"How's the food?"
Narito kami sa sa isang Spanish Restaurant na gustong kainan ni Zane. Sabi niya, marami raw ang nagsasabi na masarap ang foods dito pero kailanman, hindi siya nagtangkang pumasok. Naalala niya lang ngayon dahil daw kasama niya ako at gusto niyang sabay kaming mag try.
Hindi ako sumagot at tumitig lamang sa kaniya. He blinked twice. "You don't like it? Maybe we can go to another restaurant. Pumunta nalang tayo sa gusto mo." Natataranta niyang sabi.
"Really?"
Mabilis siyang tumango. "Yeah. We just came here because I insist. But if it's not really your taste, let's go to what you prefer."
I chuckled. "I'm just kidding. I like the foods."
Nanliit ang mata niya. "Eh? Baka sinasabi mo lang yan para hindi ako mag-alala?"
"Of course not. Masarap talaga. Niloloko lang kita. I want to see your reaction." I smirked at him and continue to eat.
Mukhang bumaliktad ang mundo. Si Zane na ngayon ang kaya kong utu-utuin. Pero minsan lang yun mangyari. Madalas, naiisahan niya pa rin ako. Masyado kasi siyang concern sa akin. Gusto niyang laging maganda ang nakikita ko sa kaniya. Parang nakalimutan niya na nakita ko na ang bad side niya. Kahit naman anong ipakita niya sakin, hindi na mababago ang nararamdaman ko sa kaniya.
"Aba! Nagaling ka na ha. Naisahan mo ako roon." Amusement is evident in his eyes.
I scoffed. "Kinakalawang ka na kasi."
Nang matapos kaming kumain, nagpasya kaming bumalik na sa hotel. Sapat na ang oras namin para saglit na makalimutan ang mga problema. At ngayon, haharapin na namin muli iyon ng magkasama.
"Are you okay?" He asked.
Napansin niya siguro ang seryoso kong mukha.
I smile and nodded. "You're here. So I'm okay."
Saglit kaming nagngitian bago niya buksan ang pinto ng office. Nadatnan namin ang lahat na nakaupo at nagtatawanan.
"Oh come on, ikaw kaya ang babaero sating lahat!" Skyler said.
"Ano? Hoy! Bakit ako ang pinatutulungan niyo? Si Rob din naman. Mas matindi pa nga yan." Jason exclaimed that makes everybody laugh.
Rob winced. "Bobo! Ikaw kaya! Sakin mo pa ibibintang ang mga gawain mo."
Avery laughed. "You're so yuck, Jason. Iba-iba nalang lagi ang babaeng kasama mo."
"Guys, kalma." Tumayo siya sa gitna. "Alam kong naiinggit lang kayo sa kagwapuhan ko. Kayong mga siraulo kayo." Turo niya sa boys. "Inggit lang kayo dahil ako ang pinaka habulin dito. Kung gusto niyo, bibigyan ko kayo ng tig-iisa."
Napapangiwi nalang ako sa mga sinasabi ni Jason. Haysss, tatlong taon na ang nakakalipas pero ganiyan pa rin siya.
"Mali ka, bobo! Si Zane kaya ang pinaka habulin dito."
Agad lumipat ang paningin ko sa katabi ko na nagulat din sa biglang pagkabanggit ng pangalan niya.
I glare at him. "Habulin pala?" Mahina kong sabi dahil hindi pa nila kami napapansin dito sa gilid.
Nanlaki ang mata niya. "Baby, wala akong alam. They're lying."
Lying huh?
Jade and Aver laugh. "Tama. Sa dami ng babae na laging umaaligid kay Zane, wala ka pa sa kalingkingan niya."
Bakit ba ako naniwala agad na walang babae ang lalaking ito noong nakaraang tatlong taon? Imposible na wala siyang babae. Walang naging girlfriend? Eh ano ang mga babaeng tinutukoy nila? Kaibigan? Huh! Nakakatawa!

BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...