I don't know what to say. I'm speechless. I can't even think right as of this moment. It seems like my mind was snatched from me. Ni hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Dapat bang matuwa ako? O hindi? Hindi ko alam! I'm just overwhelmed. This is just too much for me.
Akala ko, hindi na ako magugulat pa. Akala ko, ang rebelasyon na sinabi ng mga magulang ko ang pinaka magpapagulat sakin ngunit ngayon, nagulat pa rin ako na ang tunay kong tatay ay nakilala ko na pala. Kaya ba ganun na lang kagaan ang loob ko sa kaniya? Kaya ba ang bait bait niya? Alam na ba niya simula una palang na ako na ang anak niya? Kaya ba kinausap niya ako tungkol sa libro?
He smile. "Is that your way on how to call me Daddy?"
I pursed my lips. "I-I'm... I'm s-so... surprised! Shock! I don't know!" I frustratingly said and tears drop from my eyes.
He open his arms. "Come here, sweety. Come, my daughter."
Sa aking lumuluhang mga mata, natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakayakap sa kaniya. Ngayon, may bago na akong pamilya. Hindi ako ulila dahil may Daddy pa ako.
"Daddy..." I whispered while I'm in his chest.
He nodded. "Yes, I'm your Daddy."
Labis ang galak na nararamdaman ng puso ko. Hindi tumitigil ang pagluha ko dahil sa kasiyahan. This is home. Whenever I am, my home will always in the arms of my parents.
"I'm sorry, sweety. Walang nagawa ang Daddy. I'm sorry for the lost of your mother."
I shook my head. Wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Dapat humingi ako ng tulong bago pumunta sa lugar na yun. Hindi dapat ako naniwala na kailangan kong pumunta mag-isa. One more thing, it's because I'm weak. I can do something that night but I am too scared to even lift a finger. I'm weak. That's the truth.
"Wala ka pong kasalanan."
Hinigpitan niya ang yakap sakin at ganun rin ang ginawa ko. Gusto ko na lamang manatili sa mga bisig niya. Pakiramdam ko, nabunutan ako ng sampung tinik. Thank you Lord.
Ilang minuto pa kami sa ganoong posisyon at siya na ang humiwalay. "Let's go, Sapphire. I'll lend you your room."
I smile at him. Inalalayan niya ako palabas at ilang pasikot-sikot pa ang tinahak namin bago makarating sa isa pang kwarto. Hindi kagaya kanina na may mga katabi, nag-iisa naman ito. Sa totoo lang, hindi problema sakin kung malaki o maliit pa ang kwarto ko. Hindi ako lumaki sa marangyang buhay kaya ayos lang sakin kahit saan.
"From now on, this will be your room." Binuksan niya ang pinto at parang panibagong bahay pa ang nakita ko. Wow!
May sarili iyong banyo, may sala set, may part rin kung saan ako pwede kumain, may study table, walk-in closet, veranda, at isang queen size bed. Nilibot ko ang kwarto at mayroong mga appliances na sapat para sakin. Mayroon akong sariling TV at natuwa ako ng makakita ng mataas na shelf. Punung-puno yun libro. Ang iba ay tungkol sa business at ang iba ay novel.
"What do you think, my daughter?"
I look back at him. "This is too much."
He smile sadly and walk until he's infront of me. "Kulang pa yan. Hindi kita nakilala simula ng isilang ka. Wala akong naibigay kahit isa sayo anak. Nararapat lang na ibigay ko ang lahat ng pangangailangan mo. Kung pwede lang, hahayaan kitang mamuhay ng tahimik, kung paano ka pinalaki ng Mama at Papa mo. But I'm not holding people's mind. They do what they want and all I can do is to protect you."
Alam ko namang mamahalin niya ako. Kitang kita ko sa mata niya ang pagmamahal.
Hinawakan ko ang kamay niya at hinila paupo sa sofa. Marami akong tanong sa kaniya. Gusto kong masagot yun bago kami magpatuloy sa ganitong buhay. Gusto kong malaman ang lahat at ito na siguro ang tamang panahon para itanong lahat sa Daddy ko.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomansaSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...