Kabanata 26

2 0 0
                                    

Nagising ako na nakahiga sa kama ng mga magulang ko. Sa sobrang pagod siguro ay dito na ako nakatulog. Ngunit hindi ako nagising dahil sa gabi na, kundi dahil sa may nararamdaman akong kakaiba.

"Please. Just think of this. Mamayang gabi, susunduin kita."

Agad akong bumalik sa kwarto ko upang magbihis ng damit. Kumuha rin ako ng maliit na bag pack at naglagay ng mga importanteng gamit. Bumalik ako sa kwarto nina Mama at ni-lock ang pinto. Binuksan ko ang bintana at dahan dahang lumabas. Ang dadatnan ko sa labas nitong bintana ay ang backyard. May isang sirang parte ng bakod doon kaya roon ko napiling dumaan palabas. Sigurado akong sa mga oras na ito, nag-aantay na sakin si Clark. Nang makalabas, tumakbo ako at sumilip sa harap bahay. Kitang kita ko ang ilang lalaki na umaakyat sa gate. Naka purong itim at naka mask rin sila.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang pagdating nila. Basta nalang may nag-utos sa isip ko na kailangan kong umalis. Kailangan kong mabuhay. Yun lamang ang hiling ng mga magulang ko. Kahit gaano ko pa gustong makasama sila, kailangan kong harapin ang bagong buhay ko.

Luminga linga ako at naglakad sa kabilang parte. Normal lamang akong naglalakad nang sa gayon ay hindi ako mapaghinalaan. I was startled when someone grab my wrist. He cover my mouth to stop me from screaming.

"Mmpphh!"

My back hits the wall and I look at the man who made me scared.

"Shhh..."

Tinapik ko ang kamay niya at itinulak siya. "Tinakot mo 'ko." I whispered at him.

"I'm sorry. It's just that someone's coming this way. Let's go. We need to leave quickly."

Hinila niya ako patungo sa isang madilim na eskinita. Binuksan niya ang pinto ng isang kotse kaya pumasok na lamang ako ng hindi nagtatanong. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari. I pray that no one will see us.

"We need to be fast. At this time, I'm certain that they already know that you are not inside that house. And a minute or two, they will search for you around this place." Pagkatapos niyang sabihin iyon, mabilis na humarurot ang sasakyan namin.

Shit! Ang bilis!

"Dahan-dahan naman!" I told him.

Hindi siya kumibo at ipinagpatuloy niya ang pag drive ng mabilis. Pakiramdam ko bumabaliktad ang sikmura ko. Nakakahilo ang byahe na 'to. Ngayon lang ako nakasakay sa ganito kabilis na sasakyan. Hindi na ako muling sasama kay Clark pagkatapos nito! Ayoko na!

Suddenly, I heard a gunshot. It hit our car reason why I yell.

"Yuko!" Sigaw ni Clark sakin.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko. Natatakot ako at pinagpapawisan na ako. Parang kanina lang handa na akong mamatay tapos ngayon natatakot ako? Nakakatawa ka Sapphire.
I tightly close my eyes and duck. I cover my head and bit my lower lip. Lord help us! Please!

Humawak ako ng mahigpit sa upuan ng maramdaman ang mas lalong pagbilis ng takbo ni Clark. Kinabig niya ito pakaliwa at kakabigin niya ulit pakanan at hindi na ako makaupo ng maayos. Kita ko namang nahihirapan si Clark sa sitwasyon namin. Sa ngayon, kunot na kunot na ang noo niya. Mukhang naging pabigat pa ako sa kaniya.

Bumunot siya ng baril at lumingon sa likod upang bumaril. Hindi ko nakikita ang mga sasakyang nakasunod samin kaya hindi ko alam kung may tinamaan ba. Kinakabahan ako dahil baka habang hindi siya nakatingin sa harap ay bigla kaming mabangga. Baka yun pa ang maging dahilan ng pagkamatay naming dalawa.

"Sapphire, get my phone and call Alice."

Agad kong sinunod ang gusto niya. Hinanap ko sa cellphone niya ang pangalan ni Alice at tinawagan yun.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon