Bumalik ako sa classroom nang wala sa sarili. Sumasakit na ang ulo ko sa lahat ng impormasyon na ipinapasok ng kung sinu-sino. Hindi ko alam kung ano pa ang susundin ko. Ang mga impormasyon na ito ba ay tumutulong o nililito ako?
Sumalubong si Clarissa pagkarating ko. "Kumusta? Nakapag-usap ba kayo?"
Umiling ako at nilampasan na siya upang magtungo sa upuan ko.
"Girl, don't tell me nag break talaga kayo? Dahil lang sa sinabi ni Jasper?"Are all of them assume that we already broke up? Or breaking up with him is the right thing?
Bumuntong hininga ako. "Hindi Clari."
Tinitigan niya ako at bumuntong hininga rin. "Bakit ganyan ang mukha mo? Mukha kayong nag break."
Mukha nga siguro akong namatayan. Sa sobrang daming tumatakbo sa isip ko para na itong sasabog. Hindi ko na magawang maging masaya. Gulong gulo na ang buhay ko. Sinong maaari kong pagsabihan? Ang sakit na ng dibdib ko sa lahat ng ito.
Hindi na nangulit sa Clarissa. Naupo na siya at nakinig sa kadarating lang naming professor. Ako? Pinipilit kong makinig kahit walang pumapasok sa isip ko. Lumilipad ang utak ko. This is what they called physically present but mentally absent. I am now desperate for answers.
I roam my eyes hoping to find Clark but he's not around.
Natapos ang klase na puro pagtulala ang ginawa ko. Miminsan akong titigan ni Clari pero hindi ko pa rin siya pinapansin kaya hindi na rin niya ako pinansin. Nahihiya na ako sa mga kaklase ko na nagtatanong sakin ng tungkol sa itinuro kanina pero wala akong maisagot. Dati, kapag nagtanong sila nagagawa kong ipaliwanag ang hindi nila naintindihan. Ngayon, anong sasabihin ko kung hindi talaga ako nakinig?
Nakasubsob lang ako sa upuan ko matapos umalis ng mga kaklase ko. Tapos na ang klase at ako na lamang ang naiwan. Nagpaalam sakin si Clarissa na tinanguan ko lang. Ang ganda ng simula ng araw ko kanina pero nasira yun ng dumating ang Jamina na yun. Idagdag pa ang argumento ni Jasper at Zane. Isa pa ang mga salitang binitawan ni Amanda. Kailangan ko ng sagot pero mukhang pati si Clark ay wala na sa paligid ko. Ano nang gagawin ko?
Nanlulumo na ako at gusto ko nalang umiyak sa sitwasyong ito. Paano ako kikilos kung kulang ang nalalaman ko? Papatayin nalang ba nila ang mga mahal ko sa buhay?
"Sapphire," inangat ko ang ulo ko at natagpuan ang napakagandang pares ng mata. Mata niya ang paborito ko sa lahat.
Paano nasabi ni Amanda na hindi ko siya kilala? Sa tingin ko, siya ang hindi nakakakilala sa lalaking 'to. Kailanman, hindi niya ako pinagdudahan. Kahit ako nga ang mali, ako pa rin ang kakampihan niya. Ipinaramdam niya sakin ang pagmamahal na hindi ko na mararamdaman sa ibang tao. Tanging sa kaniya lang.
Dahan dahan siyang naglakad patungo sakin at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha na hindi ko alam na tumulo na. Patuloy lang ang pagtulo nito hanggang sa humikbi na ako. Hindi ko pala kayang ipunin ang lahat ng ito sa dibdib ko. Kinabig niya ako at binalot sa bisig niya.Zane, anong gagawin ko?
Humagulgol ako sa balikat niya at hinawakan ng mahigpit ang damit niya.
Gulung gulo na ako. Tulungan mo ako Zane. Hindi ko na alam kung kanino magtitiwala. Kahit ang sarili ko hindi ko kayang pagkatiwalaan. Pakiramdam ko pati sarili kong damdamin ay traydor.
"I'm sorry." Bulong niya.
Bakit nasasaktan ako sa sorry niya? Ang tinutukoy niya ba ay ang nangyari kanina? Ang pinag-awayan naming mga babae niya? O may iba pa?
"I'm sorry, Sapphire."
Bakit Zane? Para saan ang sorry mo?
Tumingin ako sa kaniya at may mga luha ring namumuo sa kaniyang mata. I can see his pain. Why? Why do you have to be sorry like this? What are you planning to do Zane?
BINABASA MO ANG
I Am Me When I'm With You (COMPLETED)
RomanceSapphire Andrea Mendez is smart, kind, beautiful, and innocent. She grew up inside the four corners of their house. She was not allowed to go out unless she have someone with her. She was homeschooled. She just experience to go out and associate her...