Lumaki ako ng sumusunod sa utos. Minsan pa, hindi na ako nagtatanong kung anong nangyayari. Ganun ako pinalaki ni Mama at Papa. Ang sumunod ng walang sinasabi ngunit hindi sa pagkakataong ito. Kahit magalit siya sakin, uuwi ako sa bahay ngayon.
Buhay ang nakataya dahil maraming tao sa mansion. I'm also sure that Dad's there. Sa ngayon, wala akong ideya kung sino ang nakapaglagay ng ganun karaming bomba. At paano? Imposibleng si Jamina dahil the whole time na nasa bahay siya, wala siyang malay. Unless gising talaga siya the whole time. Pero imposible rin dahil si Dad ang nakabantay sa kaniya. Should it be someone inside the house? Who? Are there spies inside the mansion?
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan at walang pang limang minuto ay nakarating na ako. Ilang mga sasakyan ang umaalis sakay ang mga tauhan sa mansion. Naroon ang sasakyan ni Zane pati na rin ng ibang miyembro. Bumaba ako ng sasakyan ang hinanap si Daddy.
"Dad?" I yell. "Daddy!"
"Miss Sapphire! Hindi na po dapat kayo umuwi." Sabi ng butler ni Daddy.
Hinawakan ko ang balikat niya. "Nasaan ang Daddy?"
"Nakaalis na po siya. Dinala silang lahat sa hotel niyo. Sumama na po kayo sakin. Delikado sa ngayon ang lugar na ito para sa inyo. Hayaan na natin ang iba na umayos ng kaguluhang ito."
Umiling ako. "Hindi ako aalis rito. Sige na, puntahan mo si Dad at huwag mo siyang iiwan."
Yumuko siya. "Pasensya na Miss. Hindi dapat kitang iwan dito." Hinawakan niya ako at pilit na dinala sa sasakyan.
Anong hindi niya naintindihan sa sinabi ko? I told him that I would stay here. My team is here and I wouldn't left them behind.
I push him away. "I will not go with you. Umalis ka na habang pinipigilan ko ang sarili ko na saktan ka. Huwag mong sasabihin kay Dad na narito ako. Sundin mo ang utos ko kung ayaw mong kitilin kita ngayon mismo."
He gulped. "Masusunod po Miss. Mag-iingat ka po."
Tinanaw ko ang mga sasakyan na nauubos na. Natira na lamang ang sasakyan ko, sasakyan ni Zane, at dalawa pa. Agad akong pumasok sa mansion nang masigurong wala nang natirang empleyado. Mamaya ko na iisipin kung paano nagkaroon ng bomba sa buong bahay, ang mahalaga ay agad naming ma deactivate ang lahat ng iyon.
Una kong nakita si Jade na may kausap sa cellphone. "Magpadala kayo agad. Please."
"Jade," tawag ko nang matapos niyang ibaba ang tawag.
"Miss!" Nanlaki ang mata niya. "Hindi ka dapat narito Miss. Umalis na po kayo."
"Hindi. Lalo lang akong mangangamba sa inyong lahat kung lalayo ako. Hindi ako matatahimik. Mas gugustuhin kong narito ako para makatulong."
She sigh. "Delikado ang buhay niyo rito. Nasa dalawampu ang lahat ng bomba sa buong bahay. Hindi pa yun ang lahat at patuloy pa rin kaming naghahanap. Sa ngayon, katatawag ko lang sa agency na maaaring tumulong satin ngunit baka hindi pa sila dumating sa oras. Less than an hour nalang ang natitira at tatlo lamang sa atin ang marunong mag deactivate ng bomba. Si Zane, Skyler, at Clark lamang."
Anong dapat naming gawin kung ganun? Maski ako ay hindi marunong. Matagal mag deactivate ng bomba, depende yun sa uri ng bomba at sa dami nun, baka hindi namin kayanin.
Umakyat ako sa second floor, nakita ko roon ang ibang members na nag-uusap. "What can I do to help?"
Sabay sabay silang lumingon at gulat ang bumalatay sa mga mukha nila. "Sapphire! Why are you here?" Avery exclaimed.
"I want to help."
Lumapit si Clark at hinila ako pababa pero nagmatigas ako. "I said I want to help!"
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomansaSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...