Chapter 3

16 1 0
                                        

Chapter 3

Eijaz's POV

"Alis na po ako Ma!!"

"Ingat ka!

Naghihintay ako sa bus stop ng may biglang umupo sa tabi ko. Medyo pamilyar ang muka nya. Ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng maalalang sya yung lalaking nakabasa sakin. Sa gulat ko ay naituro ko ang muka nya habang nanlalaki ang mata.

Pinanlakihan nya rin ako ng mata at binigyan ng 'anong tinitingin tingin mo look.' Inirapan ko nalang sya at sinimangutan dahil hindi man lang mag sorry. At bastos talaga dahil nag earphone pa

Nang muling mapasulyap sakanya ay nakapikit na sya. Nakataas ang buhok . Halatang halata talaga ang adam's apple. Pero naiirita talaga ako sakanya.

"Ano ba?" Padabog nyang inalis ang earphone sa tenga nya.

"B-baket?" Nauutal kong sabi dahil sa bigla nyang pag kainis.

"Baket moko tinititigan?" Nakataas ang kilay nyang tanong.

"Hindi ah" depensa ko sabay irap sakanya. Pero ganon nalang ang pag kainis ko ng irapan nya rin ako at ikabit uli ang earphone.

Bakla pa ata... pero agad din ang pag sulyap ko sakanya ng magpigil sya ng tawa at kumanta.

"Pfft haha"

🎶 Nakasimangot ka nalang palagi, Parang ikaw lang ang nag mamay ari ng lahat ng sama ng loob 🎶

Nakangisi syang sumulyap sakin, saka tinuloy ang pag kanta.

🎶 Pag mumuka mo ay hindi maipinta! Nakalimutan mo na bang tumawa eh sumasayad na ang nguso mo sa lupa 🎶. Hahahaha

Nang mapansing sobrang sama na ng tingin ko kaya pumikit ulit sya pero nagtuloy sa pagkanta.

🎶 kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong pag kabigo, ay isipin na lang na ang buhay kung minsan ay nagbibiro 🎶.

"Hoy-" biting sabi ko ng tumayo sya at umalis. Saktong dating din ng bus.

Nang makarating sa School ay dumiresto agad ako sa senior high school building at hinanap ang classroom ko. Tinext ko na din si Vriene kung nasan na sya.

Nauna akong makarating sa Room. Ilan palang ang estudyante. Napahinto ako sa pinto ng mag katinginan kami ni Aiden. Agad akong nag iwas ng tingin.

"Kyahh! Sis jaz! First day of school!!" Si vriene na akala mo high school.

"Sis Jaz!!" Sigaw din ng babaeng kararating lang. Nagtataka ko syang tinignan.

"Ay kaloka kilala mo ba yan?"

"Hindi" kunot noo kong saad.

"Clienna sis!" Ngiting ngiti nyang sabi. At awtomatikong umikot ang mata ko at aksidenteng mabalingan ang lalaki sa last row. Natingin sakin at nakangisi!.

I am your ShadowWhere stories live. Discover now