Kabanata 42

2 0 0
                                        

Hindi ko alam kung gaano ako katagal tulog pero naramdaman ko na lang na may humahaplos sa buhok ko. Hindi ako nagmulat dahil antok na antok pa ako. Ang bigat bigat ng katawan ko.

"Baby..."

Sa kabila ng masakit kong ulo, nagmulat ako ng mata. Tumambad sakin ang gwapong mukha ni Zane. Kung lalaki lang ako, matagal na akong nainggit sa mukhang iyan. Paanong ang isang tao ay pwedeng maging ganiyan ka gwapo? Para siyang diyos sa mga libro. Yung mga bumababa lang sa lupa dahil sa misyon. Ang pagkakaiba lang, may nagmamay-ari na sa diyos na ito.

He chuckled. "You're staring too much. Mind sharing your thoughts?"

I slowly smile. "Baby, bakit ang gwapo mo?"

"Come on, nasagot ko na yan." Umiling iling siya at natatawa pa.
"Ihhh parang out-of-this-world kasi ang kagwapuhan mo. You always stand out cause you're tall and handsome. Feeling ko nga makikipag-away na ako once may lumandi sayo."

"Don't. Huwag mo silang aawayin. Kawawa naman sila." Sabi niya na may tonong naaawa.

What?

Mabilis akong bumangon. "The heck? Sila pa ang kakampihan mo? Sila ang kawawa?"

"Of course." Hinagip niya ang kamay ko saka yun pinaglaruan. "This hands are strong. Ang sakit mo kaya manuntok. Kung aawayin mo sila baka sa ospital ang bagsak nila. Nakakaawa naman ang mundo kung mababawasan ng magaganda. Hayaan mo na lang sila, hmm?"

Natawa ako sa rason niya. Parang sira.

Naalala ko bigla si Justin sa sinabi niya. Siya kasi ang laging nagsasabi na para akong lalaki sa sakit ng suntok ko. Hayss, nakakamiss rin ang batang iyon.

"By the way, Zane, andyan na ba sila?" Tumayo na ako pero saglit akong napakapit kay Zane dahil kumirot ang ulo ko.

"Sapph, what is it? Anong masakit?"

I sigh. "My head. Kumikirot."

Anong problema ng ulo ko? Dulot ba 'to ng puyat at pagod?
"Should we postpone the meeting?"

I shook my head. "We shouldn't delay this. Dad is in danger so we need to move quickly." Humarap ako sa kaniya. "Wait, have you heard from Tito Gilbert? How's Black?"

"He's fine. Don't worry about him."

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Hindi ko na gustong may mamatay sa mga kamay ko.

Inakbayan niya ako bigla. "Let's go."

Pagdating sa living room, nakakapanibago na tahimik ang lahat. Lahat sila ay nag-aalala kay Daddy. Nakayuko lang ang ulo ng ibang lalaki at ang iba ay nakapikit. Nakapangalumbaba naman si Avery at Jade at wari'y nag-iisip.

"Tss. Anong itsura yan?" Sabi ko dahilan para mag-angat sila ng tingin.

"Miss Aphro!"

"Miss..."

I sigh then smile. "Call me Sapphire."

Sabay sabay nagtaka ang mga mata nila pero hindi na ako nag-abalang magpaliwanag. Naupo kami ni Zane at mabilis kong kinuwento sa kanila ang nangyari kani-kanina lamang. Kita ko ang pag-aalala ni Avery lalo na at alam niya ang galit ko kay Black. Sinabi rin ni Zane na ayos lamang siya. Matapos ng ilang tanungan, dumiretso na kami sa plano.

"Alam na namin ang hideout Miss."

Nag-usap usap kami tungkol sa plano. Hinayaan ko silang magbigay ng idea. Na realize ko na isang team kami kaya hindi dapat sakin magmumula ang bawat utos. Dapat lang na pakinggan ko ang suggestion nila dahil maaaring may naiisip sila na hindi ko naiisip. Mali rin na isipin nilang ako lagi ang tama. Madalas silang sumunod sakin nang hindi manlang nagtatanong dahil lang sa isipin na ako ang susunod sa posisyon ng Master.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon