Nauna nang pumasok si Zane sa loob at nakasunod lamang ako sa kaniya. This is my first time going here in their house. Madalas kasi, sila ang pumupunta sa amin. The clean tiles, the curtain, the antique vases, the beautiful paintings, and the interior of the mansion. Masasabing milyon talaga ang halaga nito. Natanaw ko pa ang garden sa may bintana na may magagandang bulaklak. Dumiretso kami sa labas ng bahay kung nasaan ang swimming pool nila na grabe ang lawak. Parang tinatawag ako nung pool nila na maligo pero hindi. Hindi naman ako pumunta dito para maligo.
Haysss pag nabasa ni Zane ang iniisip ko, pagtatawanan ako nun.
Tumayo si Tita nang makita ako. "Sapphire iha! I'm glad you made it! You're so beautiful as ever."
I smiled and kissed her on her cheek. "Happy Birthday Tita. Sorry po, wala akong dalang gift sayo. Hindi ko po alam eh."
She shook her head. "No no. It's alright. I'm fine that you're here with us."
Naupo na kami sa table na nasa gilid ng pool. Nakahilera naman sa isang side ang mga kasambahay. Grabe, ang dami.
Kinulbit ko si Zane sa tabi ko. Pasimple lang kasi nasa harap namin si Tito at Tita.He crouched. "Ilan ang maid niyo? Makapag apply kaya dito. Malaki siguro ang sweldo," bulong ko pa.
Kumunot ang noo niya ngunit nawala rin at napalitan ng ngisi.
Bumulong din siya sakin. "Hindi ka tatanggapin dito.""Huh? Bakit?"
"Hindi ako papayag na pagsilbihan mo kami. You deserve to be served than to serve. Get it?" Tapos kinagat niya ang tenga ko. Di naman masakit pero parang nakakaakit. Aish!Alam kong namumula na ako. Kainis! Umayos na ako ng upo dahil pansin kong tinitingnan na kami ni Tita. May pang-asar na ngiti na siya ngayon.
I just focus my attention to the table. Ang daming pagkain. Nagutom ako bigla. Sure ako, mga magagaling na chef pa ang nagluto nito. Feeling ko tuloy, sa restaurant ako kakain. Nakakapanglaway.
Nagsimula na kaming kumain. Tiningnan ko kung paano kumain si Tita. Mahinhin lang siyang kumakain na parang sinanay siya sa ganun. Yung paraan niya ng pagnguya ay mabagal din. Ganun ba talaga kumain ang mga mayayaman? Tiningnan ko si Tito, classy din. Kailangan ko ba silang gayahin para bumagay ako na kasama sila?
"Just be yourself," nagulat ako ng magsalita si Zane. Patuloy pa rin siyang kumakain. Sinong kausap niya? Tiningnan ko ang magulang niya ngunit nag-uusap na sila ngayon. Kanino niya sinabi yun? Apat lang naman kami dito. Kung hindi sa kanila, edi sa akin?
"Ako ba?" tinuro ko pa ang hintuturo ko sa sarili ko.
He chuckled. "Yes baby. Just be yourself. You don't have to imitate the way they eat. Do it the way you want."
Then, I realized that he really knows me. I didn't say anything about it but then, he knows. He always know. That's why I'm having a hard time to lie to him. Parang mas kilala pa niya ako kaysa sa sarili ko.
I nod happily at him and eat the food the way Sapphire Andrea Mendez eat.
Nagpapaalam na ako ngayon sa parents niya. I really have a good time talking to Tita Juliana. She's so bubbly. She really knows how to socialize to people. Sabagay, they have a business and sa sobrang sikat nun, for sure napapagod na ang panga niya kakangiti at kakakausap sa mga malalaking tao.
Sa kalagitnaan ng pagkain, nagtatanong si Tito sa amin tungkol sa studies. Sumasagot ako ng tama. Hindi nalang ako nagbanggit ng mga personal na bagay pagdating sa school. Paano pag sinabi kong may mga kaaway ako? Aawayin din ba nila si Amanda?
"Tita, uuwi na po ako. Happy Birthday po ulit."
She smiled and then hug me. "Thank you Sapphire. I always want to have a daughter like you, beautiful and intelligent. You know what? I want you to be my daughter. Kaya, kayo nalang ni Zane." She whisper the last sentence.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
Lãng mạnSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...