Tumitig ako sa kawalan matapos mabasa ang sulat. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pinapatay na naman ako ng paulit-ulit. Somebody, save me please. Save me from drowning. My body wants to give up. All of me are telling me to give this up.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulala. Wala na akong lakas tumayo o gumawa ng kahit anong galaw. Tinakasan na ako ng lakas. Ni kahit ang mag-isip ng maaari kong gawin ay hindi ko rin magawa. Ang mga magulang ko lang ang tanging tumatakbo sa isipan ko. Kung ayos lang ba sila, nakakakain ba sila ng maayos, sinasaktan ba sila dun? Hindi ko alam at mababaliw ako sa kakaisip.
Natauhan ako nang tumunog ang doorbell. Tumingin ako sa paligid at umaga na pala. Magdamag na akong nakatulala kaya naman pala nakakaramdam na ako ng antok. Ika-pito palang ng umaga, sino naman kaya ang pupunta samin ng ganito kaaga? Tumayo ako at sumilip sa bintana. Tanaw ko si Zane na nakatayo sa labas ng gate. Anong ginagawa niya dito?
Umalis ako sa bintana at nahiga na sa kama. Gusto ko nang matulog. Hindi ko gustong makita niya ako sa ganitong kalagayan. Mag-aalala lamang siya. I don't want him to know what's happening to me. I want him to continue his life without me. I know that something's also bothering him. It might be the reason why he broke up with me. It's fine. It is better this way. I love him and I don't want him to be involved in this ordeal of mine.
I'm broke. I don't deserve him now.
Itinulog ko lahat ng isipin ko. Nagising ako ng gabi kaya bumaba ako para kumain. Wala na akong maayos na kain simula nung isang araw. Nasasanay na ang sikmura ko na walang laman. Kung nandito si Mama, magagalit yun. Baka nga masapok pa niya ako sa ginagawa ko sa sarili ko ngayon. Lalo pa at hindi ako pumapasok sa school. Kahit pumasok ako, sila pa rin ang iisipin ko kaya mas mabuti na 'to. Kailangan kong mag-isip ng gagawin ko bukas ng gabi. Tomorrow is January 30. I don't know where is that San Ignacio Street but I will research that later.
I research the location right after I finished my meal. I discovered that it's a bit far from here. I don't know the street but I know some place around it so I can find that warehouse on my own. I immediately sleep after that to gain strength for tomorrow. I decided that I would never ask for help. Even it's from Clark or from Avery. I will face my battle alone.
Kinabukasan, pagpatak ng alas sais ng gabi ay nagsuot ako ng itim na jacket. Sa ilalim nun ay nagdala ako ng kutsilyong maliit. Nagsuot rin ako ng black na leggings at rubber shoes. Kahit sa suot man lang ay maging handa ako. Magulo man ang isip ko, desidido naman akong iligtas ang mga magulang ko. Yun na lamang ang panghahawakan ko.
Sumakay ako ng tricycle patungo sa Rizal Street. Nagtanong tanong ako sa mga tao kung saan matatagpuan ang San Ignacio. Sobrang dilim na paligid ang nadatnan ko. Naalala ko pa ang sinabi ng isang ale kanina.
"Balak mo bang ipahamak ang sarili mo, hija? Kuta ng masasamang tao ang lugar na yun. Gabi pa man din kaya mas mabuti pang umuwi ka na. Kung sino man ang nagsabi ng address na yan sayo, huwag mong paniwalaan dahil mapapahamak ka lang.
I bitterly smile. Handa akong mapahamak. Kung mamamatay man ako matapos nito, tatanggapin ko, makasama ko lang ang mga magulang ko.
Walang katao tao sa paligid nang marating ko ang isang lumang warehouse. Malaking building iyon ngunit sa katahimikan na bumabalot sa dito, kahit ako ay natatakot. Kakaiba ang ipinaparating nito sa taong titingin. Para bang sinasabi nitong umalis ka dahil delikado siya. Ngunit nakapagdesisyon na ako. Kahit gaano ka delikado, tutuloy ako. Dito na mabubunyag ang katotohanan sa buhay ko.
Pumasok ako kasabay ng pag-ihip ng hangin. Malamig yun ngunit wala na yatang mas malamig pa sa kamay kong nanginginig rin kung kaya't itinago ko yun sa bulsa ng jacket ko. Isang lalaki ang tumambad sakin pagpasok ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tumalikod na. Sinundan ko lang siya kung saan man niya ako dadalhin. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano pa yun patatahimikin.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...