Hawak ko pa rin ang letter at hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatulala. Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko alam kung sinong makakasagot. Kailangan ko ng tulong, ngunit kanino? Sinong makakatulong sakin sa malaking palaisipan na ito? Saan ako magsisimula?
Aish! I'm just an innocent eighteen year old lady who lives a not so normal life. And now, someone's planning to kill important people in my life. Either my parents, friends, or my boyfriend. What should I do? I don't know where to start.
A name pop in my mind. Yeah, Clark.
Agad akong umalis ng kwarto at lumabas ng bahay. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid, sa pag-asang makikita ko si Clark. Alam kong hindi niya sasagutin ang mga tanong ko pero kailangan kong magbakasakali. I need a hint or anything about what's happening. Sasabog na ang utak ko dahil dito.
"Looking for me?" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Lumingon ako at nakita ang taong hinahanap ko.
"Who are they?" I immediately asked him.
"Enemies." He muttered with a cold expression.
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko makalma ang sarili ko. "What are you?"
"A human."
Bwiset! Sa lahat ng tao bakit siya pa ang mapagtatanungan ko? Wala bang ibang choice?
"Matagal mo na ba akong pinagmamasdan?"
"I can't tell you that."
"Sinong nag-uutos sayo?"
"I can't tell you that."
I sigh. "Should I trust you, then?"
Umiling siya. "You shouldn't trust anybody. Anyone can betray you."
"Then what should I do?" I desperately asked. I need to know answers. Mababaliw ako kapag ako lang ang mag-iisip dahil hindi ko makuha ang nais nilang ipahiwatig. Hindi ko alam ang koneksyon ko sa kanila. Ang malinaw lang ay may kailangan sila sakin. At ano yun?
"Open your eyes. Stop being innocent. Know their secrets." Yun lang ang sinabi niya. Yumuko siya sa harap ko, kagaya ng nakita kong pagyuko ng lalaking naka hoodie, bago umalis. Napatanga nalang ako sa kinatatayuan ko at hindi na siya nagawang habulin para muling magtanong.
What?
Open my eyes? Why? Am I too innocent that I fail to see what's wrong?
Secrets.
But who? Kaninong sikreto?
Bumalik ako sa kwarto at nahiga. Tumulala ako sa kawalan. Hindi na rin ako nakapagpalit ng damit dahil sa lahat ng nangyayari. Mali ba na hindi ko pinansin ang sulat? Dapat ba kumilos ako noon pa man? Pero paano?
"You shouldn't trust anybody. Anyone can betray you."
Who should I trust then? Myself? Ano ang magagawa ko? Bukod sa utak, ano pa ba ang magagamit ko? Wala na. Hindi ko pwedeng gamitin ang pisikal kong lakas dahil mahina ako at hindi ako marunong lumaban. Kailangan ko na lamang mag-isip. Makakatulong yun.
Sa ngayon, saan ako magsisimula?
Tumitig ako sa sobreng hawak ko. May maitutulong ba ito sakin? Kahit clue lang. Dapat may mahanap ako. Inilatag ko ang tatlong sobreng ipinadala sakin. Pare pareho iyong itim lamang. Purong itim. Ano ang makikita ko sa itim?
Bumibilis ang tibok ng puso ko. Kailangan kong kumilos kung ayaw kong may mamatay nalang sa mga mahal ko sa buhay. They are making a move. I don't know who are they but I need to also move.
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...