Kabanata 15

8 0 0
                                    

Nanatili kaming nagtititigan ni Zane. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Ayos lang sakin kung ayaw niyang maging alalay ko. Gusto ko lang naman siyang pagtripan dahil sa mga pang-aasar niya sakin. Wala din naman akong gagawing masama sa kaniya. Tingin ba niya aalipinin ko talaga siya?

"Alright, for now I'm a slave to my Queen." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

Tumayo ako ng tuwid. "Sige na, ihatid mo na ako sa klase ko, aking alalay." I smirk at him.

Yumukod siya. "Kung ito ang hiling ng aking Reyna." I laugh at our situation. Para kaming sira.

"Zane, maipapasa niyo na ba yung research paper niyo? You promised me yesterday that we'll go to the hill today." I said.

Gusto ko talagang pumunta muli doon. I love nature and appreciating it's beauty is my hobby. Ang dami kasi nilang pagkakapereho sa ating mga tao. Hindi man sila kagaya natin na may utak, may mga problema din sila kagaya natin na kinakaharap. Ang kahanga-hanga pa roon, they conquer their battles. That's why, we don't have to lose hope in our lives, time will come and we'll conquer it all too.

"Opo, Mahal na Reyna." Sagot niya.

I tap his back. "Good job, my slave. Come here and I'll give you your reward." Yumuko naman siya. Tiningnan ko muna ang paligid. Nang mapansing walang tao, I peck his lips quickly.

I smile at him and pinch his nose. "Tara na!"

Inakbayan niya ako bigla. "Parang gusto ko na lang gumawa lagi ng mabuti."

I laugh at him. Sabay kaming naglalakad hanggang makasalubong namin si Jasper. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero pansin kong may namumuong tensyon. Mabilis kong hinila si Zane sa daan patungo sa classroom at tipid akong ngumiti kay Jasper. Ayoko namang maging bastos kahit pa hindi ko gusto ang presensya niya.

"So, see you later?" Sabi ko matapos ang saglit na katahimikan. Naninimbang ako sa reaksyon ni Zane dahil parang galit siya.

Bumuntong hininga siya. "I'm sorry 'bout that baby. Yeah, see you later. Three hours lang ang klase ko ngayon kaya hintayin nalang kita sa cafeteria?"

Gusto ko tanungin kung bakit ganun nalang silang magtinginan ni Jasper. Girlfriend niya lang ako at ayokong manghimasok. Aantayin ko nalang siguro ang oras na handa siyang magkwento tungkol sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong pinagmulan ng galit nila sa isa't isa pero sana maayos pa nila.

Tumango ako. "Okay."

He kissed my forehead before he walks away. Tiningnan ko lang ang ang boyfriend ko na naglalakad papalayo hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Bakit hanggang ngayon, misteryo pa rin sakin si Zane? Matagal na kaming magkakilala pero ako ang laging nag o-open up sa kanya. Dapat siguro magtanong ako kay Zane nang sa gayon maintindihan ko siya gaya ng pag-intindi niya sakin.

Pumasok na ako sa room at nagsimula akong magbasa basa. Wala pa ang Professor at sana hindi na sila pumasok. Huling araw na ito bago ang Christmas break at sana maging mabait sila kahit ngayong araw lang. Sa kasamaang palad, hindi sila mabait.

"Kainis! Talagang bibigyan pa rin tayo ng gawain sa Christmas break? Dapat nagsasaya na tayo at nagpapahinga! Mga walang awa! Hayysss." Sunod sunod na banggit ni Clarissa.

Sumimangot ako. Wow! For the first time, I agree on Clari's opinion. Pahirap talaga ang mga professor. Siguro, marami rin silang gagawin at hindi sila papayag na sila lang ang maghihirap kaya idinadamay nila kaming mga inosente. Pagawa sila nang pagawa ng mga requirements kahit minsan wala namang connection sa topic. So unfair!

Naabutan naming magkatabi si Zane at Alice sa isang table. Tahimik lang silang dalawa. Tumayo si Zane nang matanaw ako at nilapitan ako. Kinuha niya ang bag ko at siya na rin ang nagdala.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon