Na estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Nakatitig lamang ako kay Yap na nakatungo at nanginginib ang labi. Hindi ko inaasahan na yun ang sasabihin niya. Akala ko, makakarinig ako ng pangalan na hindi pamilyar sakin. Bakit ang lahat ng tao ay tila konektado sakin?
Pumikit ako saglit saka ko kinuwelyuhan si Yap. "Hindi ko kailangan ng apelyedo. Maraming Lacosta sa mundo. Sino? Sino?!"
"Ang mga L-lacosta." Tumingin siya at puno ng takot ang mata niya. "Kilala sila sa mundo ng business. Mayaman at kinatatakutan si Armando Lacosta."
"Hindi lang isa ang sinusunod niyo..." I glared at him. "Sino pa?"
"A-ang mga anak niya."
Jasper and Amanda?
They are family of shits.
Tumayo ako ng maayos. Tumingin ako sa team ko. "Ash, Rob, Clark, and Daniel sumama kayo kay Vega. Dadalhin niyo ang pamilyang ito sa vacation house ko. Sa oras na lumabas sila sa bahay na 'to, maaaring may naghihintay nang bala sa kanila. Protektahan niyo sila."
"Masusunod Miss." Pagyuko nila.
"Avery and Jade, simula ngayon sundan niyo ang magkapatid na Jasper at Amanda."
"Yes Miss."
Lumabas ako ng bahay at inilibot ang paningin ko sa paligid. Tahimik. Walang panganib, sa ngayon. Bumalik ako at tinawag si Skyler at Jason.
"Kayong dalawa ang maiiwan sa lugar na ito. Hindi ako sigurado kung walang nagmamatyag satin. Kayo na ang bahala sa mga taong mahuhuli niyo."
Naunang umalis sina Ash. Nang masigurong walang problema, isa isa na rin kaming umalis maliban kay Skyler at Jason. Bumalik ako sa bahay at natagpuan si Daddy sa sala.
"Dad," I smile and embrace him.
"Sapphire, maaari ba tayong mag-usap?"
Seryoso siya at wari'y may bumabagabag sa isip niya. Wala akong ideya sa gusto niyang pag-usapan dahil hindi naman ito madalas nangyayari.
Naupo ako sa harap niya. May dumating na kasambahay upang magbigay ng inumin. "Thank you."
"Dad," tumitig ako sa kaniya. "Is there something wrong?"
"Sweety..."
Pinilit kong ngumiti kahit kinakabahan talaga ako sa sasabihin niya. "What is it Dad?"
"Jamina went here. She said that you're saying that she's a liar." Kumunot ang noo niya. "What's going on between you two? Why did you said such words to her? She's hurt."
She's hurt? Huh! What a two-faced...
I'm actually planning to tell Dad about Jamina. Not to bad-mouth her but to enlighten my father. But because of sudden happenings these fast days, nawala yun sa isip ko. Hindi ko naisip na uunahan niya akong magsalita. Na magmamalinis pa rin siya sa mata ng tatay ko.
Tatay ko. Hindi na siya kasama simula ng magsalita siya ng hindi maganda tungkol kay Dad.
"Dad, what exactly did she tell you?"
"That you're suspecting her as one of the enemy. Sweety, why would you say something like that? I thought you're good with each other?"
I sigh. "Dad, listen." Inabot ko ang kamay niya at hinaplos. "I didn't say it. I was just asking her things but I didn't know that she will be anxious. I'm sorry."
There's no point on explaining my side. I guess he wouldn't believe me. Nauna nang nagsalita si Jamina laban sakin. Based on Dad's reaction, he hate the idea that we're hurting each other. Dito ako mahihirapan. Paano ko makukumbinsi ang sarili kong ama gayong malaki rin ang tiwala niya sa taong tinuring niya talagang anak? Mas matagal silang magkasama kaysa sakin. Anong laban ko?
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...