Sa natitira kong lakas, pinilit kong tumakbo. Hinanap ko kung nasaan ang kwarto na pinagtaguan nila kay Dad pero minamalas yata ako dahil ilang lalaki ang nakakasalubong ko. May isa pa na magaling makipaglaban dahilan para mas lalo akong mahirapan.
Hingal na hingal ako nang makarating sa dulong bahagi ng pasilyo. Itong kwarto nalang na ito ang hindi ko pa natitingnan. May padlock yun kaya binaril ko nalang para mabuksan. Gustuhin ko mang hindi gumamit ng baril, dahil mauubos na ang mga bala, wala akong magagawa.
Sa pagpasok ko, natagpuan ng mata ko si Daddy at Jamina sa isang sulok ng kwarto.
"Dad!" Tumakbo ako patungo sa kanila at kinalas ang mga tali sa kamay at paa nila.
"Sapphire, my daughter."
Mukhang ayos lang si Dad pero nanghihina siya. Si Jamina, may mga pasa sa mukha. Napangiwi pa ako dahil mukhang malupit ang sinapit niya. Inalalayan ko sila patayo. "We need to hurry!"
Lumabas kami at nagtungo sa daan palabas. Si Daddy ang nakakaalam ng pasikot-sikot kaya alam niya kung paano aalis. Ang problema, may tama sa binti si Jamina kaya natatagalan kami. We don't have a choice but to hide for the mean time. None of us can make it if we spent our energy fighting.
"Why are you here?" Dad asked.
"Do you expect me to just sit and wait? Of course I will find you. You shouldn't have did that! Hindi ko akalain na ipapain mo ang sarili mo Dad! You should at least inform me of your plan. Mamamatay ako sa pag-aalala!" Pinahid ko ang luhang tumakas sa mata ko. "Please. Don't do that again. Paano kung higit pa rito ang nangyari sayo? Do you think I w-will be okay? Huh?"
This time, kay Jamina na ako tumingin. "Isa ka pa! Sinong kapatid ang matutuwa sa ginawa mo? Kung gusto mong iligtas ang Daddy natin, dapat isinama mo ako. You want to be a hero? Where did it brought you, huh? Just look at yourself. Aish!" Sinabunutan ko ang sarili ko.
"I-I'm sorry." She whispered.
Ilang sandali pa, nawala na ang mga tao. Dahan dahan kaming kumilos patungo sa pinto. Pinauna ko si Dad dahil siya ang umaakay kay Jamina. Ako ang nasa likod para ma protektahan sila sa hindi inaasahang pangyayari.
Nang nasa labas na sila, nakatingin lamang sila sakin at hinihintay ang paglabas ko. "Sweety, come on. We need to hurry, right?"
Tumango ako. "You need to hurry." Then I smiled. "Go. Save yourselves. I would stop them from chasing you."
"What?"
Bago pa sila bumalik, isinara ko na ang pinto. Rinig ko pa ang pagtawag nilang dalawa sa pangalan ko pero tuluyan na akong nakalayo. Nakarating ako sa isang malawak na kwarto. Mayroon iyong mahabang lamesa at may nakapaligid na upuan. This looks like a meeting room.
Naghalungkat ako sa mga cabinet and I'm lucky to find a gun. Mayroon ring ilang granada na inilagay ko sa nakuha kong bag.
I smirked. "It's showtime."Nakarinig ako ng mga yapak kaya nagtago ako sa gilid.
"Nawala ang mga hostage!"
"Ano? Hanapin niyo! Gusto niyo bang mamatay tayo rito?"
"Talagang mamamatay kayo rito." Sabat ko sa usapan nila.
"Bitch!" Bago niya pa maitutok ang baril sakin, nabato ko na siya ng kutsilyo na tumama sa dibdib niya.
Paikot akong sumipa sa isa at binaril ko ang isa pa. Tumba.
Nanakbo ako patungo sa kanan ko, ilang lalaki pa ang pinatumba ko bago ako makarating sa kwarto kung saan ko iniwan si Armando pero wala na siya roon. Sa kalagitnaan ng pagmamasid ko, nabuhay ang security alarm nila. Umingay ang paligid at puro pula na ang makikita.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...