Kabanata 18

6 0 0
                                        

Ngayon, naintindihan ko na ang mga taong nasasaktan. Hindi ko alam ang pakiramdam nila kaya hindi ko maseryoso ang nararamdaman ng mga taong nawawasak ang puso dahil sa pag-ibig. Ang galing mo Zane, ikaw lang ang natatanging tao na nakapagdadala sakin nito.

Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha. Hindi sila nauubos. Lumabas ako sa veranda ng kwarto ko at hinayaan ang sarili kong mabasa. Hinayaan kong humalo ang mga luha ng sakit sa bumubuhos na ulan.

All this time, niloloko ako ni Zane? Kung ganun, sino ang nauna? Ako ba? O siya? Maybe before he court me or before he came into my life again, he already have Jamina. Images flashed into my mind thinking that they are together in one room. Until now, my mind's not accepting the idea. Pakiramdam ko nananaginip lang ako.

Kumawala ang hikbi mula sa aking bibig at hindi ko na napigilan ang humagulgol. The whole time na nasa New York siya, kasama niya ang girlfriend niya. Nagsinungaling siya na kasama niya ang kaibigan at mga pinsan niya. Kahit ba ang mga magulang niya ay niloloko niya? Hindi ba't ang alam ni Tito at Tita ay kami? Nagpapanggap lang ba si Zane na gustong gusto niya akong makasama at ayaw niya doon? Pero bakit nakita ko sa mga mata niya ang sinseridad?

Gusto kong magalit ngunit nangingibabaw ang sakit. Ang gusto ko lang ay makausap si Zane ngunit nagkamali ako, iba ang bumungad sakin. Should I be thankful that the girl was the one who answered the phone? In that way, I knew what he's been doing all along, right?

Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito sa labas. Nakatitig sa kalangitan, nagbabakasakaling makakita ng bituin na magiging dahilan ng pag-asa ko sa pagmamahal ni Zane. Naniniwala ako kay Zane. Sa kabila ng nararamdaman ng puso ko, naniniwala pa rin akong hindi niya ako sasaktan.

May dahilan siya. Baka pagkakamali lamang ito. Hindi yun totoo. May pinagkakaabalahan siya kaya hindi siya makasagot sa tawag ko.

Muling tumulo ang luha ko dahil sa mga salitang pinaniniwala ko sa sarili ko. Maaaring mali ako. Baka sumobra na ang tiwala ko kay Zane na niloloko niya na pala talaga ako pero nagbubulag-bulagan ako.

Nangatal na ang labi ko at sinisipon na ako bago ko pa mapagdesisyonang magpalit ng damit. Sa muli kong paghiga ay muling pagpatak ng luha. Hindi ba kayo mauubos? Pakiramdam ko, nauubos na ang lakas kong umiyak pero gusto pa rin nilang lumabas. Hindi ko alam kung paano sosolusyonan ang problema namin ngayon. Hihintayin ko ba siya bago tuluyang tapusin ang relasyon namin? O ngayon din ay dapat ko nang tapusin? Ano ang dapat kong gawin? Dahil sa totoo lang, hindi ko alam. Basta nasasaktan ako.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa lamig. Alam kong ang ginawa kong paglabas at pagpapaulan kagabi ay magdudulot ng sakit sakin. Ngunit hindi ko yun pinagsisihan. Mas gusto kong maramdam ang pakiramdam na ito sa katawan ko kaysa lamunin ng sakit sa dibdib ko.

Narinig ko ang pagkatok ni Mama sa kwarto ko. "Sapphire, pupunta tayo ngayon sa mga Lacosta. They invite us to their house."

Kahit mahirap, pinilit kong magsalita. "Hindi po ako sasama Mama." I shouted.

"You sure? Pero maiiwan ka dito."

"I'm fine! I don't want to go."

"May sakit ka ba? Kakaiba ang boses mo."

I just want them to go. I want to sleep. "I'm fine. Totally fine." Sabi ko sa malat na boses.

"Alright, kung masama ang pakiramdam mo, may gamot sa baba."

Muli akong natulog matapos bumaba ni Mama. Hindi ko alam kung anong oras na nang magising ako dahil madilim ang langit. Mukhang uulan muli ng malakas. Hinagip ko ang cellphone ko at muling nalungkot nang walang matanggap na mensahe mula sa kaniya. Nag desisyon akong patayin ang cellphone at itinago ko yun sa drawer.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon