"Do you have a phone?" She asked after a minute of silence.
Kanina pa kami na biyahe at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi niya rin sinasagot ang mga tanong ko. Sa tingin ko naman, nasa Manila pa rin kami. Pwede ring wala na dahil hindi naman ako pamilyar sa mga nadadaanan namin."Yeah."
Inilahad niya ang palad niya sakin na parang may hinihingi. "Give it to me."
Hindi ako nagtanong at kinuha ang cellphone ko sa bag. Hindi ko na alam kung may mensahe ba doon dahil patay pa rin yun hanggang ngayon. Iniabot ko yun sa kaniya at laking gulat ko ng itapon niya yun sa labas.
"What the? Bakit mo ginawa yun?!" Tumingin ako sa labas at tinanaw pa ang kawawa kong cellphone.
"You don't need it." She replied without looking at me.
Huh! Paano niya nasasabi yun na parang wala lang? Sinira niya ang cellphone ko!!
"Alam mo ba kung gaano yun kahalaga lalo na sa pag-aaral ko?" I now raise my voice on her.
She shook her head. "I don't know. Hindi na kasi ako nag-aaral."
Napasapo ako sa noo ko. Bakit ba siya pa ang nakasama ko?
May naalala ako kung kaya't humarap ako sa kaniya. "Wait. Kasamahan mo ba si Clark?"
"Yeah."
Okay? Tipid sumagot. Wala rin akong mapapala sa kaniya. Kagaya siya ni Clark at sigurado akong hindi rin siya sasagot sa mga tanong ko. Baka sagutin niya rin ako ng 'I can't tell you that'.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating kami sa isang lumang bahay. Kaninong bahay kaya ito? Sa kaniya?
Nauna siyang pumasok ngunit nanatili ako sa labas. Naalala ko ang bahay namin. Hindi ko gustong umalis doon. Nais ko sanang naroon ako kapag bumalik na si Mama at Papa. Ngayon naman, wala na akong cellphone. Paano ko mako-contact si Clarissa? Siguradong nag-aalala na sakin yun. Ni hindi ko manlang siya natawagan o na text na ayos lang ako.
Muling lumabas si Avery at tumingin sakin. "Miss, hindi ka ba papasok?"
I smile a bit and decided to follow her.
Pumasok ako sa bahay at nanlaki ang mata ko sa mga nakikita ko. Geez! Paanong napakaganda ng bahay na ito sa loob? Para akong nasa hotel. Pwede pala yun? Pangit sa labas at maganda sa loob? Pinagmukha niyang haunted house ang bahay niya para siguro hindi magka interes ang mga tao. May chandelier pa at mga mamahaling painting. Laglag ang panga ko sa lahat ng nakikita ko. Ang galing! For sure, everything here costs a lot.
"Bahay mo lang 'to?" I exclaimed.
She smirked. "Of course not. This is what we called a hide out."
I frown. "Hide out? Ano ba kayo? Gangsters?"
She chuckled and just continue to walk. I follow her until we arrive at one specific room. There, we found five guys and a girl inside the room. They are having a serious talk. One guy is sitting on the floor and the girl is behind him, combing his hair. The rest are just sitting comfortably on the chairs.
"Guys!" Avery called on them.
All of them shifted their gaze at us and they immediately stand to bow.
I frown. I hate them bowing before me.
"Stop it." I muttered but they stay that way. Ano ba 'tong pinasok ko?
Seconds after, umayos na rin sila ng tayo. Bumalik sila sa pwesto nila kanina ngunit nasa amin na ang paningin nila. O sakin? Hindi na nila naituloy ang kung anumang pinag-uusapan nila kanina.

BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...