"Huy! Bakit nakatulala ka diyan?" napakurap ako dahil sa lakas ng boses ni Clarissa.
Nakilala ko siya noong unang araw nang klase. Magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi siya mayaman at hindi rin mahirap. Maputi si Clarissa, matangkad rin siya ngunit mataas ako ng kaunti. Maganda siya, maamo ang mukha at hindi mo maiisip na ganyan siya kaingay.
Ikatlong araw na ng klase at ayos na sa akin na isa lang ang kaibigan na meron ako. Matagal ko nang gustong magkaroon ng isa, at masaya ako na si Clarissa iyon.
Tungkol naman kay Zane? Engineering ang course na kinukuha niya at may kalayuan ang building nila mula sa amin. Araw-araw naman kaming nagkikita sa cafeteria dahil pareho kami ng oras ng break time pero lagi akong naiilang sa tuwing tumitingin ang mga tao sa amin. Feeling ko tuloy, hindi tama na sumabay ako ng pagkain sa kanila ng mga kaibigan niya.
Bumuntong hininga lamang ako.
"Iniisip mo na naman ba yung sila Amanda? Napaka bully talaga ng mga iyon. If I know naiinggit lang ang mga iyon sayo dahil nakuha mo ang atensyon ng isang Jasper Lacosta at kakaiba ang tayo sayo ni Papa Zane Cartel! Hmp! Mga inggitera."
Tama, nagkaroon nga ako ng kaibigan, pero nagkaroon din ako ng kaaway. Di ko naman ginusto na may magalit sa akin. Ang hiniling ko lang ay kaibigan at hindi kaaway. I never encounter people like that that's why I don't know how to deal with it.
I purse my lips. "Hayaan nalang natin sila"
"Hayaan? Anong hayaan? Mga brat ang mga yun. Porke't mayaman, napaka mapagmataas. Bakit hindi mo sabihin kay Papa Zane?" dinulatan pa ako.
Nandito kami sa room. May thirty minutes break kami pero nagdala ako ng pagkain para hindi na bumaba. Hinatian ko si Clarissa dahil tinatamad din daw siyang bumaba. Ayokong maging topic na naman ng usapan sa cafeteria dahil siguradong naroon si Zane.
Sumimangot ako sa sinabi niya.
Anong Papa Zane?
"Ikaw, kanina ka pa tawag nang tawag ng Papa Zane ha. Tatay mo ba siya?" I raise an eyebrow at her.
Kaloka ang mga estudyante dito. Papa nang Papa, anak ba sila ni Zane? Tss.
"Tss, ginagamit kasi yun as an expression na gwapo talaga siya." Umirap pa si Clarissa.
Di na ako sumagot at tumingin na lamang sa bintana.
Minutes had passed, kinalabit na naman ako ni Clarissa. Hindi ko siya pinansin at nangalumbaba pa ako. Kahit ilang araw palang kaming nagkakasama ni Clarissa, alam kong hindi iyan nakakatiis nang hindi siya mag-iingay.
"Huy! Sapphire Andrea nandito si Papa." kinakalabit pa rin niya ako.
I frown.
Papa? Anong pake ko kung nandito ang Papa niya? Sira talaga ito si Clarissa.
"Papa mo? Edi puntahan mo. I don't care. Come on, give me peace Clarissa" I close my eyes. Nakakapagod pala ang kadaldalan niyo ni Clarissa. Hindi na talaga tatahimik ang mundo ko.
"Why didn't you go out?" someone whisper in my ears.
Napaigtad ako dahil may kiliti ako sa tenga. Lumingon ako at nakita si Zane na nanliliit ang mga mata sa akin.
Nanlaki ang mata ko. "H-how did you know my room?"
He smirk at me. "I have my ways baby."
Ito na naman siya sa baby niya.
"Let's go." kinuha niya ang kamay ko at hinila palabas ng room.
"Teka, saan mo ako dadalhin?"
Hindi niya ako pinansin at dire-diretso lang ng paglalakad. Parang nakakaladkad na tuloy ako. Lumingon ako kay Clarissa para humingi ng tulong. Pero ang loka, nakangisi lang.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomansaSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...