa gabi ngunit saglit na minutong nag-uusap lamang dahil sa school works.

"Let's date tomorrow?" Tanong ni Zane.

Magkatawagan kami ngayon at Sabado na bukas. Next week is the last week and after that, Christmas vacation na. Isang buwan na rin kami ni Zane. Ang bilis ng araw, hindi naman ako nagsasawang makasama siya. Madalas kaming mag date tuwing Sabado dahil ang Linggo ay para sa pamilya. Bilang boyfriend, napaka gentleman ni Zane. Super bait niya pero hindi talaga maiiwasang paminsan minsan, nagseselos siya. Hindi ko alam sa lalaking iyan. Nakita niya kasi ako nung uwian na may nagtanong na kaklase about our topic that time at sinabi ba naman na makipag kwentuhan nalang daw ako. Pero pag nasuyo ko siya, okay na ulit kami. Di niya ako matiis eh. Sa tingin ko, nasanay na ang mga estudyante na makita kaming magkasama. Hindi ko alam kung talagang ayaw lang nila magtanong o obvious kaming dalawa na magjowa na.

"Okay, saan tayo?"

Hindi ko pa rin siya naipapakilala kila Mama at Papa na boyfriend ko. Hindi pa kasi ako makahanap ng tyempo. Siya naman, sinabi niya na raw kay Tito at Tita pero kung hindi pa daw ako ready na pumunta sa bahay nila, hindi niya daw ako pipilitin.

Isang buwan na pero marami pa rin akong adjustments sa aming dalawa. Feeling ko tuloy, unfair ako. Sa school, hindi kami naghahawak kamay at kahit sa labas ng school. Kapag magkasama lang kami. Hindi rin kami nagyayakapan dahil hindi ako pinanganak na sweet, hindi ko tuloy masabayan kapag sweet si Zane. Ayos lang naman siguro na ang kiss ay hindi pa mag improve dahil bata pa kami? Noo at cheeks pa lang ang nahahalikan ni Zane sa akin. Kagabi ko lang napag isip-isip na hindi kami magiging maayos kung wala naman akong ginagawang effort sa relationship namin. Maybe, I'm really being unfair to Zane. I must do something about this.

"Why don't we try Tagaytay?" he said.

Napaisip ako. Ngayon lang siya nagsabi ng lugar na medyo malayo. Yung first and second date namin, gusto lang namin manood ng sine kaya nasa mall kami. This time, gusto niya sa Tagaytay. Maybe it's alright to try new things? Alam ko namang mayaman siya at afford niya ang kahit ano, pero ayokong isipin ng ibang tao na nais ko lang ang pera ni Zane. Hindi ako nagpapabili ng mga bagay sa kaniya pero pag nakita niyang gusto ko, binibili niya. Kaya, ayoko nang ipakita sa kaniya pag may gusto akong bilhin.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon