Kabanata 9

6 0 0
                                    

Antok na antok na ako. Gusto ko na talagang umuwi at matulog. Katatapos lang ng exam. Kalahati ng subject namin ang exam ngayong araw at bukas ang kalahati. Grabe, sa lahat talaga ng pagkakataon, hindi lahat ng na review mo ay lalabas sa exam. Minsan, may mga Prof na gusto talagang pahirapan ang estudyante kaya nagsasama sila ng mga tanong na hindi naman itinuro. Grabe! Di ko alam kung engot ba sila. Tapos gusto nilang may maka perfect ng exam nila eh hindi naman sila nagtuturo. Sarap sapukin eh. Tapos sino pa daw ang may kasalanan? Kami? Kasi hindi daw kami nakikinig at nag-aaral ng mabuti? Ipa Tulfo ko rin sila eh.

Sabay kaming sumakay ng jeep ni Clarissa. Hindi namin kasabay si Alice at Zane dahil magkakaiba kami ng schedule ng exam. Kahit gusto ko silang kasabay, hindi ko na kayang maghintay dahil feeling ko drain na ang utak ko. Gusto ko nang matulog.

Naabutan ko si Mama na nagwawalis. "Ma, tutulog po ako ha."

Nilapitan niya ako at hinawi ang buhok ko. Tumitig lamang ako sa kaniya. Na miss ko tuloy ang lagi niyang pag baby sa akin. Mahal na mahal niya ako, ganun din naman ako sa kanila ni Papa kaya nga ako nag-aaral ng mabuti. Gusto kong ibalik ang mga naging sakripisyo at hirap nila sa akin.

"I love you Sapphire. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko."

I smiled. Alam ko naman eh. Lagi niyang sinasabi sa akin iyan, siguro para hindi ko makalimutan.

"I love you too Mama."

"Sige na. Pagod ka. Matulog ka na muna para makapag review ka ulit mamaya. May exam ka pa bukas diba?"

I kiss her cheeks first before I go upstairs. Nagbihis lamang ako at natulog na.

Nagising ako sa alarm ko. 7 pm na. Kumain lamang ako bago ulit nag review. Tiningnan ko ang cellphone ko dahil hindi ako nakapag text kay Zane kanina. Nagulat ako nang makitang marami siyang message.

Zane:
You home?

Zane:
Text me when you're home.

Zane:
How's your exam?

Zane:
Baby?

Zane:
Nakauwi na ako.

Zane:
I want to sleep but you're not replying. I'm worried.

Zane:
Sapph.

I bit my lower lip. Yari! Sabi ko nga pala magte text ako sa kaniya kung nakauwi na ako. Hindi kasi kami sabay umuwi kaya gusto niyang ma inform siya. Para di siya mag-alala, nangako akong magte text ako. I immediately call Zane.

"Baby?" Bungad niya.

Sanay na ako na tinatawag niya akong 'baby'. Di ko na tinanong sa kaniya. Hinayaan ko na lamang siya. Pabor din naman sa akin yun. Kinikilig pa nga ako sa tuwing tinatawag na ako ng ganun. I smiled inwardly.

"Zane, sorry. Ngayon ko lang nabasa yung message mo. Kanina pa ako nakauwi. Kaso pagod na pagod ako kaya natulog agad ako. Actually, kagigising ko lang."

He sigh. "Okay, I understand. I'm just worried. Akala ko hindi ka pa nakakauwi."

"Uhm, nakatulog ka ba? Sorry, pinag-alala pa kita."

"I didn't sleep. I'm waiting for your text."

Napapikit naman ako. Na guilty tuloy ako. Ayan, Sapphire nangangako ka di mo naman natupad.

"Sorry talaga."

"It's alright. Stop saying sorry okay? It's my choice."

Narinig kong humikab siya.

"Zane, nagreview ka na ba?"

"Yeah, kanina pa."

"Okay. Matulog ka na. You need that. Goodnight Zane."

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon