Sobrang bigat ng lahat sakin. Masakit ang buong katawan ko. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Gusto kong imulat ang mga mata ko ngunit hindi ko magawa. Kahit ang paggalaw ng mga daliri ay hindi ko rin kaya.
Patay na ba ako?
Hindi. Kung patay na ako wala na dapat akong nararamdamang sakit ngayon. Saka hindi ko na dapat naaalala ang lahat ng nangyari. Buhay pa ako pero hindi ko alam kung nasaan na ako. May mga boses akong naririnig pero tila malayo yun sa aking pandinig. Habang tumatagal, nawawala ang mga boses na yun.
"Bilisan mo!"
Huh? Pamilyar ang boses na yun.
Sa isang iglap, luminaw sakin ang lahat. Naramdaman ko ang lahat ng sakit. Ang ulo kong tila pinupukpok, ang saksak sa tagiliran ko, ang sugat sa braso ko, pati na rin ang sa mukha ko. Unti-unti kong narinig ang ingay sa paligid ko. Naramdaman kong nasa isa akong kotse at mabilis iyong umaandar.
"Sapph, baby... Do you hear me? Can you hear me? P-please, open your eyes. Please. Open it for me. Hang in there, okay? We'll bring you to the nearest hospital."
Zane...
Sa kakarampot na lakas na natitira sakin, ginamit ko yun para buksan ang mga mata ko. Sobrang labo ng paningin ko nung una pero unti-unti ko ring naaninag ang taong kandong ako. May luha ang kaniyang mga mata at puno iyon ng takot. Hinahaplos niya ang buhok ko habang ang isa niyang kamay ay nasa tagiliran ko.
Nanlaki ang mata niya ng makitang nakatingin ako sa kaniya. Hindi pa niya alam ang gagawin nung una dahil siguro sa iniisip niyang namamalikmata lamang siya.
"Baby, can you hear me? Don't close your eyes, okay? Just look at me. Malapit na tayo."
I know. I know that you wouldn't let me down.
Nanghihina ang kamay kong hinaplos ang pisngi niya. Inalis ko ang mga luha sa mata niya. I smile despite of my situation right now. "D-don't cry. I will be... fine."
Kahit pilitin kong manatiling mulat, may nagtutulak pa rin sa mga talukap ko para pumikit iyon.
Matutulog lang ako Zane. Babalik ako. Pangako.
"Sapphire? Baby. Come on, stay awake please. Baby, open your eyes..."
When I opened my eyes, I found myself in a bizarre place. A wide open field that compose of different types of pretty flowers. The air whispers and the sun is shining. This place is peaceful. Very far from the world I am living.
Suddenly, a beautiful woman in a white dress appeared right before my eyes.
"Hi." I approached her.
She looked at me and smile. "What are you doing here?"
What? Muli akong lumingon sa paligid at maging ako ay napatanong kung anong ginagawa ko rito.
I wince. "Honestly, I don't know. May I know what this place is?"
Muli siyang ngumiti. Lumapit siya sakin at hinawakan ang balikat ko. "This place is not for you. Go. Come back to where you're from."Napanguso ako sa tinuran niya. Hindi ko nga alam kung bakit ako narito. Nagising nalang ako at nandito na ako. Sino bang nagdala sakin dito? Sumama ba ako kay Dad sa bakasyon? Nasaang bansa ako? At bakit nag-iisa lang ako habang kasama ang magandang babaeng ito?
"But-"
Napatigil ako nang makarinig ako ng tinig.
"Sapphire, wake up."
Sino yun? At anong wake up? Gising naman ako. Mukha ba akong tulog?
"Baby..."
That voice.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomansaSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...