Kabanata 40

2 0 0
                                    

"Sapphire," she called when she stopped infront of me.

"Clarissa, naroon ang inililibing, bakit nandito ka sa harap ko?" I seriously said.

Sa totoo lang, wala na kaming dapat pag-usapan. Ilang araw na ang lumipas mula noong iwan ko siya sa lugar na iyon. Wala na akong pakielam kung ano ang gusto niyang gawin. Handa rin ako kung ngayon niya ako papatayin.

Tumingin muna siya sa paligid bago tumingin sakin. "Ikaw ang ipinunta ko dito."

Woah. I didn't thought that a bestfriend will visit me.

I smirked. "Pwes, hindi ikaw ang ipinunta ko dito. So, move. You're blocking my way."

Nilampasan ko na siya at tumuloy ng paglakad patungo sa kotse. Napatigil lang ako dahil sa sinabi niya.

"How can you be this cold?"

Oh. I'm cold? I thought I'm hot?

"This is me. The Sapphire Dela Fuente that you haven't met. And since you betray me, you finally met her." I answered without looking back at her. "Nice to meet you Clarissa."

"Can't you hear my explanation first? I will tell you everything. Just please, huwag mong itapon ang pagkakaibigan natin." Rinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. Gusto kong lumingon pero ayaw ko rin. Ayokong tumingin dahil siya pa rin ang bestfriend ko. Ang taong isa sa kahinaan ko.

"You should've told me the day I was asking you. I don't need it anymore. At huwag mong isumbat sakin na itinapon ko ang pagkakaibigan natin dahil ikaw ang unang nambalewala."

Dumiretso na ako sa paglakad matapos kong sabihin yun. Narinig ko pa ang tawag niya pero nagbingi-bingihan na ako. Sa lahat ng ka trayduran na naranasan ko, ito ang pinakamasakit. Matapos kong malaman ang totoo, madalas akong umiyak sa gabi. Walang nakapansin ng pugto kong mata dahil sa ipinapahid kong cream. Ayokong dumagdag sa problema ni Dad o ni Zane kapag nalaman nila ang nangyayari samin ni Clari.

Nang nawala ang boses niya, lumingon ako at nakita kong nakatalikod na siya mula sakin. Mayroong siyang kausap mula sa cellphone. Bigla siyang tumakbo matapos ng tawag. May nagtulak sakin na sundan siya pero pinigilan ko ang sarili ko at sumakay na sa sasakyan.

Inihatid ako ni Zane sa bahay. The mansion is unusually quiet. Though I'm used to it being like this but this time, it's odd.

"I have things to do related to the company so I wouldn't be frequently present to the org meetings. Is that alright?" He said as he opened the car's door for me.

"Of course, I understand. Just don't stress yourself too much. Kailangan rin ng katawan natin ng pahinga."

He stared at me. Matapos ang ilang segundo, umangat ang kamay niya patungo sa pisngi ko. "I'm sorry."

"Hmm?" Hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisngi ko nang sa gayon ay mas madama ko ang init ng palad niya. "Why are you sorry?"

"I can't be with you always. I'm supposed to support you but it became the other way around."

I pouted. "Stop it. Ayan ka na naman. Bakit kapag may ginawa akong mabuti, sa halip na magpasalamat ka, humihingi ka pa ng tawad."

He sigh. "I'm sor-"

"Don't. Stop saying sorry. Walang may gusto ng nangyayari." Ngumiti ako sa kaniya. "And remember that I will support you, no matter what."

Sa kahit saang laban, kasama niya ako. Hindi ko siya iiwan.

"Thank you. Thank you baby."

He lean and gave me a peck on my lips. I licked my lips reason why he laughed. Tumawa rin ako hindi dahil natawa ako sa ginawa ko kundi dahil nagawa na niyang tumawa. This is a good start. Sariwa pa ang sakit pero malalampasan niya 'to.

I Am Me When I'm With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon